SCHOOL (Search for King & Queen Vocalist 2017-2018)
Mixy's POV:
Katulad nga ng sabi ko, iba ang lugar na pagdadausan ng boys at girls. Kami dito sa school stage at ang boys naman sa gym. Medyo malayo kasi 'yong gym dito sa stage. Saka nga pala ngayong araw na ito ang contest. Natataranta na ako, first time ko kayang kumanta sa maraming tao. Para sa grades ko sa Music gagawin ko.
"Calling the attentions of all participants in this competition, please proceed at the back stage now." MC-
Oh Lord, my God, tulungan niyo namang mawala 'yong kaba ko. Nandito na kami ngayon sa backstage. Ilang minuto nalang magstastart na 'yong singing contest. 6 pm nagstart ang contest, ayon na lumabas na si contestant number 1. Nakaka tense ika number 7 ako. After waiting, narinig ko na lahat ng contestants from 1-5. Ang nagpeperform ngayon ay ang contestant number 6. Grabi ang gaganda ng boses nila. 15 kaming lahat na contestants, at talagang pinili kami kasi nga sabi nila maganda ang boses namin. Pero ako hindi talaga makapaniwala, kasi naman never pa akong sumali in such competition.
"Thank you contestant number 6. Now lets all listen, welcome and give a round of applause to our next contestant. Contestant number 7."
Kaya ko to lumabas na ako ng backstage, naka school uniform lang ako, at syempre kaming lahat. Naka ponytail 'yong buhok ko, at as always naka suot ng headband na kulay white. Gosh, my spotlight talaga. Lalo tuloy akung kinabahan ng nakita kong maraming studyante rin ang nanonood.
*Dug! Dug!- -Dug! Dug!
Kailangan kong ipakita sakanila na magaling din ako. Nag start na akong kumanta.
...
Chill out what you yellin' for?
Lay back it's all been done before
And if you could only let it be
You will see...
...
Nakita kong ngumiti yung mga studyante kaya naman ginanahan ako sa pagkanta....
Why'd you have to go and make things so complicated?
I see the way you're acting like you're somebody else
Gets me frustrated...
...
Grabi! Hindi ako makapaniwala na natapos kung kantahin ang complicated song ni Avril Lavigne. Rinig na rinig ko ang kanilang palakpakan. Okay lang kahit hindi ako manalo rito, at least hindi ako na pahiya at natapos kung kantahin ng maayos 'yong kanta. I'm so proud of myself.
Matagal rin bago natapos 'yong contest. Tinawag kaming lahat na contestant at tinawag ang top 4.
"Contestant number 14! Contestant number 3! Contestant number 9! and Contestant number 7! Congratulations ladies. Kayo ang napili sa top 4. For those na hindi nadala, you're all winners." MC-
Rinig na rinig kung nag palakpakan silang lahat.
"Now kailangan ko na i announce ang Queen Vocalist natin! Sino nga ba?"
Tanong ng MC sa mga audience, maraming sumisigaw na 14, mayroon din namang 3, syempre mayroon ding 7 at 9.
"Okay our Queen Vocalist is contestant number... Contestant number 14! "
Masaya ako at si Kelly Hermosa ang nanalo, magaling talaga siyang kumanta mula grade 7 ay palagi na siyang nanalo sa singing contest, atsaka famous rin siya sa school. 2nd runner up lang ako, 1st runner up si Contestant number 3 at 3rd runner up naman si contestant number 9.
Parang hindi ako makapinawala na nakapasok ako sa top 4 at naka 2nd runner up. Thank you talaga Lord, Natapos narin ito.
Tama nga si Medorence, maganda ang boses ko. (Smiling)
Edor's POV:
Maganda ang boses ko kaya walang makakatalo sakin. Ako ang King Vocalist, sino kaya ang nanalo sa mga girls. Sana maganda 'yong nanalo kasi partner ko siya. Pambihira naman kasi itong teacher namin sa music, sabay na nga ang contest mag kaiba pa ang venue, tss! But wait, narinig ko kay Kyser na sumali si Multo sa contest. Hahaha! Panigurado ako talo 'yon!
"Dude congrats, ikaw na talaga ang singer!"
Binati ako ni Max at ni Jule.
"Dude sino nanalo sa mga girls?" Tanong ko.
"Si Hermosa ang nanalo, alam naman nating famous na siya dito sa school pagdating sa singing." Max-
"Famous na maganda pa. Oi saka nanalo rin pala si Multo mo, 2nd runner up siya." Jule-
P*ta talaga to si Jule.
"Anong multo ko? Hindi ko siya type. Buti nalang at 2nd lang siya, ayaw ko talaga siyang maging Queen."
Nakakainis talaga tong si Jules, palagi ako nito tinutukso kay Mix. Gusto ko lang si Mix asarin, pero di ko siya crush.
Mambuti naman kung si Hermosa ang nanalo, maganda yun, chick pa. Ang pagkakaalam ko crush niya ako, pero hindi ko siya crush, kasi isa lang ang crush ko, 'yon si Mixy D. Santiago, ang masugid kung ka chat.
BINABASA MO ANG
Love at First Chat: Destined
RomanceHindi natin alam kung kailan at kung paano mahuhulog ang ating damdamin sa isang taong nakatadhana talaga para sa atin.