KABANATA 25CHAPTER 25

9 0 0
                                    

All For Her

Pumapasok parin naman akong school. At as always bulungan nanaman ang naririnig ko. Masakit sa puso, pero I need to be strong.

"Kapal talaga ng mukha niyang pumasok pa sa school!"

"Oo nga!"

Hinayaan ko lang ang sinasabi nila. Tagos lang iyon sa tainga ko.

"Oi ito na yung bitch!"

"Hindi na 'yan Virgin!"

"Baka nagmana sa nanay! Hahaha!"

Shit! Tumutaginting 'yon ah! Okay lang sakin na ako ang sinasabihan pero 'yong idawit 'yong mama ko?! Sorry na lang.

"ANONG SABI MO?!"

Sumigaw ako sa harap ng isang babae na nagsabi noon. Nagulat naman siya at biglang natakot.

"SABIHIN MO NA KUNG ANO ANG GUSTO MONG SABIHIN SAKIN, PERO WAG NA WAG MONG IDADAMAY ANG INA KO DITO! BULLSHIT KA!"

Buti nalang hindi ko siya nasampal at nasabunutan. Nakapigil ako pero ang tindi ng galit ko. Tumingin ako sa lahat ng studyanteng tumigil para mapanuod kami.

"KAYONG LAHAT! ALAM KO NANINIWALA KAYO DOON SA STATUS NA YUN! MANIWALA MAN KAYO O SA HINDI, HINDI AKO ANG MAY GAWA NOON! AT MARINIG KO PA NA DINADAWIT NIYO INA KO RITO, PASENSYAHAN NALANG TAYO!!!"

Ang tindi talaga ng galit ko. Pagkatapos noon ay umalis ako. Umiyak nanaman ako, hindi ako dumiretso sa room namin umupo ako sa lilim ng puno malapit sa grandstand.

Nakakainis naman! Parang gusto ko ng mamatay!

"Mixy! We need to talk."

Nandito ngayon si Walter sakin, sinundan ba niya ako bakit nalaman niyang nandito ako?

"Pano mo nalaman nandito ako? Saka anong pag-uusapan natin?"

Love at First Chat: DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon