"Mix! Ba't nagmamadali ka ata?"
Nagkasalubong kami ni Mikae sa hallway ng school namin. Binilisan ko kasi ang paglalakad ko kasi baka sundan ako ni Edor (Feeling naman ako na susundan niya). Humingi siya ng sorry pero parang hindi niya parin magawang tantanan 'yong pang-aasar niya sakin. Pano kaya kung mag hire nalang siya ng babaing asarin niya (good idea naman diba?).
"Kasi ano... Ano kasi..."
Nahihiya akong sabihin kay Mik na baka sinusundan ako ni Edor. But I know hindi 'yon susunod sakin, magkaaway kasi kami noon. Ayaw ko lang talaga sabihin kay Mik kasi baka isipin pa niya na nag-usap kami ni Edor kanina.
"Ano? Ano bang nanyayari sayo?"
Ito nangaba, question and answer portion na.
"Kasi may aso doon, oo may aso kaya binilisan ko ang paglalakad ko baka habulin kasi ako."
Salamat naman at nakalusot rin. Mukha naman talagang aso 'yon, aso-ngot!
"Ganoon ba? Best diba sabi mo may ipapakita ka sakin, ano ba iyon?"
Tama ipapakita ko sakanya ang convo namin ni Medorence, hindi ko kasi matiis na walang pinagsasabihin i-sishare ko nalang kay Mikae kasi best friend ko naman siya.
"Oo mayroon nga, but wait hanap muna tayo ng mauupuan."
Naghanap kami ng mauupuan, at iyon nandito nakami sa isang shed ng school. Tahimik dito, malapit-lapit lang ito sa grandstand namin.
"Asan na? Pakita muna na eexcite panaman ako!"
Atat talagang babaing ito.
"Ito na nga eh, wait lang!"
Kinuha ko 'yong phone ko, inopen 'yong convo namin ni Medorence at ipinakita sakanya.
"Ito, basahin mo 'yong convo diyan, nakakakilig!"
BINABASA MO ANG
Love at First Chat: Destined
RomanceHindi natin alam kung kailan at kung paano mahuhulog ang ating damdamin sa isang taong nakatadhana talaga para sa atin.