Miguel's POV
Pagkagaling namin sa school dumeretso kami nina Luigi at Sab sa mall para gumimik. Nga pala, nag start na kahapon si Luigi sa panliligaw kay Sab kaya di na ko masyadong dinidikitan non.
Kumain muna kami sa Starbucks bago mag gala gala dito sa mall. Pumunta kami sa Blue Magic dahil trip lang namin hahaha. Nakakita ako ng stuff toy na aso pero maliit lang, ang cute nga eh. Naisipan ko namang bilhin yon para kay Bianca. Hahaha wala lang :D
Ang cute naman nyan Miguel! Kanino mo ibibigay? tanong ni Sab nang makita nyang hawak ko
Eto? Para kay Bia---
Pinutol ni Luigi yung sasabihin ko. Bastusan eh! Lol
Para yan sa bagong sisiw nya babe! Diba bro? sabay ngiti ng nakakaloko
Ulol! Di ko yun chicks no! sabay binatukan ko hahaha
Wait nga lang guys! Sino ba yang pinag uusapan nyo ha? curious na si Sab
Secret! :D sabay naming sabi ni Luigi kaya nagtawanan kami
Ugh! Bahala kayo mga baliw! biglang nag walk out si Sab
Sinundan naman agad ni Luigi kaya naiwan akong mag isa dito sa labas ng Blue Magic. Matawagan na nga lang si Bianca..
On the phone
(Hello?)
Hi Marc este Bianx! tumawa ako :D
(Tumawag ka lang ba para mang asar Alexander?)
Alexander? Pano nya nalaman? O.O
Teka, pano mo nalaman? pagtataka ko
(Secret ko nalang yun Mr.Miguel Alexander Torrejos Tanfelix HAHAHA)
Ah ganun ba Ms.Bianca Nicole Soler Umali? Hahahaha
(Hahaha pakigaya! Bat ka nga pala napatawag Xander?)
Wow! Sya lang tumawag sakin ng Xander. Ang family ko kase tawag sakin eh Alex, tapos sa school ay Miguel, yung friends ko naman ay Migs. Ang alam kasi sa school, Miguel Torrejos Tanfelix lang name ko. Di nila alam na may second name pa ko which is "Alexander"..
Xander?
(Yup, yun nalang tatawag ko sayo ha?)
Hahaha okay, basta ikaw!
(Hehe bat ka nga kasi tumawag?)
Gusto ko lang malaman kung nasaan ka.
(Ako? Nasa bahay lang naman. Why?)
Punta ako dyan mamaya, may ibibigay ako sayo! Nandito pa kasi ako sa mall eh.
(Anong ibibigay mo?)
You'll see. Sige bye na Nikki!
(Nikki? Hahaha sige bye!)
At in-end call na.
Nasan na ba yung dalwa? Tinatawagan ko sila di naman sinasagot hayss iniwan na yata ako. Makapunta na nga kina Bianx..
Bianca's POV
Kinilig ako nung biglang tumawag si Miguel Alexander! Di ko kasi ine-expect ^.^ At sabi pa nya, pupunta daw sya dito sa bahay mamaya dahil may ibibigay sya. Na-curious tuloy ako kung ano yun. Anw, kasalukuyan akong nandito sa garden ng house namin, nakaupo ako sa bench habang inaantay sya..

BINABASA MO ANG
Love Comes at the Right Time
Teen FictionLahat ng bagay dumadating sa tamang panahon... ~