Chapter 24

519 48 17
                                    


Break Up

Ilang araw na ako na walang maayos natulog. I spend most of the nights crying. Hindi narin ako nakakain ng maayos.

I lost weight. Nangangayat na ako sa kakaisip kung ano ang nangyari sa relasyon namin ni Ryoma.

Ilang araw nalang at Valentines day na, pero hanggang ngayon ay hindi parin kami nakakapag-usap.

Madalang ko narin syang makita sa school. At kapag nakita ko naman ay hindi naman ako inaalayan nang tingin.

Napatingin ako sa paperbag kung saan nakalagay ang Rolex na balak ko sanang ibigay sakanya sa araw ng mga puso.

Malungkot akong napangiti. Hindi na ako gaanong umiiyak sa school, pero halos gabi-gabi parin akong umiiyak at iniisip sya.

Hindi ako sigurado kung hiwalay na ba kami o ano? Pero sa ginagawa nyang pambabalewala saakin nitong nakaraang mga araw ay parang ganon na nga.

I am so desperate to talk to him. Pero nawalan na ako ng lakas na makipag-usap sakanya nitong mga nakaraan na araw dahil sa hindi nya pagsipot saakin.

It seems like he doesn't want to talk to me. Pwede naman nya akong kausapin sa phone o itext pero hindi nya ginawa which only means one thing, wala na talaga syang pakialam saakin.

Parang iniipit ang puso ko habang iniisip ang dahilan na iyon. I love him and I miss him so much. I maybe still so young but I know in my heart what I really feel about him.

Dahil hindi na talaga kami nakakapag-usap ni Ryoma, kaya nakukontento nalang ako na pagmasdan sya sa malayo.

Nasasaktan at nagtatampo parin ako kung bakit naging ganon ang relasyon namin. No closure. No goodbye. Pero wala na akong magawa kung wala na talaga syang balak na kausapin ako.

Valentines Day passed, hindi ko na talaga nabigay sakanya ang Rolex na nabili ko na sya ang nagbayad.

At dahil sa nangyari saamin kaya medyo napalayo ako sa mga kaibigan at kaklase. Mas bet ko na ngayon ang mapag-isa.

Hindi narin ako lumalabas sa classroom dahil sa hindi ko na makayanang tignan ang mapanghusgang tingin ng ibang estudyante saakin.

Alam ko na pinagtatawanan nila ako, dahil sa ginawang pag abandona saakin ni Ryoma. Pero hindi ko na inalintana iyon. I was too busy mending my broken heart.

Mag-isa akong tinahi ang sugat na ginawa niya. Masakit, pero pilit ko na kinakaya.

Halos mabingi ako sa sigawan ng mga tao sa paligid. Hindi na dapat ako nandito pero hindi ko magawang manatili sa bahay habang ginaganap ang semi-finals para sa Tennis National Tournament.

Everyone are busy cheering for our school, samantalang tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang binata. My eyes never leave him since the moment I entered the coliseum.

He look so serious. Walang bahid na kahit anumang ngiti sa labi. Maliban sa paminsan-minsan na pagnguso at pangungunot ng noo ay wala na akong ibang nakita na naging reaksyon nya habang nanonood sa mga unang kasamahan na nakipagcompete.

Tinawag na sya ng kanilang coach dahil sya na ang susunod. Nakita ko kung paano nya binasa ang ibabang labi gamit ang kanyang dila saka tumayo.

He warmed up a bit. Kinuha nya ang kanyang racket mula sa kinalalagyan.

He look magnificent while standing so proud inside the court. I almost forgot how good looking he is.

When the game started, mas lalo lamang lumakas ang hiyawan ng mga tao. Halos lahat ay pangalan nya ang isinisigaw.

Solitude of the Purple Night (DON'T READ YET - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon