Chapter 40

67 1 0
                                    

Miguel's POV

Nandito ako sa mini court ng bahay namin, nagba-basketball. Mamaya na yung flight ni Barbie. Nga pala, diba may binigay na gift sakin si Ash? Isang wrist watch. Ganda nga eh! Kaso hindi ko pa ginagamit.

Sir Miguel, tawag po kayo ng parents niyo sa loob. Kakausapin daw po kayo. sabi nung maid

Tumango lang ako. Pumasok na ko sa loob at nakita ko naman sila na nakaupo sa couch at nakatingin sakin.

Sit. sabi ni Dad kaya umupo ako sa tapat nila

Next week na flight mo papuntang San Francisco. deretsong sabi ni Dad

What?! Dad ayoko pa! Next month nalang! reklamo ko

Hindi pwede Alex. Naka schedule na yung pag alis mo. Napagbigyan kana diba? Dapat nga kahapon pa. sabi naman ni Mom

Tss. Bakit ba gustong gusto niyo na akong umalis?! napasigaw na ko

Hindi naman sa ganun anak. May importanteng tao ka kasing ime-meet doon. mahinahong sabi ni Mom

Business nanaman ba? Mom, Dad, labas na po ako dyan! Gusto ko pang mag stay dito. sabi ko

Wala ka namang gagawin dito Alex! Sinasayang mo lang oras mo dito sa Philippines! sabi ni Dad

Dad, please let me stay here. Ayoko pang malayo sa girlfriend ko!

Girlfriend mo lang pala ang dahilan kung bakit ayaw mong umalis! Alex naman! Puppy love lang yan, wag niyo munang seryosohin! Marami ka pang makikilala sa States! galit na si Dad

Si Bianca lang ang gusto ko! I really love her! Bat ba ayaw niyong maniwala?!

Kung kayo talaga ang para sa isa't isa, kahit magkalayo man kayo, kayo parin talaga. sabi ni Mom

*sigh*

My decision is final! Next week ang alis mo. sabi ni Dad at umakyat na sa taas

Sumunod ka nalang Alex! Mas magiging masaya ka dun. sabi ni Mom at umalis na din

Naiwan lang akong mag isa dito sa sala. Shit! Lagi nalang sila ang nasusunod. Hindi ba pwedeng ako naman ang mag desisyon para sa sarili ko? >.<

Bianca's POV

Nandito ako sa mall, kasama ko si Sandy. Nagpasama lang sakin kasi bored na bored na daw siya sa bahay. Kasulukuyan kaming nagla-lunch sa Mang Inasal. Bigla namang nag text ang boyfriend ko..

From: Myti ❤

Bianx, nakauwi kana ba?

To: Myti ❤

Hindi pa eh. Nagla-lunch pa kami. Bakit?

From: Myti ❤

Gusto sana kitang makausap. Pupunta nalang ako sa bahay niyo ng 2:30pm. Ingat kayo!

To: Myti ❤

Okay. Ikaw din, ingat ka!

From: Myti ❤

I love you, Myti ;)

To: Myti ❤

I love you more :*

Fast forward

Nagtext na ulit sakin si Miguel. Papunta na daw siya dito sa bahay. Nagpaluto ako kay manang ng pagkain, baka kasi gutom yun. Tamad yung kumain eh kaya ang payat pero may abs yon ^^

*dingdong*

Pinagbuksan ko siya ng gate.

*tsup*

Bigla ba naman akong halikan sa cheeks haha.

Tara pasok na tayo sa loob! sabi ko sakanya sabay hinila ko

Nagugutom ka ba? Gusto mo munang kumain? tanong ko sakanya

Naninibago ako kasi ang seryoso ng mukha niya. Mukhang may problema.

Mamaya nalang. May kailangan muna akong sabihin sayo. lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko tapos umupo kami sa couch

May problema ba? tanong ko

Nagbuntong hininga muna siya bago magsalita..

I'm leaving for San Francisco next week.

A-ano? Next week? parang naglo-loading pa sa utak ko yung sinabi niya

Oo. Kahit gusto ko pang mag stay dito ng matagal, hindi pwede eh. I'm sorry. sabi niya tapos yumuko pero hawak parin yung kamay ko

Hinawakan ko yung magkabila niyang pisngi kaya nagtama ang mga mata namin..

Okay lang, Myti. Naiintindihan ko. May isang linggo pa naman diba? Kaya lubos-lubusin na natin yon. Dapat masaya lang tayo! sabi ko sakanya

Pinipilit kong maging positive kahit na sobra akong nalulungkot sa sinabi niya. Bigla naman niya akong niyakap ng mahigpit kaya tumulo na yung luha ko pero pinunasan ko agad. Iniisip ko palang na magkalayo kami, sobrang sakit na. Pano pa kaya pag umalis na talaga siya :(

Alam mo, tama ka. Lubusin na natin yung mga natitirang araw. sabi nya pagkatapos naming magyakapan, ayan ngumiti na siya

Ngumiti lang ako.

May naisip ako! What if magpunta tayong Baguio at Ilocos? Diba? sunod nyang sabi

Kailan? Baka hindi pumayag si Tita. sabi ko naman

Ako ng bahala kay Tita Krystelle! Ipagpapaalam kita.

Osige! Pero kailan nga?

Bukas! Isama din natin sina Luigi at Sandy!

Hahaha okay! Sige sasabihin ko kay Sandy!

Sige tapos ako na kay Luigi!

Tinawagan ko na si Sandy tapos si Miguel naman yung tumawag kay Luigi..

Game daw si Sandy! sabi ko na parang excited haha

Si Luigi din daw! :D

Yey! Ikaw na kumausap kay Tita ha?

Ay oo nga pala! Sige tatawagan ko na ngayon.

Pinagpaalam na ko ni Miguel kay Tita. At good news! Hindi ako pinayagan -.-

Joke lang! Pinayagan ako yehey! :D

Pagkatapos niyang makausap si Tita ay nag merienda na kami. Puro lang kami kwentuhan at tawanan. Hindi na namin iniisip yung tungkol sa pag alis niya. We're just enjoying the moment together ^^

~

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Love Comes at the Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon