Chapter 1

6K 110 1
                                    

Chinito


"Are you ready, iha?" mahinang tanong saakin ni daddy.

Matipid na ngiti lamang ang tanging nasagot ko sakanya. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na pupunta na kami ng Manila at doon na maninirahan. Labag man sa loob ko na lisanin ang Cebu kung saan nandoon ang ala-ala ng aking yumaong ina, ay wala akong magawa. My mother died 2 years ago, breast cancer ang ikinamatay niya. Masakit iyon para saakin dahil napakabata ko pa para mawalan ng ina. My mother was not just a mother to me, but she was also my bestfriend.

I really wanted to stay, dahil lahat ng magagandang ala-ala namin ni mommy ay nandoon, pero hindi pwede. Simula kasi nang mamatay ang mommy ko ay naging abala na si daddy sa negosyo. Ni wala na nga siyang panahon saakin, naiintindihan ko naman siya.

Kung may higit man na nasaktan sa pagkawala ni mommy ay alam ko na si daddy iyon. Lahat ng negosyo na naipundar ni daddy at ni mommy dito sa Cebu ay ibenenta ni daddy. Nagtayo siya ng ibang negosyo sa Manila at doon na niya ibinuhos halos lahat ng oras at panahon mayroon siya. Siguro iyon ang ginawa niyang paraan para maibsan ang sakit at pangungulila kay mommy.

My daddy wanted me to be with him, kaya kahit masakit man na umalis pero kailangan. Gusto ko rin na makasama ang aking ama, namimiss ko na siya ng sobra.

After my mother died, my father became different. Gone the loving and caring father I had before. Pero ngayon ay unti-unti na siyang bumabalik sa dati.

Ilang oras nalang ay lalapag na sa NAIA ang eroplanong sinasakyan namin. Napahawak ako sa balikat ni daddy, namimiss ko na ang maglambing sakanya.

Nakangiting tumingin saakin si daddy, "You will like it there anak, I'll promise you," Anya. Ang ngiti nya'y umabot sakanyang mga mata.

"I know papa," matipid nasagot ko. Humilig ako sa balikat niya at pumikit ng ilang sandali.

Hindi ko alam kung anong buhay ang kakaharapin namin sa manila, pero basta kasama lang ko si daddy ay kakayanin ko ang lungkot at pangungulila ko kay mommy.





Nakangiting inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng aking bagong kwarto. Malaki iyon kumpara sa kwarto mayroon ako sa Cebu.

Alam ni daddy na asul ang paborito kong kulay, kaya naman mula sa wallpaper ng aking kwarto hanggang sa kama ay kulay asul. It is very relaxing in the eyes.

Napatingin ako sa drawer na nasa gilid ng kama, nakalagay doon ang picture naming tatlo nina mommy at daddy.

Nakangiti kaming tatlo doon, larawan ng isang masayang pamilya. Somehow it touched and warmed my heart. Kung sana buhay pa si mommy, kompleto pa sana kami hanggang ngayon.

Kauupo ko palang sa aking study table nang may kumatok sa pintuan ng aking kwarto.

"Anak?" tawag ni daddy saakin.

"It's open dad," sagot ko. Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok ang aking ama.

"What do you think of your new room anak? Do you like it?" Magkasunod na tanong niya saakin pagkapasok niya sa loob ng aking kwarto.

Humarap ako sakanya at ngumiti.

"I love it. Natatanaw ko rito ang mga halaman sa hardin, nakakarelax dad, sobra," Totoo naman iyon, natatanaw ko mula sa bintana ang mga halaman sa likod bahay.

At kahit pa sabihin na madilim na ay natatanaw ko parin ang ganda ng hardin dahil sa nakalagay na iba't-ibang uri ng mga ilaw sa bawat parte. Sobrang nakakagaan lang sa pakiramdam.

"Mabuti naman, so, are you ready for your first day in your new school?" naenrolled na siya ng kanyang ama sa Stanfold University.

It is one of the biggest and exclusive universities in our country. Kahit sa Cebu ay well-known ang paraalan.

Solitude of the Purple Night (DON'T READ YET - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon