Chapter 35

662 36 5
                                    


Missing you



Masakit ang katawan na nagmulat ako ng mga mata. Tumambad saakin si Stephanie, galit siyang nakikipagsigawan sa babaeng nasa tabi ko. Katulad ko, nakaupo din ang babae sa isang lumang silya, nakagapos ang kamay sa likod. Walang busal ang bibig niya hindi katulad ko, kaya malaya siyang nakikipagsagutan kay Stephanie.

"Baliw ka! Pakawalan mo kami dito!" Sigaw ng babaeng nasa tabi ko.

"Anong sabi mo, anong sabi mo?!" sinugod siya ni Stephanie at pinagsasampal.

Gustuhin ko man na pigilan siya, hindi ko magawa. Lihim nalang akong umiiyak habang pinanonood siyang sinasaktan ang babae. Tumigil lang siya nang mapalingon saakin. Ngumisi siya at lumapit sa pwesto ko.

"Gising ka na palang mang-aagaw ka!" Nanlilisik ang mata na sinugod niya ako. Ako naman ngayon ang pinagsasampal niya. Halos mamanhid na ang mukha ko sa sakit. Pinaghihila din niya ang buhok ko. Dahil hindi makailag kaya malaya niyang nagagawa ang pananakit saakin.

"Huwag mo siyang idamay dito! Ako nalang ang saktan mong baliw ka!" sigaw ng katabi ko.

"Shut up Mj!" bulyaw ni Stephanie sa babae. Lumayo siya saakin at tumayo sa harapan namin. Dinuro niya kami. "Kayong dalawa ang salot sa buhay ko! Kung hindi na sana kayo nagpakita pa, di sana hindi tayo aabot sa ganito!" hinarap niya ang babaeng katabi ko at dinuro, "Ikaw Mj, kung inaakala mo na may makukuha ka sa yaman ni lolo, puwes nagkakamali ka dahil hindi ko papayagan 'yon!"

Tumawa ang babaeng katabi, na tinawag ni Stephanie na Mj.

"May sira na talaga ang utak mo. Nakalimutan mo naba na ako ang totoong apo? So, kumpara sa isang sampid na katulad mo, mas may karapatan ako sa lahat!" Matapang niyang sagot. Kahit nasa ganito na kaming sitwasyon, ni hindi ko man lang siya nakitaan ng pagkatakot.

Hindi na siya pinansin ni Stephanie at ako naman ang hinarap.

"Hindi ka na sana bumalik Rynniel, sana nanatili ka nalang doon! Pero bumalik ka parin at pilit na inaagaw si Ryoma saakin! Akala mo, mapupunta siya sayo, ha?! Papatayin muna kita bago mangyari 'yon!"

"Gumising ka na sa kahibang mo! Kahit kailan, hindi ka mgugustuhan no'n! Sino ba ang magkakagusto sa isang baliwng katulad mo ha?!" Mj hissed.

Gustuhin ko man na magsalita, pero hindi ko magawa dahil sa tela na inilagay niya sa bibig ko.

Tumalikod siya saamin at may kinuhang kung ano sa lamesa na nasa unahan. Nahihintakutang napatingin ako sa patalim na hawak na niya ngayon.

Nakangising naglakad siya balik saamin.

"Bago kita patayin, sisirain ko muna yang mukha mo na kinababaliwan ni Ryoma, pagkatapos, ipapagahasa kita do'n sa mga tauhan ko. Tignan lang natin kung mamahalin ka pa ba niya, pagkatapos ng gagawin ko sayo!"

Nang dahan dahan siyang lumapit saakin ay napailing-iling ako. Mas lalong bumuhos ang mga luha ko sa walang pagsidlang takot lalo na sa plano niyang pagpapagahasa saakin sa mga lalaki na iyon. Mas gugustuhin ko nalang mamatay wag lang mangyari 'yon.

Lord, tulungan niyo po kami. Wag niyo po kaming pabayaan. Please, maawa po kaayo saamin!

Hindi talaga ako madasaling tao, pero sa pagkakataon na iyon, tanging Panginoon na lamang ang makakatulong saamin ni Mj.

Umalma si Mj sa tabi ko. Pinilit niyang lumapit saakin.

"Huwag mong gawin 'yan, wag mong gawin 'yan!" Paulit ulit niyang sabi kay Stephanie, pero mukhang bingi na ang huli.

Lumuhod siya sa paanan ko at pinakatitigan ang mukha ko. Ang galit at paninibugho ay sumasalarawan sa mukha niya.

"T-ti-tigilan m-mo n-n-na t-to," pinilit kong sinabi kahit nahihirapan. Halos hindi ko na maaninag ang mukha niya ngayon dahil sa mga luhang nakapaligid sa mga mata ko.

Solitude of the Purple Night (DON'T READ YET - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon