Chapter 32

63 1 0
                                    

Miguel's POV

Pagkauwi ko sa bahay, nagbukas agad ako ng laptop. Titingnan ko kung online si Ate sa skype para maibalita ko na sakanya yung tungkol sa taong mahal ko. Pero sayang, offline siya. Maitext nga..

To: Ate Julie ganda (siya naglagay nyan noon eh)

Ate Julie! I have something to tell you. Mag skype tayo ngayon if wala kang ginagawa.

Pagkasend ko nun ay hindi agad sya nagreply. Siguro busy lang. Makapag shower nga muna at makapagpalit na ng damit.

Pagkatapos kong mag shower ay nakita kong may reply na pala si Ate. Kani-kanina lang..

From: Ate Julie ganda

Sige, online na ko!

Yown! Nagsimula na kaming mag video call ni Ate. Ngayon nalang ulit nangyari 'to..

Baby boy! Omg lalo kang guma-gwapo ah! bungad nya hahaha

Di kana nasanay Ate! Hahahaha

Ay nako! Pero mayabang ka parin :D

Tumawa lang ako..

Ano nga palang sasabihin mo sakin ha? sunod nyang sabi

Ate, hindi naman kailangan masunod yung signs na sinabi mo sakin kahapon diba?

Uhm, depende. May problema ba?

Nililigawan ko na kasi ngayon si Bianca kaso hindi ko naramdaman yung mga signs na sinabi mo po. Pero alam ko sa sarili ko na mahal ko siya. Pwede ba yun Ate?

Ikaw lang makakapagsabi niyan! Basta siguraduhin mo lang na totoo yang nararamdaman mo. Baka kasi paghanga lang yan, hindi pagmamahal. Sundin mo lang yung puso mo, Alex.

Tumango lang ako..

Bianca yung name diba? tanong nya

Yes Ate. Bianca Umali.

Anong IG account niya? I-stalk ko siya later.

bianx_umali . For sure Ate magugustuhan mo siya para sakin! sabi ko

Oo naman! Basta mahal mo, mamahalin ko na din :D

Thanks! Sige, bye na Ate ganda :D

Oy mag review ka ngayon ah! Balita ko finals nyo na bukas. Pagbutihin mo yun!

Opo, masusunod!

Okay, bye baby boy! Love you.

Bye!

Pagkatapos ng pag uusap namin ay nagreview na ko. Syempre good boy ata 'to!

Bianca's POV

Final examination na namin ngayon. Nagreview ako kagabi kaya medyo puyat ako. Katamad bumangon! Biglang tumunog yung phone ko..

From: Miguel Alexander ❤

Goodmorning Bianx! Good luck sa exam natin mamaya. Susunduin kita ngayon ha? Sabay tayo pumasok ;)

Feeling ko ngayon palang eh naka perfect na ko sa exam! Hihi. Bumangon na ko at nag ready. Sabay daw kami pagpasok eh kaya binilisan ko na kilos ko.

Tapos na ko mag ayos ng sarili ko at nakakain na din ako. Andito ako sa living room, inaantay si Miguel..

*beep* *beep*

Love Comes at the Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon