KABANATA 2-CHAPTER 2

15 1 0
                                    

HOUSE

Saturday ngayon, wala kaming pasok. Kaya naman nandito lang ako sa bahay. Mag-aaral nalang ako at magpapraktis. Boring talaga dito, hindi naman kasi kalakihan ang bahay namin at isa pa hindi rin kami mayaman. Ang mama ko nagtatrabaho sa Manila Peninsula Hotel, wala na akong Papa namatay siya sa car accident noong 3 years old daw ako. Kakaiba ang ugali namin ni mama pagdating sa pag-aaral, kasi siya raw dati mahilig mag cutting sa klase at tinatamad gumawa ng homeworks. Ako naman halos mamatay pag may nakaligtaang gawin na homeworks at takot din ako mag cutting.

Nandito ako sa study table ko, kaharap 'yong loptap at mga libro ko. Actually nakakapagod din mag-aaral pero kakayanin ko. After 1 hour ng pagbabasa. Inopen ko na ang messenger ko, walang message. Nalungkot ako? Nasanay kasi ako na palaging nag pa-pop 'yong messages galing kay Medorence. Tiningnan ko kung sino 'yong online, ang dami pero wala akong ka chat?  Takot talaga sila siguro sa Great Wall of China. I ko-close ko na sana 'yong laptop ko kaso may nag pop na chat heads, una galing sa kay Mikae, at ang pangalawa galing kay MEDORENCE. Kinilig nanaman ang lola ninyo. Chos!

Mikae...

Mix! Masyal tayo mamaya sa Mall libre ko!

Anong mayroon?  Sige sasama ako basta libre, pero pareho lang naman kami, minsan ako naglilibre sakanya at minsan naman siya.

Sige pero mamaya na mga 3:00 pm.

Okay, see yah!

End«

Next kung binuksan ang message galing kay Medorence.

Medorence...

Hello Mixy! Have a nice day!

Ehh! Ang sweet naman nito. Feeling ko ata crush ko na to eh.

Same with you there.

Iyon lang 'yong reply ko sakanya sa totoo lang kasi hindi ako mahilig sa paragraph form na reply.

I miss you Mixy

Huwhat?! Na Miss na niya ako eh isang araw lang naman na hindi kami nakapagchat. Kinikilig talaga ako. Parang baliw ako nito na nakangisi sa harap ng loptap ko.

Nako ikaw talaga ang hilig mong mambola. Hehe.

Ayon nalang na reply ko sakanya. Gusto ko rin sanang sabihin na  'I miss you too' kaso nahihiya ako. Ayaw ko kasi na ako 'yong magfifirst move. Pero kung sabihin kong 'I miss you too ' okay lang siya naman kasi naunang magsabi ng I miss you sakin.

Hindi kaya, namimiss talaga kita kasi ilang araw palang kitang ka chat ramdam ko ng mabait ka.

Nako naman ang sweet. Nagliliparan na yung mga paro-paro sa tiyan ko.

Namimiss rin kita.

Grabi nato hindi ko na talaga alam kung ano ang e rereply ko kaya 'yon ang ending sinabihan ko rin siyang namimiss ko siya.

Talaga?! ❤❤❤

Love at First Chat: DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon