Chapter 17

66 1 0
                                    

Miguel's POV

Ang labo talaga ni Bianca. Diba sabi nya ayaw na nya akong makita, makausap, makasama at maging bestfriend? Pero eto naman sya, nangungulit. Gusto daw akong makausap tss.

Miguel! tawag nya sakin at hinawakan pa ko sa braso kaya nilingon ko ulit

I'm sor-- di nya natuloy yung sasabihin nya dahil bigla syang nawalan ng malay. Buti nalang at nasalo ko sya.

Nakatingin samin lahat ng tao. Binuhat ko sya ng pa-bridal style at dinala ko sa clinic. Nung nasa clinic na kami, inihiga ko sya sa kama at inasikaso naman nung nurse. Kinuha ko yung phone nya sa bulsa nya para itext si Marc. Nasa bag ko kase yung phone ko dahil naka jersey ako..

To: Marc

Punta ka dito sa clinic nandito si Bianca, nawalan ng malay. Miguel 'to

Pagkasend ko nun. Kinausap ko yung nurse..

Bakit po sya nahimatay? tanong ko

Siguro hindi pa sya kumakain kaya nahilo sya tapos ang init pa ng panahon. sabi nung nurse

Tumango nalang ako. Maya maya biglang dumating si Marc..

Hoy! Anong ginawa mo sakanya?! ang kitid ng utak neto -.-

Wala akong masamang ginawa! Dinala ko sya dito kase nahimatay!

Pinagsabihan naman kami nung nurse na wag gumawa ng gulo dito. Lalabas na sana ako kaso may nakalimutan akong sabihin..

Sa susunod kase bantayan mo si Bianca! Alagaan mo! Hindi yung puro ka pa-sweet, wala ka namang ginagawa para protektahan sya! sabi ko kay Marc atsaka umalis

Bumalik na ko sa gymnasium dahil hindi pa tapos ang try-out. Excused naman kami sa class ngayon.

Bianca's POV

Nanghihina ako. Minulat ko yung mga mata ko tapos..

Oh gising kana pala! sabi nung nurse sakin

Bakit po ko nandito? pagtataka ko kasi the last time i know nasa gymnasium ako

Nawalan ka kasi ng malay kanina. Buti nalang dinala ka agad ni Mr.Tanfelix dito. si Miguel?!

Si Miguel po? tanong ko ulit

Tumango sya at ngumiti. Maya maya nagbukas yung pinto at nakita ko si Marc..

Buti gising kana. May dala akong pagkain para sayo! sabi nya habang papalapit sakin

Pano mo nalamang nandito ako?

Sinabi sakin ni Miguel. napangiti naman ako ng palihim. Kahit masakit yung mga salitang binitawan ko sakanya, napaka caring nya parin. Iba talaga si Miguel :)

Kinain ko naman yung mga pagkaing binigay sakin ni Marc. Di pa kasi ako naglu-lunch eh hapon na.

Uwian na pala. Di ako na-inform haha. Hinatid ako ni Marc sa bahay pati na rin si Sandy. Di ko na nakita si Miguel simula kanina bago ako hinimatay.

Nandito ako sa kwarto. Nag-open ako ng IG at bumungad sakin yung post ni Ash. Picture ni Miguel habang nagba-basketball, "My Varsity Player! I'm so proud of you <3" Yun yung caption.

Nakita ko naman na finollow ako ni Barbie. Yung nakilala ko kanina. Ini-stalk ko sya, ang ganda nya talaga ^^ Kaya naman finollow back ko hahaha.

Maya maya si Miguel naman yung nag post. Picture nya na naka jersey at hawak ang bola na may caption na "Basketball is life." Wala pang isang minuto eh andami ng likes at tadtad na ng comments. Kakaiba talaga ang isang Miguel Tanfelix aba!

Naisipan ko naman syang itext..

To: Miguel Alexander (kung dati eh may heart, ngayon inalis ko na)

Thank you nga pala sa kanina, Xander! :)

Inaantay ko yung reply nya pero ang tagal. After 20minutes, nagreply na sya..

From: Miguel Alexander

Kumain ka kase sa tamang oras.

Kahit sa text, parang ang cold nya parin sakin.

To: Miguel Alexander

Okay. Pwede ba tayong magkita ngayon?

Kalahating oras ng nakalipas nung tinext ko sya pero hindi parin nagrereply. Tatawagan ko nalang. Naka ilang ring na pero di pa nya sinasagot. Maya maya sinagot na nya sa wakas..

On the phone

Hindi ako pwede ngayon, may celebration ang team. deretso nyang sabi

(Ah si--) di pa ko tapos magsalita pero binabaan na nya ako -.-

Hays ang hirap suyuin ni Miguel. Pero hindi ako titigil hangga't di kami nagkakausap ng maayos.

Barbie's POV

Hi! Hello! I'm Barbie Forteza from Los Angeles, CA but I'm a proud Filipino. Since 5 yrs old ako, sa U.S na kami nakatira pero every 2years ay nagbabakasyon kami ng family ko dito tuwing summer.

Noong April, umuwi kami dito sa Pinas pero after 1 and a half month, bumalik ulit kami sa LA. Pagdating namin dun, may sumalubong na malaking problema tungkol sa business namin. Nalulugi na kami. Laging nag aaway sina Mommy at Daddy. Solo lang akong anak.

Kaya napagdesisyunan kong dito muna sa Pinas mag stay at mag aral. Buti nalang at pumayag ang parents ko. Mag isa lang akong nakatira sa bahay maliban sa isang maid. May sarili akong kotse dahil kaya ko naman mag drive.

Isang araw, plano ko ng mag enroll sa TU dahil balita ko eh isa yun sa pinakasikat na University dito sa Pinas. Naisipan ko munang tumambay sa isang coffee shop bago magpunta sa school na yon. Nag bike nalang ako nun dahil tinamad ako mag drive.

Pero sa di inaasahan, nasira yung bike ko dahil sa isang lalaking naka-motor. Nang makita ko yung gwapo nyang mukha, bumilis agad ang tibok ng puso ko. Marami namang gwapo sa LA pero hindi ako tinatamaan ng charms nila. Iba kasi yung appeal ng lalaking yon kaya nagustuhan ko agad ^.^

Nagulat nga ako nung makita ko yung bahay nila dahil mas malaki at mas maganda pa sa bahay namin. Nalaman ko din na sa TU pala sya nag aaral kaya mas na-excite akong pumasok sa school na yon.

Sinamahan nya ko sa principal's office at nalaman ko din na sila pala ang may ari ng University na yon. At narinig ko yung pangalan nya ay Alex. Pero nasaktan ako nang malaman kong may girlfriend na pala sya. Well, hindi naman imposible kasi nga gwapo.

Nung binigay na sakin yung schedule kanina, natuwa ako dahil nasa Star Section ako. Sana marami akong maging friends at sana maging classmate ko si Alex. May nakilala na ako kanina, si Bianca. Mukha naman syang mabait. Sana maka-close ko ^^

~

 

 

 

 

 

Love Comes at the Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon