SCHOOL
*Kring! Kring! Kring
Nag ring na ang bell. Time na iyon for our first period class. Oo nga pala, Grade 11 na ako at honors student din. Malayo 'yong room namin, kaya kinailangan kung bilisan ang aking paglalakad. Lumiko ako sa oval namin. Nakayuko lang ako, kasi mahiyain talaga ako pagnasa labas ng bahay at nasa labas ng classroom. Mabuti nalang nga at parang kaunti lang 'yong taong naglalakad sa oval. Malapit na ako sa room namin ng may sumipol sakin. Naiinis talaga ako sa mga taong naninipol, ano palagay nila sakin aso? Kaya hindi ako humarap. Kaso nagulat ako ng may hinagis galing sa likuran ko. Damn! Footsocks? Sa subrang inis ko tumingin ako sa likuran. Hindi nga ako nagkakamali ang gong-gong nanaman.
"Hoy! Lalaki! Sandali lalaki ngaba? Tss! Wag mo akong hagisan ng footsocks, mukha ba akong paa?!"
Pagdating sa Edor na 'to naninigaw talaga ako. Wala na talagang hiya, ano ba kasalanan ko nito sakanya at gustong-gusto ako nito awayin? Talagang may kasama pa siya ha, hindi na talaga na hiya. Tatlo sila, isa lang ako. Pero alam ko ang dalawa walang ginagawang masama, pero itong ugok nato na nasa harapan ko na, alam na alam kung mayroon, kaya bago pa siya makapagsalita hinagis ko na sa mukha niya ang footsocks.
"Damn! Girl what the fuck!"
Pinunasan niya 'yong mukha niya.
"Fuckfuckin mo mukha mo. Ano masarap ang lasa no? Enjoy your meal!"
Tumalikod ako, at narinig kung tumawa ang dalawang kasama ni Edor. Buti nga sakanya. Natatawa na rin ako, na parang kinukonsensya. Natatawa kasi nakaganti ako sakanya, na kukonsensya kasi nakaaway ako ng ibang tao. Grabi umiiral talaga ang pagiging mabait ko.
Narating ko ang classroom ng safe. Umupo ako sa seat ko. Nakinig ng mabuti kay Mrs. Lim. Salamat naman after 1 hour natapos din. Wala panaman ang next teacher namin kaya tinignan ko muna 'yong phone ko. Nag chat ulit si Medorence.
Good Morning!
Ang bait naman nito, talagang magalang. Gusto ko pa sana siyang ichat kaso 1 hour ago na siyang active. Kakaiba talaga ang feeling ko dito sa Medorence nato. Parang nakakakilig. Gusto ko nga makita 'yong picture niya, kaso yung pp niya anime. Quiets kami kung ganoon kasi 'yong pp ko ay picture ng great wall of China. Hindi ko kasi gustong mukha ko. Kung maga-a-upload man ako, na set 'yon sa 'only me'. Kaya kawawa mga stalker ko, hindi nila makikita ang beauty ni Mixy D. Santos.
Tinago ko na 'yong phone ko, at nag-ayos sa kina-uupuan ko. Oo nga pala, katabi ko 'yong crush ko, kaya nahihiya ako magdaldal sa mga kaibigan ko, malayo kasi ang seats nila. Busy si Klent sa kakapindot ng cp niya, I know, Girlfriend niya iyon. Alam ko hanggang crush nalang talaga ako kay Klent B. Ocampo. Friends naman kami, atsaka mabait naman siya kaya nga crush ko eh. Pero bumaba 'yong self-confidence ko noong dinala niya dito sa school ang girlfriend niya. Shucks! Ang ganda, super, bagay talaga sila. Kaya hito crush na ngalang broken hearted pa ako. Wala pa talaga akong boyfriend, kaya naman focus nalang ako sa pag-aaral.
"Guys wala daw tayo ngayong second period class! May meeting ang mga teachers!"
Parang nabuhayan ako ng marinig ko 'yong sabi ng bakla kung kaklase. Walang klase? Well it's time para kumain sa canteen. Kaya niyaya ko na ang best friend ko si Mikae L. Cruz. Mabait siya kaya madali ko siyang nakasundo. Kamukha niya si Janila Salvador, ang pinagkaiba ngalang morena siya.
CANTEEN
"Kuya dalawang chicken joy at dalawang sandwich, dalawang tubig na rin."
Order ko kay kuya na nagbabantay sa canteen. Kumuha ako ng pambayad sa wallet ko kaso nahulog 'yong sampong piso kaya yumuko ako para pulutin. Ang nakakabadtrip makukuha kuna sana kaso inapakan ng sapatos. Kaya naman tumingala ako. Shit! Nandito nanaman ang gong-gong nato? Juice colored, ganito na ba ang sinasabi nilang maliit ang mundo? Tumayo ako at tiningnan siya.
"Ano nanaman problema mo? Kunin mo yung sapatos mo inapakan mo 'yong sampo ko!"
Kinalas naman niya 'yong sapatos niya. Nag smirk nanaman ang p*ta!
"Tss! Pasalamat ka mabait ako."
Ano raw? Mabait? Loko rin pala to eh! Tiningnan niya ako ng naka smirked siya tapos umalis, ako naman nakatayo parin dito na parang iwan. Bwisit talaga.
Nagbayad nalang ako at kinuha 'yong order ko. Umupo ako sa upuan namin ni Mikae ng nakabusangot.
"Oi anong nangyari sayo? At bakit parang nagkakasagutan kayo ng gwapong lalaki doon kanina?"
Ang babaing ito mahilig talaga sa usisa. Kung hindi lang talaga to mabait baka na sigawan ko nato, just joking!
"Wala! Hayaan muna 'yon. Badtrip lang 'yon sakin. Kumain nalang tayo."
Kumain kami ni Mik. Pagkatapos ay bumalik ng classroom. Ang sabi ng mga teachers namin, wala raw muna kaming klase the whole day, pero magpapraktis kami para sa darating na Singing Competition. Kami? Oo lahat kami parang audition kasi ito, kung sino ang mananalo siya ang magiging Queen Vocalist dito sa school, iba din ang babae at lalaki. Hindi ko pa na try na kumanta pero kakayanin ko para sa grades ko.
Iyon na nga ang nangyari. Buong hapon kaming nagpraktis, kaya naman pag-uwi ko nangbahay halos ma paos ako. Umupo ako ng kunti, tiningnan kung may assignments ba ako o wala, salamat at wala. Kaya naligo nalang ako sa banyo, at nag blow-dry ng buhok. Matutulog na sana ako ng naisipan kung buksan 'yong phone ko. At aba! May message nanaman si Medorence.
Good Evening! By the way bakit greatwall of China 'yong pp mo?
Aba nag tanong ang anime yung pp.
Wala trip ko lang!
Ganoon ba? Hahaha!
Tumawa pa talaga. Hindi na ako nag reply inaantok na ako eh, 9:30 pm narin kasi.
Sige matulog kana. Sayang gusto ko sana makita 'yong face mo. Hehe.
Gosh! Nagbublush ba ang mukha ko? Hindi umiinit lang talaga. Mag rereply pa sana ako kaso na lowbat na phone ko kaya iyon, hindi nalang.
Gusto ko rin makita 'yong face mo Medorence, pareho tayong gustong makita ang isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Love at First Chat: Destined
RomanceHindi natin alam kung kailan at kung paano mahuhulog ang ating damdamin sa isang taong nakatadhana talaga para sa atin.