Chapter 29

71 1 0
                                    

Miguel's POV

Hays may pasok nanaman! Halos 3 weeks nalang ay bakasyon na wooooo. Nagpahatid nalang ako sa driver ko ngayon dahil wala ako sa mood mag drive.

Pagpasok ko mismo ng University ay ang daming girls na nagsilapitan sakin. Well, I'm used to that haha.

Hi Miguel! bati nila sakin, ang tataas ng energy :D

Pinakitaan ko lang sila ng mahiwagang killer smile at lahat naman sila ay kinilig. Naglakad na ulit ako para pumuntang room pero sumusunod parin sila. Tss daig ko pa artista -.-

May kailangan ba kayo? tumigil ulit ako sa paglalakad para sungitan sila

Gusto lang namin malaman kung wala na nga ba kayo ni Ash hehe! sabi nung isang babae

Yes. We broke up. Bye. sabi ko at binilisan ang lakad, baka kase sumunod nanaman sila

Ang bilis talaga kumalat ng balita! Pagdating ko sa room ay medyo marami na ring tao pero wala pa yung seatmate ko, si Barbie. Kaya kay Luigi muna ako tumabi..

Bro! May bago kana ba ulit? :D

Yan talaga pambungad mo sakin eh no? Wala! sabi ko naman

Ehem! Excuse me, Miguel pwedeng magtanong? biglang sumingit si Sandy

Kung break na kami ni Ash? Oo, wala na kami. deretso kong sabi dahil alam ko naman na yun ang itatanong nya

Wala na kayo ni Ash?! gulat na tanong naman ni Bianca

Tumango lang ako at ngumiti..

Bakit? tanong ulit ni Bianca

Ka--

Miguel! biglang may tumawag naman sakin kaya napalingon ako at hindi natuloy yung sasabihin ko, si Barbs pala kakarating lang

Mamaya ko nalang sasabihin sayo Bianx! Sige, balik na ko dun sa upuan ko. sabi ko at tumabi na kay Barbie

Okay ka na? tanong ko agad sakanya pagkaupo ko

Ah oo. Salamat nga pala! sabi naman nya atsaka ngumiti

Bigla namang dumating si Sir kaya tumahimik na ang lahat. Pagkatapos ng mahabang discussion ay break time na.

Uhm, Migs pwede bang sumabay sayo ngayong recess? sabi ni Barbs bago ako lumabas ng room

Masyado ka namang pormal Barbs! Syempre oo hahaha ikaw pa :D

Nagpunta na kaming dalwa sa canteen. Nung nakabili na kami ng pagkain ay naghanap na kami ng pwesto.

Miguel? tawag sakin ni Barbs kaya napatingin ako sakanya

May nagawa ba ako kagabi na hindi maganda nung nalasing ako? sunod nyang sabi na parang nahihiya pa haha

Actually, yes.

Ha?! Naku, sorry! Ano bang nagawa ko?

You kissed me last night. bulong ko sakanya para walang ibang makarinig

Pagkasabi ko nun ay nanlaki yung mata nya tapos tinakpan nya yung mukha nya gamit yung dalwa nyang kamay. Hahahaha natatawa ako :D

Don't worry Barbs, okay lang. sunod kong sabi

Inalis na nya yung pagkakatakip ng kamay nya sa mukha nya..

Sorry Miguel. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko nung mga oras na yon. nahihiya pa nyang sabi

Love Comes at the Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon