Chapter 34

74 2 0
                                    

Miguel's POV

It's Sunday today. Plano ko ng tanungin si Bianca ngayon kung pwede ko na siyang maging girlfriend. Andito ako ngayon sa isang rooftop ng building kasama sina Luigi at Sandy. Dito ko dinala si Bianca nung gabing may debut si Andrea, yung pinsan ni Bianca. Nagpe-prepare kami para sa surprise mamayang gabi.

Grabe effort mo bro! Iba ka na talaga :D sabi ni Luigi

Syempre para kay Bianca eh! Dapat perfect lahat. sabi ko naman

Botong boto na talaga ako sayo Miguel! sabi naman ni Sandy

Salamat! tas nginitian ko

Bro, pano kung ma-busted ka? Baka sabihin nya na hindi pa ulit sya ready dahil kaka-break lang din nila ni Marc. sabi ng g*gong Luigi na 'to haha

Bat ba ang nega mo bro? Kung ma-busted nga ako, edi maghihintay ako hanggang sa maging ready na siya! sabi ko tas binatukan haha

Ganyan nga dapat! Wag kang maniwala dyan kay Luigi, Miguel. Feeling ko eh sasagutin ka naman ni Bes! singit naman ni Sandy

Tumango lang ako at ngumiti. Pinagpatuloy ko na ulit yung ginagawa ko. Nilalagyan namin ng design itong rooftop. Ang plano ko kasi ay garden style dahil mahilig si Bianca sa mga bulaklak. Kaya nilalagyan namin ng mga flowers ang paligid.

Time check: 4:30pm (7pm yung usapan namin)

Sandy! Bro! Uuwi muna ko. Kailangan ko pang magpalit ng damit pati susunduin ko na din si Bianca maya maya. Kayo muna bahala dito ha? pagpapaalam ko sa kanila

Sige/Okay! sabay nilang sabi

Nga pala, yung mga foods idedeliver dito ng 6:30pm! sabi ko

Sige bro! Kami ng bahala. sabi ni Luigi

Umalis na agad ako kasi ine-expect kong traffic tapos medyo malayo pa itong venue sa village namin.

Bianca's POV

Time check: 5:48pm

Ready na ko. Tinext kasi ako ni Miguel kaninang umaga na may pupuntahan daw kami at 6pm nya ko susunduin dahil halos isang oras daw yung biyahe. Bumaba na ko mula sa kwarto ko..

Wow ang ganda naman! sabi ni tita nung nakita ako

Naka dress kasi ako ngayon na mint green ang kulay pati naka heels. Tapos kulot yung dulo ng buhok ko. Sabi kasi ni Miguel, special daw ang gabing 'to kaya nag ayos ako.

Mana sayo Tita! :D sabi ko naman tas umupo ako sa tabi nya

Ehem! May date pala kayo ni Miguel ah! Kung di pa sinabi sakin ni Tita hindi ko pa malalaman. sabi ni kuya habang pababa ng hagdan

Alam ko naman kasing aasarin mo lang ako kaya hindi ko na sinabi sayo! :P sabi ko naman

Nagtawa lang silang dalwa ni Tita. Maya maya..

*beep*

Ay palaka! nakakagulat naman yung busina na yon haha

Nandyan na siya Bianca bilisan mo! sabi ni tita na parang mas excited pa sakin haha

Dali dali naman akong lumabas. Bumungad sakin ang napaka gwapong Miguel Tanfelix ^.^ Lumapit agad siya sakin..

You're so beautiful, Bianca. sabi nya at ngumiti ako, tas inalalayan akong makasakay sa kotse

Love Comes at the Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon