Chapter 31

69 2 0
                                    

Bianca's POV

Andito na ko sa school. Inaantay ko si Sandy dito sa may parking lot. Sanay na ko dun, lagi namang mabagal kumilos yun eh haha.

Bianca! tinawag nya ko, di ako lumilingon dahil alam ko kung kaninong boses yon

Naramdaman ko namang palapit na siya sakin..

Bianx tara sabay na tayong pumasok! pag aaya nya sakin

Inaantay ko pa si Sandy eh. Umuna ka nalang! sabi ko habang hindi parin tumitingin sakanya

Samahan nalang kita! Antayin natin sya.

Hindi nalang ako umimik..

Miguel! napalingon naman kaming dalwa dun sa tumawag

Uy bro! sabi nya kay Luigi

Ano pang ginagawa nyo dito? Malapit ng mag time ah! sabi ni Luigi saming dalwa ni Miguel

Inaantay ko si Sandy. simpleng sagot ko

Eh ikaw bro? tanong nya kay Miguel

Sinasamahan si Bianca! Di ba obvious? :D natatawang sabi nya

Teka, kayo na ba?! lakas ng boses ni Luigi -.-

Nagkatinginan naman kami ni Miguel..

No/Hindi! sabay naming sabi tapos nagkatinginan nanaman kami

Napatawa lang si Luigi. Maya maya, dumating na si Sandy.

Bes! Sorry pinag antay ba kita ng matagal? Ang traffic kasi eh. sabi nya nung nakalapit na samin

Okay lang. Sanay na kong maghintay. seryoso kong sagot

Woah hugot! :D sabi naman ni Luigi

Tara na! Pumasok na tayo. sabi ni Miguel

Naglakad na kami papasok. Kami ni Sandy ang sabay maglakad tapos nasa likod namin sina Miguel at Luigi. Lahat ng nakakasalubong naming fangirls nila ay binabati sila ng "hi" "hello" "goodmorning" at kung ano ano pa. Iba talaga pag famous!

Nang makarating na kami sa room namin ay umupo na agad kami sa kanya-kanya naming upuan. Nakita ko naman na nagkwentuhan agad sina Miguel at Barbie -.- Edi sila na! Hays.

Miguel's POV

May napapansin ako kay Bianca. Parang ang cold nya sakin. Pero okay na ulit kami diba? Pagkatapos naming mag usap kahapon sa rooftop bigla nalang siyang tumahimik. Wag niyong sabihin na balik nanaman kami sa dati na nag iiwasan. Haist!

Fast forward tayo ng konti. Lunch break na..

Tara Migs! pag aaya sakin ni Barbie

Ha? Saan? pagtataka ko

Sa canteen! Lunch na diba?

Ah oo sige. sabi ko at naglakad na kami

Pansin ko kanina ka pa lutang! May problema ka ba? tanong nya

Wala.

Pag meron, magsabi ka lang sakin. I'll help you. sabi nya tas ni-tap yung balikat ko

Tumango lang ako at ngumiti. Curious lang kasi ako kung bakit ganon nanaman si Bianca sakin. May nagawa ba ko? Kakausapin ko nalang siya mamaya.

Kumain na kami. Kasama din namin si Luigi. Nasabi ko na ba sa inyo na break na din sila ni Sabrina? Nauna pa nga silang maghiwalay kesa samin ni Ash eh.

Love Comes at the Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon