Miguel's POV
Malayo pa ba tayo? tanong ko dun sa driver ko kase kanina pa kami nasa biyahe
Malapit na po. sagot naman nya
Nag phone nalang ulit ako. Ang layo pala talaga nung venue. Baka galit na galit na sakin si Dad kasi kanina pa ko late.
Sir Alex, nandito na po tayo. sabi nya tas pinark yung kotse
Bumaba na ko at pumasok sa loob. Napatingin naman sakin yung ibang guests dahil may gwapong um-entrance haha. Buti nalang at nakita ko agad sina Mom and Dad sa isang table malapit sa stage kung nasan yung debutant.
Umupo na ko sa tabi ni Mom at pinakilala ako sa mga kasama namin sa table. Ako nga yung pinakabata dito. Sabi na eh op ako dito tss. Maya maya naman biglang tumunog yung phone ko at nakita kong may nagtext..
Bianca's POV
Bago mag 7pm ay nandito na kami sa debut ng pinsan ko. Kasama ko sina Tita at Kuya. Nung dumating kami dito eh medyo konti palang yung tao.
Parang parents ni Miguel yun ah! sabi ko sa sarili ko nung nakita ko sila na kakarating lang din
Pero hindi ako sure kung sila nga yung parents ni Miguel kasi sa picture ko palang naman nakikita. Umupo na kami sa table na naka-assign samin. Ang boring naman dito! Makapag phone na nga lang muna.
Saktong 7pm ay nagstart na. Lumabas na si Ate Andrea. Ang ganda nya grabe. Nakinig nalang ako dun sa mga sinasabi nung emcee. Hindi pa kami kumakain. Nagugutom na ko eh hahaha.
1hour passed. Puro ka-echosan yung mga nangyayari. Nubayan! Makapag IG nalang muna.
Hoy Bianca! Hindi mo man lang sinabi sakin na andito rin pala si Miguel :D sabi ni Kuya kaya napatingin ako dun sa nginuso nya. Si Miguel nga! Mukhang kakarating nya lang. Pero bakit sya nandito? Kaano-ano nya yung pinsan ko?
Anw, ang gwapo gwapo nya! Bagay sakanya yung suot nya ngayon. Ang hot! Well, palagi naman syang gwapo at hot ^.^ Hayss I'm in love! Chos :D
Nakita kong umupo na sya sa tabi ng Mom nya. Tama nga ako kanina, parents ni Miguel yun. Naisipan ko naman syang itext..
To: Xander :)
Andito ka rin pala sa debut!
Nakita ko namang binuksan nya yung phone nya. Hahaha nakikita ko kasi sya eh, ganda nga ng view! Mukhang nagtaka sya kaya hinahanap nya ko pero nagtatago naman ako sa likod ni kuya.
From: Xander :)
What?
Ang iksi naman nung reply..
To: Xander :)
Nandito rin ako sa debut ni Ate Andrea kasi cousin ko sya. Ikaw? Bat ka nandito? Kaano-ano mo sya?
Nagreply naman agad sya..
From: Xander :)
Punta ka sa likod, sa may pool area. Meet me there.
Wala namang connect yung reply nya sa text ko haha. Nakita ko namang tumayo na sya at lumabas. Nagpaalam muna ako kina Tita atsaka pumunta sa may pool area.
Pagdating ko dun. Nakita kong nakatingin lang sya sa pool at nakalagay yung dalwang kamay nya sa magkabilang bulsa nya. Likod palang, pamatay na! Hihi.
Pst! tawag ko sakanya kaya napalingon sya tas ngumiti
Di ko inexpect na nandito ka. sunod kong sabi nang makalapit ako sakanya
Ako din eh. Cousin mo pala si Andrea. sabi nya
Eh ikaw? Kaano-ano mo sya? tanong ko kasi curious na meh hahaha
Wala. Ngayon ko nga lang yun nakita eh. Isinama lang ako dito kasi mag business partners yung parents nya at parents ko. pag e-explain nya
Tumango lang ako. Wala na ulit nagsalita. Umupo kami sa isang bench dito.
Tingnan mo yung stars, ang sarap talaga nilang titigan. sabi ko habang nakatingin sa kalangitan
Mas masarap kang titigan. Ang ganda mo Bianca. sabi nya kaya napaharap ako sakanya. Nagulat ako kasi ang lapit ng mga mukha namin tapos nagkatitigan pa kami. Grabe ang perfect ng face nya! Makinis, makapal yung kilay, sakto lang yung laki nung mata nya, ang tangos ng ilong at ang kissable nung lips ^_^
Gwapo ko diba? nabalik na ko sa realidad ng magsalita sya. Iniwas ko nalang yung tingin ko kasi feeling ko ang pula na ng mukha ko gahd!
Bianca! Halika na, kakain na. biglang dumating si Tita
Ah Tita, si Miguel nga po pala. sabi ko tas nag nginitian naman sila
Ikaw pala si Miguel! Gwapong bata! Madalas kang ikwento sakin noon ni Bianca. sabi ni tita kay Miguel kaya nanlaki yung mata ko tas napatawa naman si Miguel
Eh ngayon po ba hindi na nya ko naikukwento sa inyo? :D tanong ni Miguel kaya napatawa si Tita
Ehem! Kakain na tayo diba? Tara na po sa loob. sabay hinila ko si tita tapos hinila naman nya si Miguel
Nang makapasok na kami sa loob. Bumalik na kami sa kanya-kanya naming pwesto. At nagsimula ng kumain. Napansin ko naman na kasabay kumain nina Miguel sina Ate Andrea sa iisang table. Magkausap kasi yung mga parents nila.
Miguel's POV
Ang baduy naman dito sa table namin. Puro chikahan yung mga parents namin ni Andrea. Kumain nalang ako. Napatingin ako sa pwesto nina Bianca. Mukhang bored na din sya. Maitext nga..
To: Bianx
Tara labas tayo!
Pagkasend ko nun eh nabasa naman nya agad. Napatingin sya sa direksyon ko at ngumiti tapos sumenyas ng "wait". Nagreply sya..
From: Bianx
Sige. Magpapaalam lang ako kay Tita.
Pagkabasa ko nun eh nagpaalam na din ako sa parents ko at buti nalang ay pumayag sila. Tumingin ulit ako kina Bianca at sakto na nakatingin din sya sakin tapos sumenyas ng "tara na" kaya tumango ako.
Sabay kaming lumabas at dumeretso sa parking.
San ba tayo pupunta? tanong nya
Ewan. Bahala na kung saan tayo mapadpad :D napatawa naman sya sa sinabi ko haha
Sinabi ko dun sa driver ko na ako ng bahala sa kotse. Dun ko na sya pinapasabay kina Mom. Parang gusto ko kasi na kaming dalwa lang ni Bianca. Ewan ko ba! Hahaha.
~
BINABASA MO ANG
Love Comes at the Right Time
Genç KurguLahat ng bagay dumadating sa tamang panahon... ~