Chapter 20

68 1 1
                                    

Miguel's POV

Nandito na ko ngayon sa TU. Motor ang gamit ko ngayon pagpasok. Pag kase hindi ko kasabay si Ash, hindi ako nagko-kotse. Pinark ko na yung motorcycle ko at sakto namang kakadating lang din ni Barbie gamit yung car nya.

Migs! Sabay na tayo pagpasok. Ipa-park ko lang to. sabi nya sakin at tumango naman ako

Sabay na kami pumasok ni Barbs sa University. Nagbubulungan nanaman ang mga fan girls ko hahaha.

Bakit kaya hindi si Ash yung kasabay nya?

Siguro break na sila!

Sana nga break na sila kasi mas bagay sila ni Barbie oh!

Grabe ang cute nila! Maganda't gwapo!

Swerte naman ni Barbie laging kasama si Miguel!

Ilan lang yon sa mga bulungan nila. Nagkatinginan naman kami ni Barbie at napatawa parehas. Pinagtatawanan lang namin yung mga chismis nila na bagay daw kami. Eh mag bestfriend lang naman kami nito Barbie! Wala ng hihigit pa dun yung tingin ko sakanya.

Ang swerte mo daw kasi lagi mo akong kasama! :D biro ko sakanya

Whatever! Bat nga pala hindi mo kasabay ngayon si Ash? tanong nya sakin

Late na daw sya nagising eh kung aantayin ko pa daw sya baka ma-late din ako. Magpapahatid nalang daw sya sa driver nya.

Tumango nalang sya at pumasok na kami sa room. Medyo madami na rin yung tao dito. Umupo na kami ni Barbs at parehas kaming nag phone muna. Napatingin naman ako sa labas ng pintuan. Nakakabakla mang sabihin pero parang nasasaktan ako pag may ibang lalaking nagpapasaya kay Bianca.

Andun sila ni Marc sa labas, nagtatawanan pa. Tss. Nevermind!

Bianca's POV

Nasa room na ko. Wala pang teacher kaya nag kwentuhan muna kami ni Sandy.

Bes, may tanong ako sayo! sabi nya sakin

Tungkol san?

Tungkol sa love life mo!

Oh anong meron?

Masaya ka ba kay Marc?

Oo masaya naman ako kay Marc pero...

Pero ano? atat malaman ni bes haha

Parang may kulang eh. Di ko alam kung ano. Pag kasama ko sya, parang may hinahanap pa kong iba. Alam mo yun? Basta! sabi ko

Hindi ano, kundi sino! Alam ko na kung sinong hinahanap-hanap mo.

Ano bang sinasabi mo?

Sus! Alam ko naman na si Miguel parin ang laman nyan. sabay tinuro yung dibdib ko which means eh "puso"

Pano mo naman nasabi?

Simple lang! Kung pano mo sya tingnan, puno ng pagmamahal eh. Nakikita ko yun sa mga mata mo bes. Kilala kita!

Wag kang maingay bes! Baka may makarinig! lakas kasi ng boses neto -.-

So totoo nga? Na si Miguel parin mahal mo?

Love Comes at the Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon