Mikae's POV:
"Hello Mix? Kamusta kana?"
Tinawagan ko si Mix, matagal narin kami magkakilala niyan mabait kasi siya, aside sa mabait siya ay matalino rin. Sigurado ako na honors nanaman ulit siya. Malapit na 'yong graduation namin ilang araw nalang 'yong natitira. Last week, nakita ko siyang umiiyak dahil iyon sa pinaggagawa ng mga lokong fan group siguro ni Edor. Ang pagkakaalam ko lang kasi parang iyon lang naman ang lalaking kaaway niya. Oo dati hindi ko kilala si Edor, kaso tinanong ko si Sprinkles kaya doon nalaman ko.
"Okay na ako Mik, kita tayo mamaya sa school, bakit ba wala ka ngayon dito?"
Absent ako ngayon, tinatamad kasi akong pumasok, busy naman kasi ang school para sa darating na graduation. Pahinga muna ako nandyan kasi 'yong dalaw ko. Atsaka hindi naman ako honors kaya walang problema kung hindi ako bumalik, pero dahil gustong makipagkita ni Mix sakin, go na ako mamayang tanghali.
"Sige pupunta ako diyan mamaya, tinatamad kasi ako ngayon."
Ayaw ko talaga kasing maglakad or lumabas ng bahay pagnandiyan 'yong dalaw ko.
"Oh bakit naman? Hahaha! Sige na nga see you later Mik. Bye!"
"Bye Best"
Bilib talaga ako kay Mix kasi para siyang robot, hindi siya napapagod kakabalik sa school kahit wala namang masyadong klase. Tapos pag may test or exam nag-aaral talaga siya samantalang ako, chill lang. Hindi naman ako bobo kaya alam ko may isasagot parin ako sa test at exams.
Naging magkaibigan kami ni Mix nitong grade 11 lang. 3 weeks palang kaming magkakilala ay halos magkapatid na ang turingan namin. Siya lang talaga ang ka close ko sa aking mga kaklase, hindi kasi siya sosyalera. Alam ko hindi naman sila mayaman, at ibang-iba ang state ko sakanya, but hindi siya namimihasa sakin. Sa katunayan nga nahihiya pa siya pagnililibre ko. May time din na siya ang naglilibre sakin.
Magkasing edad kami ni Mixy, 17 pero turning 18 narin kami. Siya alam ko na NBSB talaga siya, palagi niya kasing sinasabi sakin iyan pag sinasabihan ko siyang 'nakailang boyfriend kanaba?'. Ako naman matagal ko ng boyfriend si Kyser, secreto ngalang kasi ayaw ko na pinapakita namin in public masyado pa kasing maaga para sa ganyan, hindi pa ako nahalikan ni Kyser sa lips, gusto ko kasi ang first kiss ka ay sa debut ko.
1 year nakaming magkarelasyon ni Kyser, kaso kung may magtanong sakin sinasabi kong friends lang kami. I know ex-crush ni Kyser si Mix, pero tiwala naman ako sakanya na hindi na siya ulit mafufall doon. Ang pagkakaalam kasi ni Mix na NBSB rin ako. Ngayon mag kaibigan na sina Kyser at Mix, same with me.
Ang hindi ko lang talaga malaman bakit sarap na sarap si Edor sa pang-aasar sakanya, naalala ko pa last month 'yong about sa Kit Kat thing, halata kaya sa mukha niya na naiingit siya kasi binigyan ni Sprinkles si Mix ng Kit Kat. Favorite ni Mix 'yong Kit Kat, at ako mismo ang nagsabi noon kay Kyser.
Pag si Edor na fall kay Mix, kami na mismo ni Sprinkles ang mang-aasar sa lalaking iyon. Plano kung umamin kay Mix na boyfriend ko si Kyser sa debut ko na. Kung ako pinapangarap ko ang magarbong debut, siya naman simple lang. Kung lalaki lang talaga ako, wala na akong hahanapin pa kay Mix complete package na siya, in and out.
Nag beep yung phone ko.
Message
Mix:
Punta ka ha, hintayin kita rito. May ikukwento ako sayo.
End«
Anong mayroon doon? Excited ata siya.
Reply
To Mix:
Oo nga, sige magliligpit lang ako. Mwa!
End«
Hinintay ko na mag reply siya kaso wala eh. Kahit kailan hindi talaga mahilig mag text iyon. Himala nalang kung magchachat siya o kaya magtetext. Nag text siya ngayon kaya, I think himala ito, JK.
Just wait a Minute Mix, I'll be there...
Mixy's POV:
Naiinis parin ako kay Edor, he's bullshit! Mabuti nalang nga nagchachat kami ni Medorence kaya kahit papaano nababawasan 'yong inis dito sa puso ko. Palagi kong tinitignan 'yong convo namin, at kahit paulit-ulit ko 'yong binabasa kinikilig parin ako. I can't wait to tell Mik about this.
Tinatamad nanaman kasi siyang pumasok. Hay talaga naman ang babaing iyon. Mag-iingay nanaman 'yon pagpinakita ko ito sakanya ang convo namin. NBSB siya, at NBSB rin ako, pareho kami.
Nandito ako ngayon sa grandstand, kunti lang 'yong students nasa oval lahat sila nag-iikot at ang iba naman ay nagdidate. Ako lang mag-isa sa pwesto ko ngayon dito, hinihintay ko kasi ang pagdating ni Mik.
"Mix!"
May tumatawag sa pangalan ko kaya tumingin ako sa kaliwa, akala ko si Kyser hindi pala.
"Wala ako sa mood para makipag-asaran sayo."
Tumayo ako sa pagkaka-upo ko, lumapit naman siya sakin. Aalis na sana ako kaso hinila niya kamay ko pabalik para hindi ako umalis.
"Ano kaba Edor, ano ba kailangan mo sakin? Atsaka wag mong hawakan 'yong kamay ko, boyfriend ko lang pweding humawak diyan."
Nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat, tiningnan niya 'yong magkahawak naming kamay. Agad ko namang kinalas iyon.
"Mix, so..sorry doon sa nangyari last week."
Nauutal siya? Tama ba naririning ko ngayon? Hindi na multo ang tawag niya sakin, Mix na?
"Fine I forgive you, pero wag mo na akong lapitan at asarin!"
Akala mo ha! Gaganti talaga ako sayo.
"Ha? I can't promise that!"
Ito nanaman siya nagsosorry tapos 'Ha? I can't promise that'.
"Bahala ka sa buhay mo!"
Nagkamot siya ng kanyang ulo, ako naman iniwan siya doon sa grandstand. Ayoko doon kasama siya, baka mamaya mapagkamalan pa kaming lovers, eww!
BINABASA MO ANG
Love at First Chat: Destined
Storie d'amoreHindi natin alam kung kailan at kung paano mahuhulog ang ating damdamin sa isang taong nakatadhana talaga para sa atin.