Bianca's POV
Si Sandy ang kasabay ko ngayon pagpasok dahil may importante akong sasabihin sakanya.
Bes ano nga palang nakain mo at sakin ka sumabay ngayon hindi sa boyfriend mo? tanong nya habang naglalakad kami papuntang room
Eh kasi kailangan ko ng tulong mo bes.
Sabi na nga ba! sabi nya tas pumalakpak pa
Grabe ka naman!
De joke lang! Ano bang maitutulong ko sayo ha?
Plano ko na kasing makipag hiwalay kay Marc. deretso kong sabi kaya napatigil sya sa paglalakad
Ano?! sigaw nya kaya agad ko namang tinakpan ang bibig nya
Bes wag ka namang eskandalosa!
Ay sorry na! Bakit ka kasi makikipag break aber?
Nakapasok na kami sa room at agad na umupo..
Para kasing ginagawa ko syang rebound. Diba? Kaya nagi-guilty na ko bes. sabi ko at pumangalumbaba
Kung yan sa tingin mo ang tama, sige go lang! Pero iexplain mo kay Marc ng mabuti para maintindihan nya ha?
Tumango lang ako. Mamaya ko na kakausapin si Marc tungkol sa relationship namin. Di ko na kasi talaga kaya eh. Si Miguel Alexander Tanfelix parin talaga ang mahal ko. Sana lang maintindihan ni Marc.
---
Recess
Dumeretso agad ako sa room nina Marc..
Oh Banky, himala yata at ikaw ang sumundo sakin ngayon dito sa room. Namiss mo agad ako no? pagbibiro pa nya sakin at inakbayan ako
Che! Gusto kasi kitang makausap ng masinsinan. sabi ko at siniko sya sa tagiliran pero mahina lang
Tungkol saan? naging seryoso na sya
Sa ating dalwa. Kaya tara muna sa garden. sabi ko at hinila sya, ayaw ko ng magpatumpik tumpik pa haha
Nang makarating na kami sa garden umupo agad kaming dalwa sa isang bench..
Banky, ayaw mo na ba sakin? sabay humarap sya sakin at hinawakan ang dalwa kong kamay ng mahigpit
Napansin kong malapit ng pumatak ang luha nya pero pinipigilan nya lang. Na-feel nya agad na makikipag hiwalay na ko?
I'm sorry Marc. napatungo nalang ako
Narinig ko naman na napabuntong hininga sya at binitawan na ang kamay ko kaya tumingin ulit ako sakanya..
Siya parin ba hanggang ngayon? tanong nya sakin pero sa malayo sya nakatingin
O-oo. I'm really sorry Marc. Ang gulo ng puso ko eh pati ikaw nadamay sa kat*ngahan ko. pinipilit kong ngumiti, ayokong umiyak!
Ano pa bang magagawa ko diba? sabi nya sakin at tumawa pero halatang fake naman kasi nasasaktan sya at alam ko yun
Mapapatawad mo pa ba ako? tanong ko sakanya
Wala ka namang ginawang masama ah! Sinabi mo lang naman yung totoo at nagpapasalamat pa nga ako sayo dahil binigyan mo ko ng chance para ipakita sayo na mahal kita.

BINABASA MO ANG
Love Comes at the Right Time
Подростковая литератураLahat ng bagay dumadating sa tamang panahon... ~