Chapter 38

69 2 0
                                    

Miguel's POV

Ash?! what the f anong ginagawa nya dito?

Hi Miguel! sabi nya tas ngumiti pero hindi ko pinansin

Mom, what's the meaning of this? bulong ko kay Mom

They are our partners for the new project of the company. So please be nice Alex. sabi naman ni Mom

Hays ano ba yan! Hindi 'to magugustuhan ni Bianca.

Umupo na kaming lahat at katabi ko pa talaga si Ash. Sinasadya siguro ito ng parents namin -.-

Habang wala pa yung order namin ay nagkukwentuhan lang sila. Ako, tahimik lang at nagce-cellphone. Si Ash naman ay puro selfie ang inaatupag. Tss ang boring!

Hanggang sa dumating na yung foods..

Wait lang po! Kailangan muna nating mag groufie :D sabi ni Ash

Napatawa lang yung mga parents namin. So ayun na nga, nag groufie kami bago kumain.

Miguel iho, kamusta na nga pala kayo ng anak ko? tanong sakin ni tito

Hindi pa ba nila alam na wala na kami ng anak nila? 1 week and 4 days ng nakakalipas eh!

Ah Tito, we alrea--

Pa, we're okay. Masaya po kaming dalwa. sabi ni Ash -.-

That's good! Sabihin niyo lang kung kailan ang kasal para makapag ready na kami :D biro ni Tito

Nagkatinginan lang kami ni Ash. Medyo natatawa siya pero para sakin, it's not a good joke. Si Bianca lang gusto kong pakasalan! Sa tamang panahon.

Pagkatapos ng mahabang oras ay nagyaya na silang umuwi. Finally!

Alex, ikaw na maghatid kay Ash. Gamitin mo yung kotse ko. sabi ni Dad tas binigay sakin yung susi, napakunot naman yung noo ko

Sa kotse nila kami sasakay Anak. sabi naman ni Mom

Wala na kong nagawa. Sumunod nalang ako sa gusto nila. Sumakay na kami ni Ash sa kotse at nagsimula na kong mag drive. Gusto ko ng umuwi!

Bakit hindi mo pa sinasabi sa parents mo na wala ng tayo? seryoso kong tanong sakanya

Kasi alam kong magagalit sila. sagot nya

Kahit na! Kailangan nilang malaman.

Fine! Hahanap ako ng right time para masabi sa kanila.

Ako nalang magsasabi kung nahihirapan ka.

Wag na! I can manage.

Hindi na ulit ako umimik. Hinatid ko na sya sa bahay nila. Bago pa siya bumaba ay..

Oh I almost forgot... sabi nya tas may kinuha sa bag nya

Here! Hope you like it. Bye! sunod nyang sabi tas inabot sakin yung isang box na naka-wrapper pa at bumaba na

Hindi ko muna yun binuksan. Mamaya nalang sa bahay.

Bianca's POV

Kanina pa ko walang ginagawa. Nakakatamad kasing mag social media ngayon tapos ang pangit pa ng mga palabas sa tv. Si Miguel naman kanina pa hindi nagpaparamdam. Gusto ko kasi sya yung unang magtetext para hindi ko sya maistorbo kung sakaling busy pala sya.

Siguro nga nag e-enjoy pa yun kasama yung parents niya. But knowing Miguel, yung sister niya lang ang ka-close niya kasi yung parents niya hindi nya masyadong nakakasama dahil busy sa family business nila kaya hindi sya open sa parents niya.

Love Comes at the Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon