Bianca's POV
2 months passed simula nang huling magkausap kami ni Miguel. Kahit magkasama kami sa iisang room, hindi kami nagpapansinan, parang hindi kami magkakilala. Ni hindi nya nga ako magawang tingnan eh.
Sa dalwang buwan na lumipas, napansin kong close na talaga si Miguel at Barbie. Para nga silang mag bestfriend. Kaya nakikita ko yung sarili ko noon kay Barbie ngayon.
Si Miguel at Ash? Ayun going strong. Pero nababalitaan ko nalang minsan na mag kaaway sila pero nagbabati din naman agad.
Ako? Masaya na ko sa buhay ko ngayon. Unti-unti na ring nawawala ang pagmamahal ko kay Miguel dahil sa isang taong laging nandyan para sakin..
Huy! Tulala nanaman ang mahal ko :D sabi nya
Lunch kasi ngayon kaya nasa cafeteria kami.
Alam mo kung bakit? tanong ko sakanya
Oh bakit?
Iniisip kasi kita!
Sus! Bolera ka talaga hahaha. tapos kiniliti nya ako
T-tama na M-Marc a-ano ba hahahaha
Oo, si Marc nga. Mag bf/gf na kami dahil sinagot ko na sya nung isang linggo.
Ehem! Wag nyo ng dagdagan pa ang mga langgam dito sa mundo :D biglang umupo si Bes sa tabi ko na may dalang pagkain
Hindi naman maiiwasan yun diba my love? sabi naman ni Marc at tumawa ng kaunti
Tumawa nalang ako pati si bes Sandy :D Nag kwentuhan lang kaming tatlo hanggang sa mag bell..
*Kriiing*
Bumalik na kami sa room. Kakaunti palang yung tao. Wala pa si Miguel. Ay ano ba yan! Erase erase. May boyfriend na ko.
Dumating na si Barbie, napansin nya sigurong wala pa si Miguel kaya lumapit muna sakin. Close na din kasi kami Barbs ^^
Nakita mo si Miguel? tanong nya sakin
Hindi eh. sabi ko
Mag kwentuhan muna tayo, wala pa namang teacher. sabi nya atsaka umupo dun sa upuan na nasa harapan ko, yung dating upuan ni Miguel.
Napatawa nalang ako sa sinabi nya. Madaldal talaga tong babaeng to.
Barbs! may tumawag kay Barbie kaya napalingon sya
Why? tanong nya kay Miguel
Halika dito! May sasabihin ako. kaya naman lumapit na sya kay Miguel
Umupo na silang dalwa sa mga upuan nila at nakita kong may binulong si Miguel kay Barbie dahilan ng pagtawa nila ng malakas. Nagtatawanan sila. Ang saya nilang tingnan..
Ms.Forteza and Mr.Tanfelix! sigaw nung Science teacher namin na kakapasok palang ng room
Napatigil naman yung dalwa sa kakatawa at umayos ng upo.
Sorry Ma'am! sabay nilang sabi at nagkatinginan pa kaya napatawa ulit sila pero mahina lang at palihim
Attention class! sabi ni ma'am kaya tumahimik lahat at nakinig sakanya
You will be having an experiment tomorrow at the laboratory. So please bring these following materials tomorrow. sabi nya at sinulat yung mga dadalhin bukas
Ang dami namang nag react na mga kaklase ko dahil mukhang mahirap yung ipapagawa nya. Pagkatapos nyang magsulat sa board, nagsalita ulit si ma'am.

BINABASA MO ANG
Love Comes at the Right Time
Teen FictionLahat ng bagay dumadating sa tamang panahon... ~