KABANATA 18CHAPTER 18

2 0 0
                                    

Naglakad lang ako pauwi ng bahay, 12 a.m narin siguro. Ang dilim sa kalsada, ang lamig pa ng simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Bakit parang may sumusunod ata sakin? Nako ang mga stalker ko talaga hilig sumunod, ganito naba ako ka ganda? (Hahaha!)

Nagvibrate 'yong phone ko sa maliit kung shoulder bag. Sino naman kaya itong tatawag sakin ng hating gabi. Natatakot ako baka mamaya si Slendrina ito (wag naman sana!).

Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Medorence. Bakit kaya? Sinagot ko 'yong phone ko.

"Hello!" Pasigaw kung sagot.

"Multo nasan ka?!" Praning ng sagot niya.

"Multo ka diyan! Si Mix ako!" Sigaw ko nanaman ulit.

"Sige na, Mix asan ka ngayon?!" Bakit ba praning to?

"Pauwi na!"

"Galing kaba sa debut ng best friend mo?!"

"Oo! Bakit ba?"

Nakakainis to bakit tanong ng tanong, akala mo naman press conference. (Tsk! Tsk! Tsk!)

"Sumakay kaba ng sasakyan pauwi sa inyo? Naglakad kalang ba? Nasaan kana? Susunduin kita!"

Bakit ba alalang-alala to? Huwag niyang sabihin lumaki na 'yong puno ng concern niya sakin (Hay nako feel ko naman).

"Hahaha! Nako naman, nakakahiya sayo wag muna akong sunduin, naglakad lang ako atsaka malapit lang yung bahay namin no need to ride na." Pabiro kung tugon sakanya.

Narinig ko siyang bumuntong hininga sa kabilang linya.

"Mag-iingat ka Mix, baka may sumusunod sayo!"

What?! Anong ibig niyang sabihin sumusunod?! Oo nga kanina ko pa feel na may sumusunod sakin kaso hinahayaan ko lang.

"Anong...AHHHHHHHHH! "

Love at First Chat: DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon