Gusto ko sana na bawiin ang kaliwang kamay na ngayon ay hawak-hawak ni Ryoma, papunta kami ngayon sa cafeteria at ang bawat babaeng estudyante na madaanan namin ay natatameme.
Yung iba ay parang pinapatay na ako sa paraan ng pagkakatitig nila saakin. Kaya hindi ko maiwasan magsumiksik lalo sa likuran ng binata.
Nanuot sakin ang kanyang pabango dahilan para mapapikit ako while enjoying the feelings of holding his hand.
Kahit na ramdam ko ang matatalim na tingin na ipinupukol saakin ay hindi kayang maibsan noon ang sayang nadarama ko ngayon.
My heartbeat is beating erratically, tila may nagpaparty sa kaloob-looban ko. Ganon siguro kapag sobra mong saya, everything is blurry.
Hindi paman kami nakakapasok ay natahimik na agad ang mga estudyante nasa loob ng cafeteria, pagkamangha, inggit, pagtataka at pagkadismaya ang rumehistro sakanilang mga mukha.
Ang makita siguro ang binata na may hawak na kamay ng ibang babae ay sadyang hindi kapanipaniwala, Ryoma was known as the most snobbish varsity player of our school tennis team. Halos lahat ay humahanga at iniidolo ang binata.
"What do you want to eat?" He asked, hindi ko namalayan na nindito na pala kami sa harapan.
"Kahit ano nalang," I'm not yet hungry pero hindi ko siya mahindian kanina nang anyayahan niya akong kumain.
1 week na kaming mag-on pero ngayon lang kami nagkasabay maglunch. They were so busy with their practice kaya ako na mismo ang umiiwas na magkita kami dahil ayaw ko na maging sagabal sakanyang pag eensayo.
Nang makapag order ay agad kaming pumunta sa bakanteng lamesa. I just watching him silently while he's carrying the tray.
"Who is she?"
"Bakit hawak ni Ryoma ang kamay niya kanina?"
"Atsaka bat' sila magkasama?"
They were whispering those questions but I was still able to heard some of it while walking towards our table.
Hindi ko alam if narinig iyon ng binata dahil mukhang wala naman syang pakialam sa paligid niya.
He is like a runway model taking all his time. Tila hindi alintana ang mga matang mataman na nakamasid sakanya at saaming dalawa.
Matapos niyang malagay ang tray ay ipinaghila niya ako ng upuan. He is really a gentleman. With his attitude, hindi mo maiisip na may itinatago pala syang ganito.
"Don't mind them" he said briefly as he look at me. He's now staring at me, halos hindi ko na makita ang kanyang mga mata dahil mas lalo pang naging singkit iyon.
Bihira lamang ang pagkakataon na matitigan ko sya ng ganito kalapit, at satuwina ay namamangha parin ako, hindi makapaniwala. Masyado syang pinagpala ng Panginoon dahil na sakanya na ang lahat.
Tumango ako, hindi naman kasi mahalaga ang ibang tao. Ang mahalaga ay magkasama kami ngayon. I admit, at first I wanted our relationship to be discreet, but iba pala talaga kapag malaya kang naipapahayag ang nararamdaman mo.
We haven't officially tell everybody that we are in relationship, but I think they figured it out already.
Ngumiti siya at pinaglagyan ako ng pagkain. Napatulala nalang ako habang pinagmamasdan siyang nakangiti.
Hindi siya palangiti kaya hindi ko maiwasan na namnamin ang pagkakataon na ito. At sa bawat pagngiti ay mas lalo lamang naningkit ang kanyang dalawang mata.
Nagsimula na kaming kumain nang may biglang lumapit saamin, hindi ko maiwasan mapatingin sa babae samantalang hindi man lang nag-angat ng kanyang ulo si Ryoma.
I don't personally know her but I saw her several times here in our school. She's very pretty, ang kanyang mahahabang buhok ay malayang sinasayaw ng hangin. I can tell that she's one of the senior student since I always saw her together with other seniors.
"Excuse me, but why are sitting next to Ryoma, don't you know that he doesn't like it?" She said it as if I did a murderous crime. Nakataas kanyang kilay habang nakatingin saakin. I can sense at any minute now ay kakaladkarin niya ako.
Hindi paman ako nakapagsalita ay hinawakan na nito agad ang balikat ko atsaka ako hinila patayo.
Everything happens so fast that I was not able to react right away. Ang kamay nitong nakahablot sa balikat ko ay napalitan ng kamay ni Ryoma. He is now standing next to me while holding my arms.
Magkadikit ang dalawang kilay at seryosong hinarap ang babae. Halos hindi ko mabasa ang emosyon sakanyang dalawang mata. This is the first time I saw him like this. He's mad, I know.
"She's my girlfriend, please treat her right," mababa at seryosong wika niya dahilan kung bakit maging ang ibang estudyante na nandun ay natahimik rin.
Katulad ko ay halos maiyak ang babae dahil sa sinabi na iyon ni Ryoma, pero hindi sa magkatulad na dahilan.
Naiiyak ako kasi it feels surreal. Parang isang panaginip lahat ang nangyayari ngayon. Ang mga salita na namutawi sakanya ay tila isang malaking pagkakamali, mga salita na hindi dapat lumabas sakanyang bibig.
It bought so much pain to his admirers, lalo na para sa babaeng nasa harap namin ngayon.
Tila nawalan ng kulay ang mukha, ang mga luhang kanina pa nagbabadya at kusang bumuhos. She look so hurt, siguro mahirap malaman na ang lalaking matagal na nilang hinahangaan ay may iba nang nagugustuhan.
Tamihik itong umalis saaming harapan habang nakayuko. Bagsak ang dalawang balikat na naglakad palayo.
Pagkaalis ay doon ko lang nalaman na hindi lang pala siya ang luhaan, hindi ko maiwasang ilibot ang aking paningin. Lahat ay malungkot, katahimikan ang naghari.
Hindi ko maiwasang masaktan para sakanila. Katulad nila ay hinahangaan ko rin ang binata, I was just so lucky dahil sa dami namin ako talaga ang napili niya.
What happened earlier makes me uncomfortable now. Tinanggal ko kanyang dalawang kamay na nakahawak saaking balikat.
Tipid ko siyang nginitian para ipaabot na okay lang ako kahit na deep inside ay lihim akong nasasaktan para sa lahat ng tagahanga niya.
"Are you okay?" gone the roughness of his voice.
Tumango ako sakanya saka siya nginitian ulit.
@All, for those who want to check my other stories just visit my profile. 😃😃 And also I want to apologized for not able to update right away T.T
Comments and votes for more updates.
BINABASA MO ANG
Solitude of the Purple Night (DON'T READ YET - UNDER REVISION)
Ficción GeneralHighest Ranking: #1 - VarsityPlayer / #3 - Chinito