KABANATA 28CHAPTER 28

9 1 0
                                    

"Mix! Mix! Patawarin mo na ako please! Huhuhu! Sorry na talaga!"

"Ano ngayon ha?! Na feel mo na kung ano ang na feel ng best friend ko?! Suntukin kita diyan eh!" Mik-

"Wooaaahh! Candy wag naman ganon, tapang din pala nito!" Kyzer-

Humihingi ng tawad si Hermosa sakin, nakaluhod siya sa harapan ko ngayon. Nandito kami sa kalagitnaan ng Oval field, timing ngayon wala na masyadong pasok kaso malapit na ang Christmas Party. Kinina pa ako hinahabol ni Hermosa, kaso ayaw kung tumigil hanggat naka abot kami dito. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan 'yong kamay tapos nagsosorry.

"Bigyan mo muna ako ng paragraph form na sagot bago kita mapapatawad!"

Kunwaring sigaw ko nasagot sa kanya, oo nga pala  kasama ko sina Mikae at Kyser. Si Mikae naman parang mas malala pa ata ang galit niya kay Hermosa kung ikukumpara sakin.

"Sorry Mix, ako ang nagpakidnapped sayo,  ako yong nagpakulong sayo sa stockroom ng warehouse, ako yong nagpahacked sa account mo, ako yong walang ibang ginawa kundi ang pagselosin ka at kainggitan ka. Sorry Mix! Ang..."

"Mixy!"

Naputol 'yong sinasabi niya kasi dumating si Walter.

"Oi Walter! Halika ka, makinig ka sa speech ng cousin mo."

Nagugulat naman na natutuwa ang mukha ni Walter samin.

"Pasalamat ka talaga Walter at nauna kang humingi ng sorry! Kasi kung hindi kasama ka diyan ngayon lumuluhod." Pabiro nanaman ulit ni Kyser.

Tumawa naman kami, tapos bumaling ulit ako ng tingin kay Hermosa.

"Sige na pagpatuloy muna speech mo diyan!" Sabi ko kay Hermosa.

"Ang sa..."

Nako naputol nanaman, dumating nanaman kasi, kasi (He he he!) ang manliligaw ko.

"Hi Mixy Multo ko!"

Tawag niya sakin, pinaalis niya muna sina Jule at Max saka pumunta sakin.

"Edor!"

Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Hermosa, at nagyakapan kami ni Edor.

"Hermosa?! What are you doing here?!"

Takang tanong ni Edor.

"Nandito siya to say sorry!" Mikae-

"Ah! Ganon ba? Sige"

Tumingin kami lahat kay Hermosa, na naka luhod parin at umiiyak. Nakatayo kami sa harap niya. Si Mikae naka crossed arms, habang nakayakap naman ang isang braso ni Kyser sakanya. Si Walter naman ay naka pamulsa, si Edor naman nasa tabi ko rin naka pamulsa, at ako naman kalmado lang na nakatingin kay Hermosa.

Love at First Chat: DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon