Chapter 24

63 1 0
                                    

Bianca's POV

Dinala ako ni Miguel sa bahay nila ngayon. Ewan ko ba dito. May kukunin lang daw sya saglit sa kwarto nya. Habang nasa itaas pa sya, naglibot libot muna ako dito sa bahay nila. Ngayon nalang ulit ako nakapunta dito.

May mga pagbabago nga eh kaso di ko matukoy kung ano haha. Lumapit ako dun sa may mga picture frame. Kinuha ko yung family picture ng Tanfelix. Ang ganda talaga ng Mom at Sister nya tapos ang gwapo nung Dad nya. Syempre lalo na sya, ang gwapo gwapo ^^

Bianca, let's go! sabi ni Miguel habang pababa ng hagdan. Nagpalit na pala sya ng damit, hindi na sya naka uniform

Nakita ko namang may dala syang dalwang pair ng rollerblades..

San tayo pupunta? pagtataka ko

Maglilibot lang tayo dito sa village natin gamit itong rollerblades.

Pagkasabi nya non eh nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako marunong non!

Eh Xander hindi ako marunong gumamit ng ganyan! Wag nalang. pagrereklamo ko

Tuturuan naman kita eh. Masaya 'to promise! sabi nya at hinila ako palabas ng bahay nila

Sinamahan muna ako ni Miguel sa bahay namin para makapagpalit din ako ng damit. Para makagalaw din ako ng ayos.

Pagkatapos ay sinimulan na nya kong turuan. Halos isang oras bago ako natutong mag balance. Tapos ngayon eh kaya ko na! Ang saya pala ^^

Naggala gala lang kami ni Miguel dito sa village ng naka rollerblades at ang dami din naming pinagkwentuhan. Grabe nakakapagod! Pero nag e-enjoy naman ako kasi kasama ko sya. Pawisan na nga kami eh.

Magpahinga muna tayo sa park. pag aaya ni Miguel

Dumeretso na kami sa park at umupo sa damuhan.

Sakto! Palubog na yung araw. sabi nya ng nakangiti at nakatingin sa kalangitan

Anong meron? tanong ko at mukhang nagets naman nya agad

Favorite part of the day ko ang sunsets. Actually, pati stars. Mahilig din ako dun. Ang saya lang kasing mag stargazing diba? pag e-explain nya

Pagkasabi nya nun eh humiga sya sa damuhan tutal malinis naman eh. Pati ako humiga na rin kaya magkatabi kami. Konti lang yung space sa pagitan namin hehe kinikilig ako!

Look! sabi nya sabay turo sa kalangitan

Nakatingin lang kami sa paglubog ng araw. Grabe ang ganda! Mapapangiti ka nalang talaga ^^

Ang ganda! Tama ka Xander, nakakarelax pala talaga :) sabi ko habang nakatingin parin sa sky

Ilang minuto lang kaming tahimik. Walang nagsasalita. Pero maya maya eh binasag na nya yung nakakabinging katahimikan..

Wait lang ah? May tatawagan lang ako. sabi ni Miguel atsaka tumayo, medyo lumayo sya ng konti

Bianca, tara na sa inyo! pag aaya ni Miguel kaya tumayo na ko

Nagpunta kami sa bahay namin gamit parin ang rollerblades. Buti nasasanay na akong gumamit ng ganto kahit ilang oras palang haha.

Xander sayo ba 'to parehas? pagtukoy ko sa rollerblades habang nasa daan kami

Kay ate yang gamit mo. Tig isa kami. Mahilig kasi kaming mag ganto noon.

Close talaga kayo ng ate mo no?

Love Comes at the Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon