KABANATA 17CHAPTER 17

3 0 0
                                    

Parang ilang buwan narin ang nakakalipas matapos ang graduation namin na ang sa totoo naman ay recognition lang. Ngayong araw na to ang pinakamasayang araw sa buhay ng best friend kung si Mikae. Debut na niya, she's 18. Magarbo talaga ang birthday niya, mayaman kasi sila. Ako malapit narin ang debut ko, pero ayaw ko ng magarbo. Pasyal lang sa Mall, kumain at mag thank you kay God, swak na sakin iyon.

Nandito ako ngayon sa bahay nina Mikae. Maraming iba't-ibang colors ng spotlight ba tawag don? Lahat ng guest niya ay naka formal wear. Ang suot ko ngayon ay plain black na cocktail dress at may malapad na white na ribbon sa likod. Naka suot ako ng black na sandals at as always may headband parin akong kulay white. Hindi nakatali yung buhok ko ngayon, sinuklay ko lang siya at inayos. Wala akong hikaw, bracelet at kwentas. Hindi kasi ako mahilig sa mga ganoon, gusto ko simple lang talaga, atsaka isa pa hindi naman ako ang birthday celebrant.

Ang ganda dito sa loob ng bahay nila, air-con kasi. Maliwanag atsaka ang ganda kasi may music. Napapakanta tuloy ako. Nandito ako ngayon sa isang well decorated na table, hinihintay ko si Mik kasi may ipapakilala raw siya sakin at may importanting sasabihin. But bago niya daw sabihin iyon ay matapos yung speech niya sa gitna.

Nagsimula na siyang bumaba sa hagdan. Wow! Ang ganda niya super! She's wearing a pink cocktail dress na may lase na kulay gold sa biwang. At nagnining-ning talaga ang mga kwentas, hikaw, bracelet at basta lahat it's so amazing. Nagpalakpakan lahat ng guest.

Nasa stage na siya. Sisimulan na niya ang speech niya.

Mikae

Hi! Good Evening sa lahat ng taong nandito ngayon. Maraming salamat for coming here para masilayan ang 18th birthday ko. Thank you sa lahat sa family ko, sa mga friends ko, lalong-lalo na sa best friend ko, at sa boyfriend ko, and of course Kay God. Mahal ko kayung lahat, salamat talaga!

End«

Nako naman ang drama ng debut na to. Na luluha tuloy ako. But wait tama ba iyong narinig ko? May boyfriend si Mikae?! Kailan lang, sabi niya NBSB siya. Kaya naman pala palaging blooming to sa school dati.

Umupo na ako sa table, maya-maya ay nakita kung papalapit sakin si Kyser? Nandito siya?

"Good evening Mix, how are you?" Bati niya sakin.

"Nako good evening din, nandito kapala? By the way okay naman ako."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay dumating rin si Mikae. Lumapit siya sakin at niyakap ako. Grabi naman ito, debut lang hindi despedida.

"Happy Birthday Mik!"

"Thank you Best!"

Lumapit siya sakin, at hinila niya si Kyser. Holding hands?

"Mix we have something to tell you."

"Ano iyon best?"

"Matagal na kaming may relasyon ni Kyser, hindi ko lang sinasabi sayo na may boyfriend ako. Sorry Mix!"

Love at First Chat: DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon