GRADUATION DAY (Recognition)
Ito ang araw na magpapaalam na kami sa pagiging Grade 11 students namin. Ang saya ko kasi nakaraos nanaman ako sa Grade 11, ganoon din si mama. Proud si Mama sakin, honors student kasi ako, but hindi ko na kailangan i-mention sa inyo kung anong honors mayroon ako. Dapat recognition lang naman talaga ang tawag dito, kaso dito samin pagnakapasa kana para kanaring nakagraduate kaya ganoon 'yong tawag Graduation.
Lagot nandito si Edor baka pag tinawag ako sa stage ay makilala niya ako. Nakakatakot naman.
"Mixy D. Santos"
Shit! Lagot tinawag na ako. Sana naman nag CR iyon. Tumakbo ako at umakyat sa stage, nakayuko lang ako at nakipagshakehands sa mga teachers sa stage.
Ayaw kung malaman ni Edor ang tunay kung pangalan, kasi kung malalaman niya ito unfair naman sakin kasi hindi ko kilala ang full name niya.
Bumalik na ako sa kinauupuan ko.
"Best congrats sayo ang talino mo talaga."
Nako napakasweet talaga ng Mikae na ito.
"Salamat Mik!"
Ang pinagtataka ko lang bakit siya nandito pumunta sa seats ng mga honors.
"Best, may award kapa ba?"
"Wala na Mik, bakit?"
Mukha atang nagmamadali mukha nito ah!
"Alis na tayo, dali magcelebrate na tayo!"
Hindi na ako makatanggi kasi hinila na niya ako, kaya tumayo nalang ako at sumunod sakanya.
"Saan tayo pupunta Mik?"
"Sa puso ko, hahaha!"
Kahit kailan talaga ang babaing ito mahilig din sa jokes. Mabuti nalang naging best friend ko siya.
After a minute, nakarating kami sa bahay nila walang tao. Kumain lang kami doon palagi naman kasi silang maraming pagakain.
I love Mikae very much, kaya best friend ko siya...
Edor's POV:
"Mixy D. Santos"
What? Wait nabibingi ba ako, Mixy D. Santos? Umalis kasi ako bumalik ako sa room, na iwan ko kasi ang phone ko sa seat ko. Ibig sabihin noon honors siya, sayang naman hindi ko nakita 'yong mukha niya.
Tumakbo ako galing room papuntang stage namin, tapos na wala na siya sa stage. Sayang talaga sana hindi nalang ako umalis sa upuan ko, edi sana nakita ko pa 'yong mukha niya. Shit!
Pero tika lang bakit si Multo nakita ko doon galing sa seats ng mga honors, honors student din ba siya? Pero hinila siya ng kaibigan niyang si Mikae bayon, basta nakilala ko yung Mikae dahil sa naririnig ko sina Kyser at Marlo nag-uusap tungkol sa kanya.
Natapos yung Recognition na parang graduation namin.
Naglalakad na ako ngayon sa hallway malapit sa gate namin.
"Edor!"
Ayan nanaman yung Hermosa! Nakakainis talaga siya. Hindi ko siya pinansin.
"Medorence Kuff Silva!"
Nakakairita! Complete name ko pa talaga, actually ayaw ko talaga na maraming maka-alam ng full name ko, kaya Edor lang yung gusto ko itawag sakin.
"Ano?"
Kinalma ko lang ang boses ko kasi baka maraming maka rinig samin. Lumapit sakin si Hermosa, at hindi ko talaga inakala na halikan niya ako sa labi.
"What the fuck!"
Ano ba ang nangyayari sakanya? Wag niyang sabihin nabaliw na siya dahil sa halik ko sakanya kailan noon.
"I like you Edor"
Ang lakas talaga ng loob ng babaing itong umamin.
"Well I don't"
Isang sagot lang ang ginawa ko, ang totoo kasi gusto ko lang siyang kaibigan, not my girlfriend. Marami na akong naging girlfriend na ginawa ko lang pangpalipas oras, hindi ako seryoso sa love, pero I think seseryoso lang ako pagnakita ko na in person si Mixy D. Santos.
"No, you like me Edor, hinalikan mo ako kailan non."
"Hindi ko mean iyon! Stop this Hermosa."
Tumalikod na ako sakanya ngunit nagulat ako sa sigaw niya.
"Why?! Why Edor? Dahil ba sa Mixy Santos na ka chat mo? Kaya ka nagkakaganyan?!"
Freaking girl! Pano niyo nalamang may ka chat akong Mixy Santos.
"What did you say? Pano mo nalaman na mayroon akong ka chat na Mixy Santos?"
"Huh! I don't want to tell why!"
Bullshit nakakainis siya. She left me with my jaw dropped. I hate her, ayaw ko talaga sakanya. Kilala niya ba si Mixy? Pano kung naituro niya na ako. No it can't be! Gusto ko ako mismo ang magpakilala ng sarili ko kay Mixy.
I hate this day! Kailangan ko na ngayong makita si Mixy para makapagpakilala na ako.
It's amazing how the world makes this!
Ichat ko nalang si Mixy.
Mixy...
Magkita na tayo ngayon, please. I missed you, sa Plaza tayo magkita sa malaking puno doon na may bench sa ilalim. Thank you Mixy! 5 p.m.
End«
ASAP kailangan ko ng makita si Mixy!
BINABASA MO ANG
Love at First Chat: Destined
RomanceHindi natin alam kung kailan at kung paano mahuhulog ang ating damdamin sa isang taong nakatadhana talaga para sa atin.