"SI..SI.. SINO KA?!"
Nakakatakot na talaga, hindi na ako makatayo dito sa kinauupuan ko, kasi nga nakagapos ako. Halos maihi narin ako sa subrang takot. (Ahuhuhu!)
"Tulungan mo akoooo... Pleeeeeaaaaaassseee...babae tuluungaaaan mo ako!"
Kaiinis naman ang multong 'to, sakin pa siya hihingi ng tulong, eh halos hindi na nga ako dito makagalaw.
Infainess, nakakatakot talaga dito. Wag nilang sabihin joke nanaman ito.
"AKO ANG TULUNGAN MO! NAKO NAMAN WAAAAAHH! TULOOOONG!"
Nagsisigaw na ulit ako sa subrang takot. Bakit ba ang hilig nilang kidnanpin ako, ganito naba ako kayaman. (Duh!)
Maya-maya pa, biglang umihip ang malakas na hangin, parang may nahulog. Nakakainis naman, naglalaro ba ang mga multo dito? Or naiinis sila sakin kasi hindi ko sila tinulungan. Nako naman, pareho lang naman kami humihingi ng tulong dito. (Huhuhu!)
"WAAAAAAAAAHHHH TULLLLOOOOOOOONG!"
Biglang may tumalon sa harapan ko! Pusa ba 'yon? Pano nakapasok ang pusa dito?!
"TULLLOOOOOOOOOOONG! HUHUHU!"
Napapaiyak na ako sa subrang takot.
"MIX! MIX NASAAN KA?!"
"NANDITO AKO! TULONG!"
Bumakas yong pinto, nakita ko si Edor, umiiyak ako. Nagmadali naman siyang kinalasan ako, madaling araw narin pala. Tumayo ako at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Sorry Mix, I love you!"
Tumango nalang ako, hindi ko na managed na sumagot kasi bigla lang ako nawalan ng Malay.
Edor's POV:
Sinigawan ko nanaman si Mix the Multo. Nakakainis kasi, nagyakap nanaman sila ni Walter. Pero mali pala ang akala ko, tumawag si Walter sakin sinabi niya ang lahat sakin at humingi ng sorry. Nong una na bwisit ako, pero ng lumaon kailangan ko rin siyang patawarin.
Nainis nanaman ako bigla sa sarili ko kasi sinigawan ko si Mixy. Damn! Iniwan ko siyang bato doon.
Sumakay ako ng sasakyan ko, madaling araw narin kasi galing akong bar nakakabadtrip kasi naiinis ako sa sarili. Atsaka namimiss ko ang multo ko. Habang nagmamaniho ako, may narinig akong sigaw sa isang warehouse yon din 'yong warehouse kung saan dinala si Mix dati. Ang pagkakaalam ko medyo haunted ang warehouse na iyon.
"TULLLOOOOOOOOOOONG! HUHUHU!"
Boses yon ni Mix ah! Bumababa ako as sasakyan ko, at tumakbo papuntang warehouse.
"MIX! MIX NASAAN KA?!"
Hinanap ko siya sa loob kaso hindi ko siya makita.
"NANDITO AKO! TULONG!"
Nanggagaling iyon sa isang maliit na stockroom sa loob kaya naman tumakbo na ako at binuksan. Sinipa ko iyon kasi ang hirap buksan.
Nakita ko si Mixy sa loob, nakagapos siya kaya kinalasan ko siya. Naaawa ako kasi nakita ko siyang umiiyak, pag si Mix na kasi ang umiiyak parang hindi ko kaya. Tumayo siya at niyakap ako habang umiiyak.
"Sorry Mix, I love you!"
Iyon nalang ang nasabi ko sakanya habang niyayakap siya at hinahagod ang kanyang buhok. Kaso nagulat ako ng bigla siyang natumba sa harapan ko. Mabuti nalang at nasalo ko siya.
"MIX!"
Sumigaw ako, kaso hindi na siya nagising kaya dinala ko nalang siya sa bahay namin, wala naman kasi si Mom at Dad doon nasa Thailand sila, atsaka pina day-off ko narin ang isa naming katulong.
_____"NASAAN AKO?!"
Gising na siya. Gising na ang multo kung prinsesa.
"Wag kang praning, nasa bahay ka."
Kalmado kung sagot, actually sa kama ko siya nakahiga. Ako naman gising na ako kanina pa, atsaka hindi ako tumabi sakanya, sa sofa ako natulog. (Gentleman ata to!).
"HA?! BA...BAKIT AKO NANDITO, BAKIT NASA KAMA?!"
(Hahaha!) Praning na talaga ang babaing ito. Nagsisisigaw nanaman siya. Sarap talaga biruin nito, mabiro nga.
"Syempre, nahimatay ka! Nagtatanong kapa kung bakit nasa kama ka, alam mo na iyon (Wink). Alangan naman sa banyo natin gawin diba?"
(Hahaha!) Nakakatawa talaga ang reaksiyon niya, hindi pa siya nakapagsuklay ng buhok, tapos nakakumot siya, at tiningnan niya 'yong katawan niya.
"WALANG HIYA KA TALAGA EDOR!"
Hinagis niya sakin 'yong unan. Ang totoo wala naman talagang nangyari, atsaka hindi ko ginalaw ang uniform niya. Sarap talaga niyang asarin, kaya lumapit ako sakanya, umupo ako katabi niya sa kama.
"Ayaw mo ba?"
Bumulong ako sa tainga niya. Nakita ko namang namula yung mukha niya. Ang ganda talaga niya pagnamumula siya, kahit bagong gising. Hindi ko napigilan sarili ko, niyakap ko na siya.
"EDOR NAMAN EH!"
Kamalas siya sa pagkakayakap ko.
"HAHAHA!"
Tawa naman ako ng tawa, alam ko na natatakot siya atsaka na hihiya, halatang-halata sa mukha niya eh! Tumayo siya sa kama ko.
"Kainis ka talagang lalaki ka, ng aasar kananaman!"
Alam ko na inasar ko nanaman siya. Pero bigla pumasok sa isip ko na may kasalan pa pala ako sakanya. Kaya tumayo ako at nilapitan ko siya, hinawakan ko 'yong kamay niya.
*Dug! Dug!- -Dug! Dug!
"Mix, sorry talaga. Mahal kita subra kaya ako nagseselos. Ang laki rin ng kasalanan ko sayo kasi hindi kita na comfort ng mga times na kailangan mo ako. Sorry talaga Mix, babawi ako sayo."
Biglang tumahimik 'yong palagid, nakayuko naman akong humahawak sa kamay ni Mix. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin sa leeg.
"KAINIS KARIN KASI EDOR! PINAPATAWD NA KITA!"
Kumalas siya sa pagkakayakap sakin, at tiningnan niya ako ng masama (kunwari!).
"Tama na nga tong drama, ihatid mo nalang ako sa bahay. Pasalamat ka niligtas mo ako kasi kung hindi, hindi kita papatawarin!"
Ito nanaman, nagagalit (raw) pero ang lambing ng boses. Hindi ko tuloy na pigilang yakapin siya ulit.
"Liligawan kita Mix, kung papayag ka."
"Sige na! Oo na, papayag na akong ligawan mo, pero ihatid mo na muna ako sa bahay."
Tumungo nalang ako at bumaba na kami sa hagdan pagkatapos naming mag-ayos. Hinatid ko narin siya sakanilang bahay.
Ang saya ko ngayong araw nato. Sa wakas maliligawan ko narin si Mix. Atsaka, nalaman ko narin ang katutuhanan sakanilang dalawa ni Walter.
Thanks God! You help us!
BINABASA MO ANG
Love at First Chat: Destined
RomansaHindi natin alam kung kailan at kung paano mahuhulog ang ating damdamin sa isang taong nakatadhana talaga para sa atin.