Bianca's POV
Andito na ko sa school, hindi ko kasabay si Miguel. First day pa naman naming mag bf/gf. May importante pa daw siyang gagawin eh at naiintindihan ko naman yon. Kaya si Sandy ang kasama ko ngayon. Kanina pa nga nyan hawak yung phone nya eh, may katext ata..
Bes! Kausapin mo naman ako. Kanina ka pa nagce-cellphone dyan eh! sabi ko na kunwaring nagtatampo haha
Wag kang maingay bes! May importanteng announcement daw ngayon. Antayin natin ha? Dito muna tayo. sabi nya tas umupo kami sa isang bench dito sa may hallway
Tumango lang ako. Ano kayang announcement yun? Maya maya ay may nagsalita na. Rinig yun sa buong University dahil sa mga speakers na nakakabit sa paligid..
Attention everyone! Goodmorning sa inyo. teka kilala ko yung boses na yun ah!
Miguel Tanfelix here! May gusto akong ipaalam sa inyong lahat. Bianca Umali is MINE. Kami na! Kung yung iba dyan na nagbabalak agawin siya sakin, umatras na kayo! Akin lang siya at sa kanya lang ako. Okay? Uhm, Bianca kung nakikinig ka ngayon, gusto ko lang sabihin sayo na "I love you! Kita nalang tayo sa room mamaya, ingat ka ha?" Sige, bye. Salamat sa pakikinig ninyo.
O_O & ^_^ <--- reaksyon ko. Speechless ako.
Napatingin naman ako sa paligid. Halos lahat ng students dito ay nakatingin lang sakin tas pinagbubulungan pa ako. Yung iba eh parang ang sama ng tingin tapos yung iba ay parang kinikilig naman.
Bes! Ikaw na talaga! Haba ng hair mo! sabi ni Sandy na kinikilig din haha
Kasabwat ka nanaman ni Miguel no? tanong ko sakanya tas ngumiti lang sya ng nakakaloko
Tara na sa room bes! Baka nandun na yung prince charming mo :D sabi nya tas hinila na ko
Habang naglalakad kami, nakatingin lang yung ibang students. Naririnig ko pa nga yung mga bulungan nila eh..
Siya ba yung bagong girlfriend ni Miguel?
Oo, si Bianca. Ang ganda no? Bagay sila ni Miguel!
Seriously? Maganda? Hindi kaya! FYI, mas bagay si Miguel kay Ash.
Si Ash eh maarte naman yun! Hindi tulad ni Barbie. MigBie ftw!
No, BiGuel kaya mas bagay!
Hays! Ano ba tong mga fan girls ng boyfriend ko -.- Siguro inggit lang sila kasi ako yung mahal ni Miguel ^^ Hahahaha. Dumeretso nalang kami sa room pero wala pa siya..
Look bes! sabi ni Sandy pagpasok namin ng room tapos tinuro yung nasa upuan ko
May isang red rose na nakapatong sa armchair ko. Lumapit agad ako dun at nakita kong may card pa tapos may nakasulat na... Hi, Ms.Beautiful! This is for you. I love you <3 -Xander :)
Grabe si Miguel! Lagi nalang akong pinapakilig ^.^
Luigi, nasan si Miguel? tanong ko kay Luigi na nagce-cellphone
Papunta na yun dito. Bakit? Miss mo agad? :D biro pa niya
Inirapan ko lang siya pero pa-joke lang naman. Syempre bestfriend yun ng boyfriend ko! Hahahaha.
Miguel's POV
Maaga akong pumasok ngayon para maunahan ko si Bianca dito sa school. Ang cheesy ko ba masyado kanina nung inannounce kong akin lang siya? Hahaha. Ganun talaga! Proud kasi ako na mahal ko siya.

BINABASA MO ANG
Love Comes at the Right Time
Teen FictionLahat ng bagay dumadating sa tamang panahon... ~