Chapter 30

777 62 21
                                    


Pangako

Alas singko nang umaga palang ay tumawag na saakin si Ryoma. Hindi ko alam kung saan nya nakuha ang numero namin dito sa bahay, pero mukhang kay daddy yata.

Nahihilong bumaba ako para tanggapin ang tawag. Sira ang telepono ko sa kwarto kaya hindi maikonek doon.

Wala pa akong tulog simula kagabi. Ang nangyari parin sa parking lot ang laman ng aking isipan.

Hindi ko man nakompirma kung may sumusunod ba talaga saakin, pero hindi ko pwedeng ipagkakamali ang naramdaman kong takot kagabi. It was so strong.

"H-hello," nahahapong bati ko sa binata. Nakahiga lang naman ako buong magdamag pero ang pagod na unti unting namayani saakin ay hindi ko na mapigilan.

"Hi, good morning Rynniel." Anya. Napapikit ako, hinayaan ang sariling tangayin sa ginhawang hatid ng kanyang baritonong boses.

Ilang minuto muna ang dumaan bago sya nagsalita ulit.

"Huwag kanang pumasok ngayon. Okay?" nahihirapan nyang usal sa kabilang linya. May kung ano sakanyang tono, na tila ba may takot na nakatago doon. Naalala ko tuloy ang takot na nakita kong dumaan sakanyang mga mata kagabi. It seems surreal.

Tumango ako kahit hindi naman nya makikita. I don't think I can go on duty like this. At isa pa, wala naman akong gagawin doon.

My life is at stake. Tila hindi nagbibiro ang nanakot saakin. If my intuition is true na si Stephanie ito, is it really because of Ryoma? She's willing to harm other people for Ryoma? I used to loved him, pero kailanman ay hindi pumasok sa utak ko ang manakit ng ibang tao.

Oo, aaminin ko, nagpaplano ako ng paghihiganti, pero hindi katulad nito. Hindi sa paraang ganito.

Anong tingin nito sa buhay namin, isang teleserye?

"Ryoma, n-nakita mo ba na may s-sumusunod saakin k-kahapon?" I asked, maaring nakita nga nya. Hindi nya ako hahablutin at itatago ng ganoon sa likod ng kanyang sasakyan kung hindi nga nya nakita.

Natigilan sya. Matagal bago sya nakasagot. Mas lumalim yata ang kanyang bawat paghinga palatandaan na maging sya ay hindi rin komportable sa tanong ko.

"Yes," tipid nyang sagot. Hindi nakatakas saakin ang galit nakapaloob doon.

"I I don't unde------"

He sighed, "Please don't worry about it anymore, I'll take care of it. I'll protect you, pangako."

Natigilan ako dahil sa sinabi nya. Ito rin kasi ang palagi nyang sinasabi noon saakin sa tuwing may problema ako, ngayon ganon parin.

"W-why?" Pinahid ko ang luhang nagsisimulang pumatak mula saaking mga mata. Bakit nya isasali ang sarili sa problema ko? Wala na dapat syang pakealam saakin.

Umiiyak ako kasi naiinis ako sakanya at sa sarili ko, naiinis ako sa sarili ko dahil alam ko sa puso ko na naniniwala ako sa pangako nya saakin, katulad ng pagtitiwala ko sakanya noon.

"I will not gonna let anyone hurt, not again," he said, hindi na sinagot ang tanong ko. Nagpaalam narin sya saakin pagkatapos.

Bumalik ako sa kwarto para doon magpatuloy sa pag-iyak. Mabuti nalang at wala si daddy, umuwi sya ng cebu kahapon, si manang Brenda nalang ang nag-inporma saakin.

Nakatulog ako at hapon na nang nagising. Bumaba ako para kumain, hindi na kasi ako nakakain ng breakfast at lunch.

Wala parin akong gana pero dahil sumasakit na ang tyan ko kaya napilitan narin na kumain ng kaonti.

Habang kumakain ay naisipan kong magsumbong sa mga police tungkol sa  nanakot saakin. Pero hindi ko rin iyon nagawa dahil sa nilalaman ng dalawang bagong mensahe na natanggap mula sa kaparehong numero.

Solitude of the Purple Night (DON'T READ YET - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon