Bianca's POV
Hooray for today, Coz it's my birthday! Hahaha. Kakagising ko palang. Una ko agad tiningnan yung phone ko and guess what? Ang daming messages at notifications sa fb,twitter,ig,etc. Syempre yung mga messages muna una kong chineck.
From: Bes Sandy
Bes!!! Happy happy birthday to you! More birthdays to come. Always remember na andito lang ako for you anytime, anywhere haha. Goodluck sa lahat ng magiging decisions mo sa buhay mo. Lagi naman akong nakasuporta sayo diba? Hehe. Sabi nga pala ng Miguel mo, mag date daw kayo mamaya hahaha joke! I lab yow :*
Kaloka si bes! :D Nireplyan ko nalang..
To: Bes Sandy
Thank you bes! Libre kita mamaya hahaha. Grabe ka, pinapaasa mo lalo ako kay Miguel! Labyu mwah!
Pagkasend ko nun ay binasa ko naman yung sumunod.
From: Marc
Hi Bianca! Happy birthday. Sagot ko lunch mo mamaya haha. Ingat ka pagpasok :)
Siguro kung kami pa, mas mahaba pa message nito kay Sandy hahaha chos!
To: Marc
Thank you Marc! Sige ha sabi mo yan :D
Nagulat ako sa isang nagtext din. Alam nya pala bday ko!
From: Barbie
Happy birthday pretty! May kainan ba dyan sa inyo mamaya? Punta ko ha! Hahaha jk :D Stay kind and humble Biancatot :*
Loka talaga si Barbs! Pagkain nanaman nasa isip pero hindi naman tumataba.
To: Barbie
Thank you Barbs! Wala eh, ikaw nalang magpakain. Libre mo ko! Hehe.
Pagkasend ko nun kay Barbs, binasa ko na yung iba. Madami dami din ang nagtext sakin. Puro "Happy Birthday Bianca" lang naman pero nireplyan ko naman sila ng "Thank you" hahaha ganern!
Naubos yung oras ko kakareply sa mga text ng classmates,friends,relatives at kung ano ano pa. Pero may isang tao na gusto kong bumati sakin pero hindi man lang nagpaparamdam. Si Miguel. Siguro di alam nun na bday ko. Asa pa ko diba?
Imbes na antayin kong batiin nya ko, maliligo nalang ako baka malate pa ko eh. Pagkaligo ko ay bumaba na ko at kumain ng almusal. Maraming foods ang inihanda sakin ng mga maids namin at kinantahan pa nila ako ng 'happy birthday song'.
Tinawagan nga pala ako ni Tita at Kuya kanina sa phone para batiin. Hindi ko sila makakasama ngayong birthday ko. Well, lagi naman eh. Maliban nalang pag napatapat sa Saturday or Sunday yung kaarawan ko.
Si Daddy naman eh nagpadala lang ulit ng pera. Bilhin ko daw kung anong gusto ko. Hays, kung pwede lang bilhin ang pagmamahal ni Miguel, yun ang bibilhin ko pero hindi eh. Imposible. Hahahaha yoko na nga magdrama! Dapat masaya ako ngayon kasi kaarawan ko.
Pumasok na ko sa school. May ilang bumabati sakin kaya nagpapasalamat naman ako. Mag isa lang ako ngayon pumasok eh. Hindi ko kasabay si Sandy at Marc. Lagi naman kasing late pumasok yung mga yon :D
Pagpasok ko ng room, as usual kokonti palang ang nandito. Isa ako sa mga maagang pumasok eh. Syempre good girl yata 'to! Hahaha.
Maya maya, dumating si Luigi at binati ako. Buti pa sya. Parami na ng parami ang mga nagsisidatingan. Tapos yung mga kaclose ko naman eh panay ang bati sakin. Pero wala pa si Miguel. Malapit ng mag time ah!

BINABASA MO ANG
Love Comes at the Right Time
Novela JuvenilLahat ng bagay dumadating sa tamang panahon... ~