Chapter 3

2.9K 96 2
                                    

Tennis Player

Simula noong hawakan ni Mr. Singkit ang buhok ko ay hindi ko na ulit siya nakita. Dahil hindi ko pa kilala ang binata, naisip ko na tawagin muna siyang Mr. Singkit sa ngayon.

Hindi ko maiwasang matawa nalang sa sarili.

Hindi ko man alam ang dahilan pero ang malaking bahagi ng puso ko ay namimiss na siya. Almost two weeks din yata na hindi ko siya nakita dito sa SU. Gustuhin ko man na magtanong sa mga kaklase ay hindi ko nalang ginawa dahil ayaw ko na isipin nila na may crush ako sa binata.

Inaabala ko nalang ang sarili sa pagguhit sa gwapong mukha niya. I am starting to love my model. Last period na namin at sa di malamang dahilan ay wala pa ang P.E teacher namin.

Agad na isinara ko ang sketchbook nang mamataan ko ang paglapit ni Sue saakin. Mukhang katatapos lang niyang makipagchikahan sa iba pa naming kaklase. Malaki ang mga ngiti niya. Narinig ko sa usapan nila kani-kanina lang na ngayon daw babalik ang lahat ng Varsity players sa Tennis Club galing sa pakikipagcompete sa ibang schools, including Sue's ultimate crush na si Chace.

Hindi pa naman nakakalapit saakin ang kaibigan ay bigla nalang dumating ang aming class president na si Mary Grace. Kahit hinihingal siya, alam kong may good news siyang dala based narin sa ngiting nakaguhit sa mukha.

"They're back!" patiling anunsiyo ni Mary Grace sa lahat.

Agad naman yatang nahulaan ng mga kaklase namin ang ibig sabihin niya kaya naman todo hiyawan na ang mga kaklase kong babae, pati narin si Sue ay nakisabay sa tilian.

Para na yata akong mabibingi sa sobrang sa lakas ng sigawan nila. Maging ang tilian sa katabing classroom ay naririnig ko narin mula dito.

Mabilis pa sa alas kwatro na nilapitan ako ni Sue.

"Let's go," aya niya saakin. Inakay niya ako palabas ng classroom. Nagsilabasan narin maging ang ibang estudyante.

Iba't-ibang klaseng tilian ang naririnig ko. Napatingin ako sa Travel bus na huminto sa gilid ng parking lot. Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga estudyante, kahit nabibingi na ay nakisabay nalang ako sa kasiyahang nadarama ng bawat isa.

Ngayon ko lang napansin ang malaking tarpulin na nakasabit sa senior's year building.

"CONGRATULATIONS FOR WINNING THE TOURNAMENT SENIORS!" iyon ang nabasa kong nakaimprenta doon.

Isa-isa ng bumaba ang bawat manlalaro. Nagsilabasan nadin ang mga estudyante sa kani-kanilang mobile phones at cameras.

Maging si Sue ay naglabas narin ng kanyang cellphone at kinunan ng pictures ang lalaking may towel na nakasabit sa kaliwang balikat. Gwapo din siya at medyo singkit din ang mga mata. Mukhang siya yata si Chace, ang ultimate crush ng kaibigan ko.

Di tulad ni Mr. Singkit, maamo ang mukha ni Chace at palangiti ito. Hindi na siya magtataka kung bakit crush na crush siya ni Sue at ng iba pang estudyante sa SU.

Mas lalong lumakas ang hiwayan ng mga estudyante kaya napalingon ulit ako sa kinaroroonan ng travel bus. Para akong naitinulos sa kinatatayuan nang mapagsino ang pinakahuling bumaba.

Kahit pa sabihin na malayo siya at di ko gaanong maaninag ang gwapo niyang mukha. Pero walang duda na siya nga si Mr. Singkit.

He's wearing a cap na may logo ng SU sa gitna. Tulad nang una ko syang Nakita, seryoso na naman ang mukha niya. He looks so tired yet still so handsome.

Wala sa sariling kinuha ko ang aking cellphone at patay malisyang itinapat sa malayong binata. I took some stolen pictures of him. Walang tigil sa pagpindot ang daliri ko, I wanted to capture every move he'll make.

Naramdaman ko ang kamay ni Sue na dumantay saaking balikat. Mabilis kong itinago ang cellphone sa bulsa.

"Oh my gosh! Ang gwapo talaga ng baby Chace ko," kinikilig na baling niya saakin. Itinuro pa niya si Chace.

"Tara, baba tayo!" hindi na ako nakasagot dahil hinatak na niya ako.

Hindi parin tumitigil sa pagtibuok nang mabilis ang puso ko habang bumaba kaming dalawa ni Sue sa hagdanan.

Sobrang ang saya ko ngayon dahil nakita ko ulit ang binatang naging laman ng aking isipan for the past few days.

"Cha---," Hindi na natuloy ang balak sana na pagtawag ni Sue kay Chace.

Hindi ko akalain na sa parking lot pala niya ako dadalhin kung saan nandoon din si Mr. Singkit. Nakayuko lang ako habang naglalakad kami papunta dito dahil nahihiya ako na baka makita ako ni Mr. Singkit.

Ramdam ko ang paghigpit ng kapit ni Sue sa kanang balikat ko, kaya napaangat ang tingin ko sa kaibigan.

Namumula siya at nakaguhit sa magandang mukha ang paninibugho at galit.

Napatingin rin ako sa pinagmamasdan niya at nakita ko na may kayakap na babae si Chace. Kaya pala ganoon nalang ang pamumula ni Sue.

"Bitch!" mukha yatang napalakas ang boses niya dahilan kaya naagaw nadin namin ang pansin ng halos lahat ng mga players na nandoon.

Inilibot ko ang paningin sa paligid at hindi nga ako nagkamali. Pati si Mr. Singkit ay napatingin din sa gawi namin, particularly saakin.

Saakin?

Nakataas ang isang kilay niya habang nakatitig saakin, napapasong na napayuko ako.

Naramdaman ko ang paghila saakin ni Sue palayo doon, parang tuod lang na nagpatangay ako.

Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon dahil nasilayan ko na ulit ang napakagwapong mukha niya.

"Amanda is a bitch!" nanggigigil na turan saakin ni Sue.

Pero imbes na pansinin ang kaibigan ay minabuti ko nalang na manahimik at namnamin ang paraan ng pagkakatitig saakin ni Mr. Singkit kanina. Lutang na luting pa hanggang ngayon ang isipan ko.

Wala sa sariling napalingon ulit ako sa parking lot, and I got shocked to find out that Mr. Singkit is still looking at me.

I was so stunned, wala sa sariling napangiti ako sakanya. I wanted to congratulate him by smiling at him. Hindi ko in-expect na ngingitian niya ako pabalik.

Oh, I'm in heaven..

Solitude of the Purple Night (DON'T READ YET - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon