SCHOOL CAMPUS
Busy-busyhan na ang lahat para sa darating na singing competition. Tapos ko na 'yong na assign saking task. Iniwan ko muna si Mik sa stage na tumutulong din sa pagdedecorate. Pumunta ako ng canteen para bumili ng tubig. Ang daming studyante, papasok palang ako ng pinto ng canteen ng may lalaki akong nakita na nakatingin sakin. Agad naman akong yumuko, ayaw ko kasi na may katinginang lalaki, nakakahiya.
"Kuya dalawang tubig nga po." Sabi ko.
"Kuya isang Kit Kat."
Tumingin ako sa katabi ko. Siya 'yong lalaking nakangiti kanina. Kinuha ko 'yong tubig at umalis na, na kita ko ring binigay na ni kuya sakanya 'yong Kit Kat.
"Miss na nanaka ponytail, kulay brown yung tali at naka headband ng color white!"
Narinig ko 'yon. Boses ng isang lalaki, tika lang ako ba 'yong tinatawag niya? Ang pagkakaalam ko kasi, ako 'yong nakaponytail, na kulay brown ang tali atsaka white na headband. Kaya naman tumalikod ako. Hala wait, sinusundan niya ba ako?
"Ako ba tawag mo?"
Nahihiya kong tanong sakanya. Nahihiya ako kasi baka mamaya hindi ako ang tinatawag niya.
"Yup! Sayo na tong Kit Kat."
Inalok niya sakin 'yong Kit Kat. Ang bait naman nito, first time kong makasalamuha ng lalaking nagbibigay ng chocolate.
"Sure ka? Ibibigay mo sakin iyan?"
"Yes I'm sure."
Ngumiti siya, hala Lord ang gwapo niya rin.
"Nako salamat talaga..."
Hindi ko alam ang pangalan niya eh kaya na prolonged ko ata 'yong 'talaga'.
"Kyser Mendez"
Inilahad niya yung kamay niya sakin.
"I'm Mix" Ganti ko naman at nakipag shake hands sakanya.
"Yes I know you, ikaw yung babaing hinagisan ng footsocks ni Edor."
Kilala niya ako? Pero paano?
"Pano mo ako nakilala?" I asked.
"Secret, but don't worry hindi naman kami close ni Edor."
BINABASA MO ANG
Love at First Chat: Destined
RomantikHindi natin alam kung kailan at kung paano mahuhulog ang ating damdamin sa isang taong nakatadhana talaga para sa atin.