CYBER BULLY
Matagal na akong hindi naka open ng facebook ko. Nagdecide na akong e-change ang pp. ko. Hindi na Great Wall of China 'yong profile picture. Ang ginawa kung pp. ay 'yong picture ko noong 18th birthday ko. Hindi ko narin nilagyan ng caption/s.
Inistalk ko rin si Edor, nag change narin pala siya ng pp. Naka black jacket and jeans siya, at nakasandal sa sasakyan niya. (Hot! hot! stolen shot!).
Maya-maya pa umabot na sa 100 'yong likes ng pp. ko grabi kilala na siguro nila ako. Ang dami ring nag comment. Ang saya ko talaga, marami rin palang nakakakilala sakin.
Mula ng hinalikan ako ni Edor, umiiwas na ako sakanya nahihiya kasi ako. Sinarado ko na yung loptap ko at nagligpit narin.
*1 week later
Pumasok na ako ng school, sa gate palang kita ko ng nagtitinginan ang mga studyante sakin. (Wow ganito na ba ako ka famous ngayon at lahat sila ay tumitingin sakin?).
Tumitingin nga sila, pero bakit ang sama? Ano ba ang mayroon ngayon? May kasalanan ba ako sa mga ito?
"Well, well, well! Nandito na yung feeling famous na girl na nag post ng walang hiyang status! Ahahaha!"
Bullshit tong si Hermosa ah! Ano bang problema nito, atsaka anong sinasabi niyang status, hindi naman ako nag update ng status, nag change lang ako kamakailan ng PP.
"Eww kadiri siya girl!"
Narinig kung sabi ng isang babae sa alley. Ano ba 'to dito palagi ako nakakakita ng kaaway sa Alley ng School.
"Ano ngayon Mixy? Nakakahiya ka talaga! Eww!"
(Grrr!) Bakit ano na ba ang nangyayari?!
"Anong sinasabi mo Hermosa?!" Galit at nagtatakang tanong ko sakanya.
"Tinatanong pa ba iyon?!" Inirapan niya lang ako saka tumalikod na.
"Hermosa! Tinatanong pa kita!" Bullshit walang modong babae to!
"Mix! Best! You need to know about this!"
Humihingal na lumapit si Mikae sakin, at pinakita yung phone niya. Wait nagstatus ako. Mabasa nga.
Mixy D. Santos
I'm not famous, but I want to be! Ang iba diyan famous hindi naman maganda! Atsaka wag niyong landiin si Walter C. Smith akin lang siya. Mga babaing malandi kayong lahat wag niyong lapitan ang sweety ko. Fuck you! 🌵
End«
Mixy D. Santos
Inaamin ko na gusto ko si Walter C. Smith, ang totoo nga niyan may nangyari na samin. Ang sarap talaga niya! I'm not Virgin anymore! 🌵
End«
Mixy D. Santos
Ang libog ko talaga 😋🌵
End«
Tumutulo ang luha ko habang binabasa ang lahat ng iyon. Ang tinding kahihiyan nito sa pagkatao ko.
Hindi ako ang may gawa nito, may nag hacked sa account ko. Sino may kagagawan nito."Best! Hindi ako iyan, hindi ako iyan! Hindi ako mahilig mag status!"
BINABASA MO ANG
Love at First Chat: Destined
RomanceHindi natin alam kung kailan at kung paano mahuhulog ang ating damdamin sa isang taong nakatadhana talaga para sa atin.