Dear Mixy,
Mayroon akong kasalanan kung bakit ka na kidnapped noon. Ako yung nagsumbong kay Kelly Hermosa na umattend ka ng debut ni Mikae. Pinastalk ka niya sakin. Gusto niyang ipasundan ka talaga para alamin ko ang impormasyon mo. Pumayag ako sa kagustuhan niya, nag tangka rin akong paibigin ka ngunit hindi ko magawa, ako ata ang naunang imubig sayo. I was wrong, magkaibigan lang talaga tayo. Nakilala kita ng maigi Mixy simula ng naging magkaklase tayo, mabait ka, matalino, friendly. Kaya nakonsensya na akong gumawa ng masama, kakaiba ka Mixy kaya ayaw kitang nakikitang nasasaktan.
Inaamin ko, na kasabwat ako dati ni Kelly Hermosa kasi cousin niya ako. Pero tumigil na ako Mixy, ngunit ng tumigil ako ikinagalit niya iyon. Nagtangka siyang sisirain ka sa public gamit ang fb, she's the one na nag-utos para ma hacked yung account mo. Subrang inis niya, dinawit niya pati ang pangalan ko.
I know na subrang sakit nito para sayo Mixy, kasi ang pagligtas ko rin sayo dati ay kunwari lang nasa plano talaga iyon ni Hermosa. I'm telling you this kasi nag bago na ako, nagsisisi na ako sa lahat ng kasalanan ko sayo and of course kay Edor kasi alam ko nagseselos siya sakin kasi palagi tayong magkasama sa school.
I'm very sorry Mixy. Patawarin mo sana ako, aamin ako at ibubulgar ko si Kelly Hermosa.
-Walter
Ang haba ng sulat niya, ang sakit malaman mula sakanya na para lang pala akong laruan nina Hermosa. But on the other side, wala naman sigurong masama pagmaniwala ako kay Walter na nagbago na siya. I want to accept his sorry, kasi hindi ko kayang wala akong taong pinapatawad. Ayaw ko magkaroon ng mga kalaban sa school.
Walang hiyang Hermosa talaga, napaka walang hiya niya talaga, sa kadami-daming students sa school namin ako pa talaga ang kina-inggitan niya. Naiiyak tuloy ako habang binabasa ko 'yong sulat ni Walter,nakita ko 'to sa loob ng bag ko, crumpled siya. Muntik ko na 'tong matapon mabuti nalang at na check ko.
I need to go to school para malaman ito ng lahat at maayos na ang pangalan ko.
_____SCHOOL
"Everybody listen up! I'm Walter C. Smith, ako yung lalaking nakalagay doon sa status na hindi naman talaga si Mixy D. Santos ang may gawa. Alam ko kung sino ang may gawa noon, alam ko rin kung sino ang nag hacked sa account niya. To all students here, teachers at sa lahat ng mga staff, inosente si Mixy. Ang buong may kasalanan nito ay ang cousin kung si Kelly Hermosa!"
Ghad! Hindi talaga siya nagbibiro sa sulat niya. Nakita kung tumigil ang lahat sa stage para panourin siya. Pagkatapos ay nagulat ako ng tumingin siya sakin.
"Ms. Mixy D. Santos, alam ko marami rin akong kasalanan sayo. Pinagsisihan ko na lahat iyon. Naging kasabwat ako dati ni Hermosa sa pagpapakidnap sayo, at nagkunwari akong niligtas kita. Sorry talaga Mixy, Im really sorry."
Bumaba siya ng stage at niyakap ako. Nabato naman ako sa kinatatayuan ko. Nakakahiya 'yong ganito, hindi talaga ako sanay ng ganito Lord. First time 'tong mangyari sa school namin, tapos ako pa talaga ang center of attraction.
"Kaiinis karin eh! (Sobbing) Pero salamat kasi umamin ka, at nag sorry kana sakin (Sobbing) I already forgive you Walter."
Niyakap ko narin siya. Narinig ko nanaman ang sabi ng ibang studyante.
"Diba sabi ko sa inyo, hindi totoo 'yon!"
BINABASA MO ANG
Love at First Chat: Destined
RomanceHindi natin alam kung kailan at kung paano mahuhulog ang ating damdamin sa isang taong nakatadhana talaga para sa atin.