Chapter 28

61 1 0
                                    

Bianca's POV

*yawn*

Ang sarap ng tulog ko tapos ang ganda pa ng gising ko. Ang saya ko lang kasi kagabi. Kinikilig parin ako hanggang ngayon hihi. Tiningnan ko yung pictures namin ni Miguel kagabi at ginawa kong home screen. Ang kire ko no? Hahahaha.

Narinig ko pa nga yung usapan ni Miguel at Tita nung hinatid ako dito sa kwarto kasi nagising ako nung hiniga nya ko sa kama pero nag panggap parin akong tulog.

Flashback

Maraming salamat Miguel ha? rinig kong sabi ni tita

You're welcome po. Hindi na naman po kasi iba sakin si Bianca. yiee kinikilig ako

From now on, Tita Krystell nalang itawag mo sakin iho.

Sige po. Uhm, i need to go na po Tita. Thank you po!

Osige. Halika at ihahatid na kita sa labas.

Tapos ay narinig ko ng sinarado na yung pinto kaya bumangon muna ako at nagpalit ng damit pantulog.

Hihiga na sana ako sa kama kaso biglang bumukas yung pintuan..

Nagkukunwari ka lang palang tulog para mabuhat ka ni Miguel ha! :D biro sakin ni tita

Hindi po ah! Nagising kasi ako nung inihiga nya po ako dito. pagtanggi ko sabay umupo sa kama

O siya sige na! Matulog kana. Goodnight! sabi ni tita

Lalabas na sana sya ng kwarto ko kaso may pahabol pang sinabi..

Btw, i like him for you. sabi nya tas ngumiti ng nakakaloko hahaha

Taken na po siya tita! pahabol ko din bago sya lumabas ng kwarto

End of Flashback

Nag ayos na ko ng sarili ko dahil pupunta kaming mall nina tita at kuya. Bonding daw eh! Pati Sunday ngayon, means family day :D

Miguel's POV

Andito ako sa bahay nina Ash. Pumunta ako dito para mag sorry dahil sa nangyari kahapon.

Sir Miguel, susunod na daw po siya. sabi sakin nung maid na tumawag kay Ash sa kwarto nya

Tumango nalang ako at umupo muna sa sofa. Mabagal pa naman kumilos yon haha. After a few minutes narinig kong may bumababa na sa hagdan kaya lumingon ako..

Goodmorning babe! bati ko sakanya

Ikikiss ko sana sya sa cheeks kaso iniwas nya yung mukha nya. Galit nga pala sakin 'to -.-

Uhm, about what happened yesterday, I'm sorry babe. sabi ko habang hawak yung kamay nya pero inalis nya iyon

Lagi ka namang ganyan eh! Gagawa ka ng kasalanan tapos magso-sorry ka tapos patatawarin kita tapos uulitin mo nanaman! galit nyang sabi sakin

Tinulungan ko lang si Barbie dahil may problema sya ngayon! Masama bang tulungan ang isang kaibigan? Puro nalang kasi selos yang pinapairal mo! galit na din ako tss

Buti nalang kaming dalwa lang nandito sa loob ng bahay nila. Yung mga maids kasi nakita ko sa labas kanina, naglilinis sa garden.

Hindi sya nakapagsalita dahil sa mga sinabi ko. Nakatingin lang sya sa kawalan. Ang tahimik namin ng ilang minuto kaya nagsalita na ako..

Pagod na ko Ash. Ayoko na ng ganito. sabi ko habang nakatungo

Naramdaman ko naman na napatingin sya sakin. Na-gets nya agad siguro kung anong ibig kong sabihin. Saktong tumulo yung mga luha nya nung tumingin na din ako sakanya. Sht! Nagpaiyak nanaman ako ng babae -.-

Love Comes at the Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon