Edors POV:
Humanda kang Multo ka. Makita lang kita mamaya aasarin talaga kita. Akala mo kung sinong maganda, may pahatid-hatid pa silang nalalaman ng Kyser na iyon. That boy, sinabihan ba naman ako ng nagseselos. Hindi niya ba nakikita na sa gwapo kung ito, maraming babae ang naghahabol sakin. Isa pa hindi ko kailangang magselos.
"Oi, congrats King Vocalist."
Lumapit sa akin si Hermosa. Binati niya ako sa aking pagkapanalo. Nakipag shakehands pa siya sakin. Ang mga loko ko namang kaibigan ay ngiting aso. Binigay ni Jule ang seat niya kay Hermosa. Magkatabi kasi kami ni Jule kaya iyon, pinaupo niya sa upuan niya si Hermosa.
"Thank you Queen Vocalist."
Tumingin ako sakanya. Nakita kung ng blush ang mukha niya. Halata talaga na crush ako nito. Okay naman siya, maalindog, sexy, maganda at mayaman. Pero hindi ko talaga siya crush.
"Kamusta na ang pang-aasar mo doon sa Mix na iyon?"
Alam ni Hermosa na ina asar namin si Mix. Well, gustong-gusto niya namang gawin namin iyon kasi naiingit siya kay Mix. Hindi ko nga alam sa babaing ito kung bakit na iingit pa siya kay Mix samantalang okay naman siya.
"Kailangan pa bang tanungin iyon?" Pilosopo kung sagot.
"Kung hindi ka lang talaga gwapo, aawayin nakita."
Sabi na ngaba at crush ako nito. Hindi ko na siya ulit pinansin ang kulit rin kasi, kinuha ko yung phone ko at tinangnan kong online ba si Mixy. Tamang-tama ang log in ko, online siya.
Mixy...
Hi Mixy! Good morning ♥
Oi, hello! Same with you there!"
You know I already missed you.
Ha? Palagi naman tayong nagchichitchat ah!
But still I miss you parin. ♥
Ang hilig mo talaga sa heart ano?
Syempre para sayo talaga ang heart ko ♥
Grabi kinikilig ako sa babaing ito, hindi ko pa nga nakikita ang mukha niya kasi Great Wall of China ang pp. niya pero kakaiba na ang nararamdamdaman ko sakanya.
Kailangan ko na sigurong umamin sakanya na gusto ko siya.
Mixy's POV:
Nandito na ako ngayon sa labas ng room kasi tumitingin ako sa mga studyanting naglalaro sa oval. Himala kasi nagkaroon kami ng vacant ngayon, for the first time in forever talaga. Tiningnan ko naman yung phone ko. Nakakakilig talaga kausapin si Medorence.
Medorence...
Hi Mixy! Good morning ♥
Oi, hello! Same with you there!
You know I already missed you.
Ha? Palagi naman tayong nagchichitchat ah!
But still I miss you parin. ♥
Ang hilig mo talaga sa heart ano?
Syempre para sayo talaga ang heart ko ♥
Oh Lord help me. Ako'y kinikilig sa tuwing ika'y ka chat ako'y nanginginig. Intense nato, to the highest level! Akin daw ang heart niya. Oh my goodness! Aamin naba ako na gusto ko siya? Nako hindi muna, ayaw ko mag first move, gusto ko malaman mismo una sakanya na gusto niya rin ako. Nag reply na ako sakanya.
Akin talaga?
Oo naman. May sasabihin sana ako sayo eh.
Ano iyon?
Mixy, kasi, ano...
Ano?
Gusto ko na talagang makita ka sa personal.
Ah ganoon ba? Hayaan mo darating din ang time na iyan.
Tama ka ang bait mo talaga. ♥ I think I like you
What?! Tama ba tong binabasa ko? Baka mamaya nagkamali lang siya ng type. Baka nga type niya narin ako kasi isang buwan narin kasi kaming magkachat.
Mixy? Seen mo nanaman ako. Hindi na ako mag papatumpik-tumpik pa. I like you
I like you too ♥
Hala! Ako nanaman ang pumasa ng heart emoji sakanya. Kinikilig talaga ako.
Talaga, hope to see you in person Mix, para masabi ko to ng personal sayo
Sige try ko Medorence.
Lowbat na ako Mixy, bye ♥
Hindi na ako nag reply. I can't believe it, he likes me and I like him also. Bagay talaga kami. Makikipagkita ako sakanya pagkatapos ng Graduation namin, malapit narin kasi ang closing. 3 weeks nalang ang natitira. Parang kailan lang din kasi natapos 'yong singing competition at ito ngayon preparation naman for examination at graduation.
I like you Mr. Medorence Kuff Silva, see you after graduation!
BINABASA MO ANG
Love at First Chat: Destined
RomanceHindi natin alam kung kailan at kung paano mahuhulog ang ating damdamin sa isang taong nakatadhana talaga para sa atin.