KABANATA6-CHAPTER 6

4 1 0
                                    

SCHOOL CAMPUS

"Mix! Mix!"

Nasa oval ako naglalakad, maaga pa. Narinig kong may tumatawag sakin, linungon ko naman.

"Oi, Kyser! Kamusta?"

Akala ko naman kung sino.

"Nako okay na okay talaga ako. Ikaw? Balita ko 2nd runner up ka raw ah!"

Aba chismoso? JK. Saan naman kaya niya nahagap ang balita kung sabagay baka may nagbalita rin sakanya.

"Ah oo. Tika lang saan mo nalamang second runner up ako?" Tanong ko sakanya.

"Ha? Narinig ko kina Edor." Kyser-

"Ang loko marami talagang alam, pero paano?"

"Sabi kasi ng girlfriend ni Max, binalita naman ni Max kay Jule, at ayon ipinasa rin sa kay Edor. 'Yong number 9 daw 'yong girlfriend ni Max."

Ayos din to mag explain eh. Ngayon alam ko na, si Max at Jule pala ang pangalan ng dalawang kasama ni Edor. Mga cute at gwapo rin ang mga iyon.

"Kung ganoon, hayaan nalang natin 'yon. Punta na ako ng room ko ha?" Pagpapaalam ko kay Kyser.

"Hatid na kita." Alok niya sakin, alam niyo mahilig talaga mag-alok ang lalaking ito.

"Ha? Nako wag na, nakakahiya naman sayo." Nahihiya kung tanggi.

"I insist."

Wala na akong nagawa hinatid niya na akong classroom eh. Alam niyo kung medyo makitid lang utak ko mapagkakamalan ko na itong lalaking to na may gusto sakin.

"Thank you sa paghatid sakin ah."

"You're always welcome Mix."

Pag ngumingiti talaga siya ang cute at gwapo niya. Chinito siya. Umalis narin siya at nag-paalam. Mabait talaga si Kyser kaya hindi naming maipagkakaila na kahit 3 weeks palang kami nagkakilala ay close na agad kami.

Kung hindi ko lang crush 'yong ka chat ko, gusto ko sana si Kyser nalang maging crush ko. Kaso loyal ako kay Medorence eh. Kahit di ko pa nakikita ang mukha niya.

Kyser's POV:

3 weeks na ang nakakaraan ng magkakilala kami ni Mix. Mabait siya, matalino at maganda. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sakin na bigyan ko siya ng Kit Kat dati. Pagkapasok niya palang ng canteen noong time na iyon, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.

Crush ko si Mix, super! Pero hindi pwedi maging kami kasi may girlfriend na ako. Tulad ng pinangako ko sa girlfriend ko, hindi ko siya ipagpapalit. Sinasamsam ko lang ang oras na kasama ko si Mix, hindi ko kasi kaya na nakikita ang ex-crush ko na sinasaktan ng iba.

Mayabang talagang tao si Edor. Alam ko na hindi titigil si Edor sa pang-aasar sa kay Mix. Matagal niya na kasing tinatandaan ang mukha ni Mix. Gago talaga iyon napaka walang hiya. Palibhasa super yaman, at ubod sa kagwapuhan. Crush siya ata ng lahat ng girls dito. Feel niya naman ang pagiging famous, pero takang-taka talaga ako kay Mix kasi hindi niya alam na famous dito sa school si Edor. Siguro dahil mahiyain si Mix, at palagi lang nag stistay sa room.

"Oi Kys ano iniisip mo diyan?" Tinapik ako sa balikat ng matalik kung kaibigang si Marlo.

Nasa loob kami ngayon ng room. Naka-upo lang ako sa seat ko.

"Ah. Wala naman." Nginitian ko lang siya.

"Kys! Diba may girlfriend ka? Bakit mo hinahatid si Multo?"

Damn! Nakakairita tong Edor na ito ah.

"Anong paki mo? Bakit nagseselos ka?"

Hindi ko alam kong bakit lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon.

"Bakit naman ako magseselos? Tss!" Tumalikod siya sakin.

Alam mo crush siguro nito si Mix. Nako naman dapat hindi lang, ang sama kaya ng ugaling pinapakita niya kay Mix.

"Kys?  Totoo ba iyon?" Tanong ni Marlo.

"Oo hinatid ko siya. Ex-crush ko siya Marlo, kaya gusto ko siyang maging kaibigan. Hindi ko naman iiwan any girlfriend ko dahil kay Mix. Inggit lang talaga 'yong si Edor. Bwisit."

Nakakainis siya, sarap siyang suntukin. Palibhasa famous!

"Cool kalang Kys, hayaan mo nalang 'yong Edor na iyan."

Tumabi si Marlo sakin, tiningnan ko siya, tama nga naman siya, hayaan ko nalang si Edor. But, hindi ako papayag na saktan niya si Mix.

Bagay sila ni Hermosa, ang famous din dito sa school. Masungit din iyon at napaka sosyalera. Nagmumukha lang siyang mabait pero ang totoo masungit naman talaga.

Gusto nilang malaman ang complete name ni Mix. Well, hindi ako papayag kasi sisiraan nila si Mix, halos si Hermosa pa talaga ang leader. Kakaiba din ang babaing ito. Napakaitim din pala ng budhi.

Kaklase ko kasi si Edor at si Hermosa. Hindi sila dati nag-uusap pero ng naging Queen Vocalist si Hermosa at King Vocalist naman si Edor, close na sila. Playboy talaga itong si Edor.

Napatingin ako kina Hermosa at Edor pati kina Max at Jule. Napaisip ako bigla sa sarili ko.

Bagay kayo, bagay na bagay. Pareho kayo ng ugali. Wag niyo lang saktan si Mix. Kasi kung gagawin niyo iyon, pasensyahan tayo.

Love at First Chat: DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon