Chapter 27

80 1 0
                                    

Bianca's POV

Andito parin kami ni Miguel sa kotse nya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Tapos sobrang traffic pa.

Huy! San ba talaga tayo pupunta? pangungulit ko sakanya

Sa mataas na lugar. sabi nya tas ngumiti

Pagkasabi nya non ay binuksan nya yung radio at nilakasan yung volume. Mukha kaming nagpaparty dito sa loob ng sasakyan hahaha katuwa.

Pagkatapos ng halos isang oras, nakarating na kami sa pupuntahan namin. Bago kami bumaba sa kotse ay may kinuha sya sa likod..

Isuot mo muna 'to baka masakit na yang mga paa mo. inabot nya sakin ang isang pair ng tsinelas kaso panlalaki, baka sakanya yun. Naka heels kasi ako diba? Buti nalang boy scout tong kasama ko :D

Pagkasuot ko nung tsinelas ay umakyat na kami sa rooftop ng isang building. Nang makarating kami sa pinakataas, namangha ako sa sobrang kagandahan. Kitang kita yung mga sasakyan sa ibaba tapos yung mga bahay pati yung ibang buildings. Inlove na ko sa city lights!

Chineck ko yung phone ko kung anong oras na at 10:16pm na pala. Wala pa namang text si Tita kaya hindi pa ko nun hinahanap. Ie-enjoy ko muna yung moment na 'to kasama siya...

Pano mo nalaman ang lugar na 'to Xander? Sobrang ganda as in! ^.^ sabi ko sakanya habang tinatanaw ang BUONG MANILA

Dahil sa sobrang hilig ko sa stars. pagkasabi nya nun eh napatingin ako sakanya at nakatingin sya sa mga stars habang nakangiti kaya napangiti na rin ako. Grabe mahal ko talaga tong lalaki 'to..

Tingnan mo, parang ang lapit satin ng mga stars. sunod nyang sabi kaya napatingin din ako sa kalangitan. Tama sya, parang maaabot mo na yung mga stars!

Tapos pag tumingin ka sa paligid parang mga stars din dahil sa iba't ibang ilaw na nanggagaling sa buong city diba? tumango lang ako bilang pag sang ayon sakanya

At tinanong ko kay Dad kung anong building yung pinakamataas dito sa Manila tapos eto yung sinabi nya sakin.

Ang peaceful dito no? sunod nyang sabi

Oo nga tapos ang sarap pa ng simoy ng hangin. pag sang ayon ko naman

Natutuwa ako kay Miguel dahil may sense of humor sya. Kahit na masungit, suplado, maangas at mayabang sya eh malalim rin pala syang tao. Sa tuwing mas nakikilala ko sya, mas pinapahanga nya ako ^^

Pinagmamasdan lang namin ang paligid. Parehas kaming napapangiti dahil sa kagandahan nito.

Xander, bakit ka nga pala nahilig sa stars? tanong ko

Napatingin sya sakin kaya nagkatitigan kami ng ilang segundo. Tapos bigla nyang iniwas yung tingin nya at binalik sa mga stars.

Miguel's POV

Xander, bakit ka nga pala nahilig sa stars? tanong sakin ni Bianca

Nagkatitigan kami ng ilang segundo pero iniwas ko agad at binaling ang tingin sa mga stars..

Kasi... nakikita ko yun sa mga mata mo. bulong ko sa sarili ko

Ha? pagtataka nya

Ang sabi ko, kasi nakikita ko yun sa mga mata ng taong mahal ko. sht ano bang sinasabi ko? mahal ko parin si Bianca? pagkasabi ko nun eh napakunot yung noo nya kaya napatawa ako hahaha

Masyado bang malalim? Hahahaha sunod kong sabi

Oo eh. Di ko maintindihan! :D

Love Comes at the Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon