Hermosa's POV:
Ang galing talaga ng plano namin ni Walter (Ahahaha!). Well, well, well! Alam ni Edor na ipapakidnap ko si Mixy, tingnan natin kung hanggang saan niya ma ipagtatanggol ang Mixy na ito. Nandito kami ngayon sa isang sirang warehouse malayo din ito sa bahay nina Mixy.
Naka-gapus si Mixy sa isang haligi sa loob ng warehouse, naka-upo siya sa sahig. Nakamask kaming lahat, ako naman nagtatago lang dito sa gilid. Inutusan ko lang 'yong tatlong lalaking nag kidnap sakanya.
Ganito kasi ang plano. Tatawagan ko si Edor, then pagmalapit na siya dito kunwari namang ililigtas ni Walter si Mixy. Nang sa ganoon ay mainis si Edor sakanyang sarili kasi may na una ng sumagip kay Mix (Ahahaha!)
Note: Kris Aquino laugh.
May tabon 'yong mata ni Mixy, nako naman nakacocktail dress pa siya (emeeerggerd!).
"NASAAN AKOOOO! PAKAWALAN NIYO AKOOOOOO! WAAAHHHH TULOOOOONG!"
Shit na malambot! Ang ingay niya rin pala.
"Hey you shut up!"
Pinatahimik siya ng isa sa mga tauhan ko. This girl grabi maka sigaw!
"SINO KAYO?! BAKIT NIYO AKO KINIDNAP?!"
Fuck! Ang inggay niya. Kailangan ko ng papuntahin dito si Edor. Saka nga pala si Walter ang nag inform sakin na umattend si Mix ng debut. Magkasama kami ngayon, lumabas lang nga siya kasi hihintayin niya ng patago si Edor, para pag nakita niyang papunta si Edor to save Mixy ay mauunahan niya. Matalino rin ang cousin ko, he want Mixy to fall in love with him.
Tatawagan ko na nga si Edor.
Calling Edor...
"Walang hiya ka! Kainis ka Hermosa!"
Hindi pa nga ako nakapag say 'Hello' sakanya nagalit na.
"Hi my King! Bakit ka nagagalit mahal mo na si Mixy no? Na fall kana? Oh how sad."
Gusto ko siya lalong asarin.
"Saan niyo siya dinala?"
"Want to save her? Punta ka ditong warehouse alam mo ang lugar nato. Bilisan mo bago kapa maunahan ng iba. Ahahaha!"
Sinara ko na agad ang phone ko. Tumingin ako kay Mixy.
Kawawa kanamang Mixy ka! Wait kalang nandito mamaya hero mo, hindi si Edor kasi akin siya! Walter ka nalang Ahahaha! I thought to myself-
Walter's POV:
Sana naman mag work 'yong plano namin ni Kelly (Hermosa). Parang mahirap ata mapa fall ang ganitong babae. She's beautiful, ang bait pa ng mukha. Nako baka instead siya ang ma fall sakin baka ako pa. FilAm ako at hindi naman sa nagmamayabang gwapo naman ako, puti saka matangkad. Nakita ko narin iyong si Edor, gwapo rin iyon, cute, puti saka mayaman, galing kasi siyang Thailand.
BINABASA MO ANG
Love at First Chat: Destined
RomanceHindi natin alam kung kailan at kung paano mahuhulog ang ating damdamin sa isang taong nakatadhana talaga para sa atin.