Miguel's POV
Nagtext na sakin si Barbie kanina. Mga 10am daw kami magkita sa coffee shop. Nagpaalam muna ako kay Bianx at okay lang naman sakanya.
From: Barbs
Migs I'm on my way na sa coffee shop.
Ang bilis naman. Bago pa lang ako magbibihis.
To: Barbs
Okay, ingat.
Pagkasend ko ay dali dali na akong nagbihis. Motor nalang ang gagamitin ko para mas mapabilis yung pagpunta ko dun.
At the coffee shop
Sorry I'm late. sabi ko at umupo na sa tapat ni Barbs
Sanay na ko Migs! :P
Well, it's better late than never :D
Tumawa lang siya. Nag order na kami.
Ano nga palang gusto mong sabihin sakin? tanong nya sakin
Ikaw muna. Lady's first! sabi ko naman
Wala namang ganyanan! Ikaw na muna! pamimilit niya haha
Sige na nga! Game na? sabi ko
Game!
Gusto ko lang naman malaman kung bakit ang tahimik mo this past few days. Hindi mo na nga ako masyadong pinapansin eh. Hindi kana rin nagkukwento sakin. Bakit ba? Dahil nanaman ba sa Daddy mo?
Hindi dahil dun. May iba akong reason. At yun yung gusto kong aminin sayo. sabi nya tas yumuko
Aaminin? Ano? pagtataka ko
Totoo yung sinabi ko nung gabing nalasing ako Miguel.
Tumingin na siya sakin ng deretso pero ako nagtataka pa rin. Hindi ko siya maintindihan.
Miguel, i love you! Mahal kita higit pa sa pagiging bestfriend. Noon ko pa gustong aminin sayo pero natatakot ako na baka lumayo ka sakin. Nung una kitang nakita sa coffee shop na 'to, alam kong may feelings na ko sayo nun. Sorry kung nahulog ang loob ko sayo. Ikaw kasi eh! Masyado kang sweet, ayan tuloy na-fall ako. Hindi naman ako umaasa na sasaluhin mo dahil alam kong mahal na mahal mo si Bianca. Sobra nga akong nasaktan nung nalaman kong kayo na. Gusto ko lang sabihin sayo para gumaan na yung pakiramdam ko.
Kaya ka ba lumalayo sakin? tanong ko at tumango lang siya
I'm sorry Barbs. sunod kong sabi
Bat ka nagso-sorry? Wala ka namang kasalanan eh. Kasalanan ng puso ko!
So ano ng mangyayari satin?
Friends pa rin tayo syempre!
Ngumiti lang ako.
Anw, babalik na ko sa LA bukas. Sasabay na ko kay Mommy. sunod nyang sabi
Bukas? Agad agad?
Yup! Wala nanaman kasing dahilan para mag stay pa ko dito.
Napabuntong hininga nalang ako.
Eh ikaw? Kailan alis mo papuntang San Francisco? tanong nya
Hindi ko pa alam. Bahala na.
Ayaw mo siyang iwan no? alam ko kung sinong tinutukoy nya

BINABASA MO ANG
Love Comes at the Right Time
Teen FictionLahat ng bagay dumadating sa tamang panahon... ~