Miguel's POV
Naglalakad na kami ng gf ko papuntang room nila. Napag usapan na namin yung tungkol sa babaeng kasama ko kanina. In-explain ko na sakanya lahat kaya naniwala sya sakin. Bigla namang may kumuhit sa likod ko kaya napatigil ako at lumingon. Ganun din si Ash..
Anong kailangan mo? tanong ko dun sa babae. Nakita ko naman si Ash na tinaasan nya ng kilay.
Nothing. Gusto ko lang magpasalamat sayo Alex :) bat tinawag nya kong Alex, di naman sya part ng family ko -.-
Don't call him Alex! sabi ni Ash dun sa babae
Eh anong gusto mong itawag ko sakanya? Diba Alex name nya?!
Hays mga babae talaga, eskandalosa! Pero hindi lahat..
Tama na nga yan! Miss, kailangan na naming umalis eh. Anw, you're welcome. Bye! sabi ko dun sa babae atsaka hinila ko na si Ash at umalis
Bianca's POV
Papunta kami ngayon sa canteen. As usual, si Sandy at Marc ang kasama ko. Nakita ko naman na andaming taong nagkukumpulan at nagbubulungan. May narinig pa nga akong Miguel eh kaya medyo lumapit ako..
Tapos nakita ko si Miguel. GRABE ANG GWAPO ^.^ Nagpa new haircut sya! Kaya pala kilig na kilig yung mga babae dito. Kaso may kasama syang girl. Sino nanaman kaya yun? Hayy nako ang dami nya talagang chix -.-
Susundan ko sana sila kaso pinigilan ako ng mga kasama ko..
Hep hep hep! Saan ka pupunta? sabi ni bes tas hinawakan yung wrist ko kaya napatigil ako
May kailangan lang akong gawin. Una na kayo ni Marc sa canteen! sabi ko at tatakbo na sana kaso hinawakan naman ako ni Marc sa braso
Bianca mamaya mo na gawin kung ano man yon! Sumama kana samin. pagpipilit sakin netong si Marc
Guys, kayo nalang muna ang kumain. Kailangan ko na talagang umalis, bye! tapos tumakbo na ko at wala ng nakapigil sakin hahaha
Lakad lang ako ng lakad. Di ko makita si Miguel. San ba kasi nagpunta yun? Maya maya nahagilap na sya ng mga mata ko..
Xander! tawag ko sakanya pero hindi sya lumingon at nagpatuloy parin sa paglalakad
Sinundan ko lang sya hanggang makarating kami sa garden. Nakita ko namang lumapit sya kay Ash. Mamaya ko na nga lang sya kakausapin. Nasasaktan nanaman kasi ako sa nakikita ko.
Nagpunta na kong canteen at hinanap sina Sandy pero di ko sila makita. Nasan na ba yung mga yon? Jusko naman! Itetext ko na sana sila kaso wala na pala akong load -.-
Naisipan ko namang pumunta muna sa library. Magbabasa nalang ako ng books. Hanggang sa nainip na ko, tumingin ako sa relo ko at magta-time na pala! Dali dali akong naglakad pabalik sa room. Pero pag minamalas ka nga naman, may nakabungguan pa ko..
Sorry! Di ko sinasadya. sabi ko dun sa babae. Nahulog kasi yung mga dala nya kaya pinupulot nya. Tinulungan ko naman sya at nung nakita ko kung sino. Eto yung babaeng kasama ni Miguel kanina ah!
Okay lang! sabi nya tapos tumayo. Hindi sya ganon katangkad pero maganda tapos ang puti, mukhang rich kid.
Btw, I'm Barbie Forteza. And you are? pagpapakilala nya
Bianca Umali :) sabi ko naman
Kapag tiningnan sya, parang mataray at suplada pero mabait naman pala ^^ Hindi tulad ni Ash na mukhang mabait pero kabaligtaran naman ang ugali hahaha jk.
BINABASA MO ANG
Love Comes at the Right Time
Teen FictionLahat ng bagay dumadating sa tamang panahon... ~