Chapter 8

72 1 0
                                    

Bianca's POV

Pag alis namin ni Marc sa canteen, naiwan mag isa dun si Miguel. Gusto ko sanang balikan sya kaso gusto ko rin makapag usap kami ni Marc para magkalinawagan na kami kaya sakanya nalang muna ako sumama.

Dumeretso kami sa garden at umupo sa isang bench kung saan kami nagkausap kaninang umaga.

Bianca, hindi na ko magpapaligoy ligoy pa. Mahal kita! Liligawan ulit kita kahit anong mangyari basta mapasakin ka lang ulit. dere-deretso nyang sabi

Marc, mahal kita bilang kaibigan nalang. Sorry pero matagal na kitang kinalimutan. May bago nang nagpapasaya sakin ngayon at mahal ko sya.

Napayuko nalang sya sa mga sinabi ko at nakita kong tumulo ang luha nya. Naaawa ako sakanya..

S-si M-miguel d-diba? utal nyang sabi kasi umiiyak sya, nakatingin lang sya sakin ng deretso

Oo. deretso kong sabi

Tapos bigla nya akong niyakap at sinabing..

Pag sinaktan ka ni Miguel, nandito lang ako naghihintay sayo. tapos ngumiti sya ng pilit at kumalas na sa yakap namin

Di mo naman kailangang gawin yon Marc

Okay lang Bianca, basta you can always count on me. I'm always here for you promise. sabi nya at biglang naglakad na palayo kaya naiwan akong mag isa dito

Tumulo yung luha ko. Nasasaktan din ako pag may nasasaktan akong tao. Babalik nalang ulit ako sa canteen baka andun pa si Miguel.

Bago palang ako papasok nang matanaw ko si Miguel.. kasama nya si Ash at mukhang ang saya saya nila, tawanan pa sila ng tawanan </3

Bumalik nalang ako sa classroom at umub-ob sa upuan. Nagseselos ako. Naiiyak ako. Nasasaktan ako. Bat ba kasi si Miguel yung minahal ko? Eh alam ko namang hindi kami pwede dahil hanggang friends lang kami :(

Tapos narinig kong nagbell na kaya inangat ko nalang yung ulo ko. Wala pa si Miguel, siguro nag eenjoy pa yun kasama si Ash >.< Bakit ba ko nagseselos? Eh wala naman akong karapatan, kaibigan nya lang ako..

Maya maya natanaw ko na sila sa labas, bukas kasi lagi yung bintana nitong room. Tapos hanggang ngayon, ang saya parin nilang magkasama. Kaya tumungo nalang ulit ako sa upuan para kunwari tulog lang.

Naramdaman ko namang umupo na sya sa harapan ko at nakipag kwentuhan kay Luigi. Naririnig ko yung mga pinag uusapan nila. Si Ash lang naman! Tapos biglang sumigaw si Luigi..

Guys! Attention please, itong si Miguel eh GIRLFRIEND NA SI ASH! ouch </3

Narinig ko namang dumating na yung teacher kaya iniangat ko na yung ulo ko. Nakakawalang gana makinig -_-

Ms.Umali, are you listening? argh napagalitan nanaman ako

Napalingon tuloy si Miguel sakin na walang reaksyon.

Y-yes ma'am! sabi ko

Tapos nagsimula na ulit syang mag discuss at di na ko pinansin. Maya maya may inabot saking papel si Miguel at kinuha ko naman agad.

Bianx, sabay tayong mag lunch mamaya. May kailangan ka pang sabihin sakin. -Xander nakasulat dun sa papel

Tinago ko nalang yung papel baka makita pa ni ma'am tapos mapagalitan nanaman ako. Ano naman kayang kailangan kong sabihin sakanya aber?

Love Comes at the Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon