Chapter 41

128 2 1
                                    

Miguel's POV

Time check: 2:30am

On the way na ako kina Bianca pero nagpahatid lang ako sa driver ko. Van kasi nina Luigi ang gagamitin namin. Si Sandy daw muna susunduin niya para malapit. Pupunta na ko sa kanila para isang sundo nalang nila samin.

Nag doorbell na ko sa kanila at pinagbuksan naman agad ako nung maid nila. Si Bianca daw ay nagbibihis pa sa kwarto niya kaya naupo muna ako dito sa couch at nilapag ko muna yung mga dala kong gamit.

Naisipan namang pumunta sa kwarto ni Bianca para maibaba ko na yung mga gamit niya.

*tok tok*

Sino yan? tanong niya

Si Miguel 'to!

Oh Myti, may kailangan ka ba? Sandali lang ha! sabi niya pero hindi pa din binubuksan yung pinto

Sige, take your time! Ako na magbababa ng gamit mo. Antayin kita dito sa may pinto.

Hindi na siya nagsalita. Maya maya ay binuksan na niya yung pinto.

Sorry kung natagalan ako. Pasok ka muna! sabi nya tas pumasok ako sa kwarto nya at umupo ako sa kama

Nag aayos pa kasi siya ng mga dadalhin. Napansin ko naman na may picture kaming dalwa na nakalagay pa sa picture frame at nakapatong sa side table niya. Kinuha ko iyon. Yung picture ay nung nasa rooftop kami ng building kung saan niya ako sinagot.

Bagay na bagay talaga tayo Bianx no? :D sabi ko habang nakatingin parin sa picture

Napatawa naman si Bianca.

Hayy sa wakas natapos din! Tara na Myti. sabi nya

Binuhat ko na yung mga dala niyang gamit tapos bumaba na kami. Uminom muna kami ng kape habang inaantay sina Luigi.

*beep beep*

Lumabas na kami ni Bianca. Ako yung may bitbit nung mga gamit namin pati yung isang maid. Ayoko kasing pinagbubuhat yung girlfriend ko haha.

Sumakay na kami sa van. Ganito yung pwesto namin..

driver-none

bianca-me

sandy-luigi

Tahimik lang kaming lahat sa biyahe. Mga inaantok pa kasi kami dahil madaling araw palang. Pero may maririnig naman na music mula sa radio.

Bianca's POV

Nagising ako bigla dahil may nag flash pero hindi ko pa dinidilat yung mga mata ko..

Nubayan Luigi! Bat may flash 'to? rinig kong sabi ni Sandy

Ako pa sinisi mo eh ikaw nagpipicture dyan! sabi naman ni Luigi

Kanino bang phone 'to? Diba sayo! Di mo sinabing may flash. sabi ulit ni Sandy

Minulat ko na yung mata ko. Nakita ko namang magka-holding hands kami ni Miguel tapos siya ay naka neck pillow, tulog na tulog haha.

Nilingon ko naman sina Sandy at Luigi. Nagtutulog-tulugan pa :D

Hoy! Wag na kayong pa-inosente hahahaga alam kong gising kayo! sabi ko sa kanila

Minulat na nila yung mga mata nila at umarteng kakagising lang haha..

Bes ang ingay mo! Natutulog pa ko eh. sabi ni Sandy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Comes at the Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon