Dinala siya ng binata sa isang korean restuarant.
Pagpasok palang nila ay agad na may sumalubong sakanila na isang waitress, pero ang buong atensyon nito ay nasa binata.
Nakaupo na sila pero ni hindi man lang siya binalingan ng tingin nito. Matamis ang mga ngiti nito habang nakatingin kay Ryoma. Tila inaakit nito ang binata sa paraan ng pagtitig nito. Base sa nakikita niya, mukhang matanda ito ng ilang taon sakanila, pero mukhang iniisip nito na magkasing edad lang ito at ang binata dahil narin siguro sa katutuhanan na matangkad at medyo bulky narin ang pangangatawan meron ang huli.
But Ryoma as he is, ni hindi man lang nito tinatapunan ng tingin ang waitress na kanina pa nagpapacute dito. Hindi nga ito aware sa atensyon na nakukuha nito ngayon, kasi maging ang ibang kumakain doon na kasing edad lang din nila ay napapatingin narin sa binata.
'What do you wanna eat?' nag-angat ng tingin sakanya ang binata. Napansin niya na napataas ang kilay nang waitress ng mapatingin sakanya. Mukhang ngayon lang nito na napansin ang presensya nya.
Hindi nalang niya binigyan pansin iyon, napatingin siya sa menu na hawak.
Napakagat labi siya. Hindi siya pamilyar sa mga pagkain na nandun. Hindi niya alam kung alin ang oorderin.
Napatingin siya kay Ryoma at nahuli niyang nakatitig ito sa kanyang labi, pero agad naman na umangat ang tingin nito kaya nagtama ang kanilang mga mata.
Tumikhim siya, 'Kung ano ang order mo yun narin lang ang saakin' ngumiti ito dahilan kung bakit nagwala na naman mga kulisap sa kanyang tiyan.
'Okay' binalingan nito ang waitress na tila ba naengkanto habang nakatingin sa nakangiting binata. Hindi muna nakahuma ang babae kahit na sinabi na dito ni Ryoma ang kanilang orders.
'Miss?' tawag pansin niya sa waitress, wala sa sariling napatingin ito sakanya at agad na sumama ang mukha nito. Hindi niya napigilan ang ang pagtaasan ito ng kanyang kilay.
Inirapan siya nito bago ulit binalingan ang binata. Inulit nito kay Ryoma ang order nila, mabuti naman at tama lahat iyon.
'Right away sir' anito bago nito mapang-akit na nginitian ang binata saka ito nagmamadaling umalis.
Nakaramdam siya ng inis sa babae, masama niyang sinundan ng tingin ang papalayong pigura nito.
Narinig niya ang mahinang tawa ng binata kaya napalingun siya dito. He look amuse while looking at her.
She blushed when she realized na nahuli siya nito. Nag-iwas siya ng tingin.
'You looked so cute. If looks could kill, she would have been dead by now' he chuckled. His eyes smiled when his lips did.
'I wasn't glaring at her' pagdedeny niya. Pero tinawanan lang siya nito. Wala sa sariling napatitig nalang siya sa binata habang tumatawa ito. Paano nito nagagawang ngumiti at tumawa sakanya ng ganun, samantalang ni pagtitig ay hindi nito iyon magawa sa iba. At papaano nito nagagawang kausapin siya na parang normal na bagay lang iyon di samantalang ni hindi nga ito nakikipag-usap sa iba.
Naalala na naman niya ang ginawa nitong paghalik sa noo niya, hanggang ngayon ramdam parin niya ang labi nito doon.
Am I falling in love with him? Bakit bumibilis ang tibuok ng puso niya satuwinay nakikita niya ito. Alam niyang hindi lang simpleng pagkakacrush iyon, may malalim pang dahilan kung bakit sumasaya ang puso niya pagkasama ito.
They said that, when you start falling for somebody, you can't stop thinking about that person. And I can't stop thinking about him ever since I laid my eyes on him.
'A penny for your thoughts, hmm?' he asked her. She looked at him straight in the eyes. Mas lalo tuloy naningkit ang mga mata ng binata dahil sa pagkakangiti.
'You should keep smiling, mas bagay sayo' totoo iyon, gwapo ito kapag seryoso pero mas gwapo ito kapag nakangiti. Tila kumukulay ang paligid sa mga ngiti nitong iyon.
'I can't, ngumingiti lang ako sa mga taong espesyal saakin' manghang napatitig siya sa mukha ng binata. Seryoso na ang mukha nito ngayon na tila ba ipinaparating sakanya na hindi ito nagbibiro.
Tatanungin na sana niya ito kung ano ang ibig nitong sabihin ng siya namang pagdating ng kanilang orders.
'Here's your orders sir,' malambing na wika ng waitress sa binata. Ka gaya kanina, hindi na naman siya pinansin ng babae.
Sinadya pa nitong inilapit ang katawan sa binata. Tumikhim siya at sinamaan ng tingin ang babae.
Ngayon lang talaga siya nainis ng ganun, hindi na niya nagugustuhan ang ginagawa ng babae. She's a woman for pete sake, and to think na mas bata pa dito ang binata.
'How old are you?' matikas na tanong niya sa babae. Sinipat niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Well, she's pretty. Maganda din ang katawan nito. Pero hindi magandang tignan ang lantarang pang-aakit nito kay Ryoma.
'I'm 23 ma'am' tila napipilitan lang ito na tawagin siyang 'ma'am'.
'Actually, my boyfriend is only 16 years old. Bata pa siya para sa mga pang-aakit na ginagawa mo' mahina pero may diin na wika niya dito.
Natigalgal at tila napahiya ito dahil sa sinabi niya. Namumula na nagmamadali itong umalis.
'Hindi ko alam na selosa ka pala' he playfully said. Siya naman ngayon ang namula dahil sa sinabi nito. 'So, Im your boyfriend now?' his husky voice made her trembled.
'I, I d-didn't mean it t-that w-way' she blushed even more nang makita ang naglalaro na ngisi sa labi ng binata.
'Then why are you stuttering? Hmm?' mas lalong bumilis ang pagtibuok ng puso niya. Hindi niya alam kung saan ibabaling ang mukha, pero sa hindi malaman na dahilan ay hindi naman niya maalis-alis ang tingin dito. Tila nakapako na ang paningin niya sa binata.
Ang pagtunog ng kanyang cellphone ay syang nagpagising sa diwa niyang tila napasailalim ng majika nito.
Dali-dali niyang sinagot iyon ng makitang si Sue ang tumatawag.
'Where are you? Kanina pa kita hinahanap, pero hindi kita makita dito' pambungad agad na tanong sakanya ng kaibigan.
Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito, napabuntong hininga siya. Dapat ba niyang sabihin dito na kasama niya ang binata?
'I'm with someone' tanging naisagot nalang niya dito.
'Ganun? Si Ryoma ba?'
'H-ha?' paano nito iyon nahulaan? Napatingin siya sa binata na mataman lang na nakamasid sakanya.
'Narinig ko sa mga usap-usapan dito, is it true?' seryosong tanong nito sakanya.
Wala sa sariling napatango siya, 'Oo' sagot niya sa kaibigan.
'Naku! Malilintikan talaga saakin iyang lala---' hindi na niya narinig ang iba pang sasabihin ng kaibigan ng bigla nalang agawin sakanya ni Ryoma ang cellphone.
'We're on date, don't disturbed us' anito saka pinatay ang tawag. Siguradong umuusok na sa galit ang kaibigan niya ngayon dahil sa ginawa nito.
BINABASA MO ANG
Solitude of the Purple Night (DON'T READ YET - UNDER REVISION)
General FictionHighest Ranking: #1 - VarsityPlayer / #3 - Chinito