Chapter 6

2.4K 89 2
                                    

I'm was so busy reading other stories here on wattpad. Reason why kaya hindi ko matapos-tapos ito. Pero dahil may palabra de honor ako kaya mag-uupdate ako haha. One comment, one update.

Pasensya na sa lahat na mga errors, wala na akong time mag-edit haha.

-------------------------------

Girlfriend




'Who are you?' Mahina pero pagalit na tanong ni Stephanie saakin, kaibigan ni Amanda.

Nanlilisik parin ang mga mata nito habang nakatingin saakin. Kanina, nang ipakilala ako ni Ryoma ay hindi man lang nito tinanggap ang pakikipagkamay ko, maging ang kaibigan nito na si Amanda ay hindi rin nakipagkamay saakin. They looked so unhappy.

Nandito ako ngayon sa restroom ng convenient store, habang matamang nakatingin sa salamin. Hindi niya napansin ang pagpasok nito.

'Are you deaf?' asik niya ng hindi siya agad makasagot sa tanong nito. Medyo hindi kasi niya magets ang tanong nito, gayong alam na naman nito ang pangalan niya ng ipakilala siya ni Ryoma kanina.

Lumapit ito sakanya at itinulak siya, medyo napalakas ang pagtulak nito dahilan para tumama ang likod niya sa pader. Napaaray siya ng may maramdamang kirot sakanyang tagiliran.

Hinawakan nito ang kanyang baba kung kaya't napatingin siya dito. Nakaramdam na siya ng takot habang nakatitig sa nanlilisik na mga mata nito.

'Who are you at bakit kayo magkasama ni Ryo?!' Singhal nito sakanya habang mariin parin ang pagkakahawak nito sa baba niya.

'I-Im just his f-friend' nauutal na sagot niya dito. Kahit ang totoo ay hindi naman talaga siya kaibigan ng lalaki.

Sa pagkakatanda niya, apat na beses palang niya itong nakita. At hindi pa sila gaanong nagkakausap ng matagal. Kaya nagtataka talaga siya kanina kung bakit alam nito ang pangalan niya.

'I don't believe you! I know, you are one of those girls na nagpupumilit at nagpapapansin sakanya!' akusa nito. Lihim siyang naguilty dahil alam niya sa sarili na may natatangi na siyang nararamdaman para sa lalaki.

Pero hindi naman siya desperado kung iyon ang iniisip nito. Kuntento na siya na hangaan ito sa malayuan.

'Si Ryoma ay para saakin lang kaya kung ako ikaw, umalis kana dito at huwag na huwag kanang lumalapit-lapit sa boyfriend ko!' she hissed. Namumula na ang mukha nito sa galit kahit na wala naman itong dapat na ikagalit sakanya.

Pinigilan niya ang sarili na wag mapangiwi ng marinig ang sinabi nito. Batid niya na hindi ito tunay na kasintahan ng lalaki, dahil ni hindi nga ito pinapansin ni Ryoma kanina. At sabi rin ng mga kaklasi niya, wala pa daw itong girlfriend.

'Bitiwan mo siya' napalingon siya sa babae na siyang nagsalita, kalalabas lang nito sa isa sa mga cubicle na naroon.

Wala itong emosyon habang nakatingin sa kanila. May pasa ito sa ibabaw ng kaliwang kilay nito, meron din itong pasa sa ibabang bahagi ng kanang bibig nito. Pero ganun paman, hindi iyon nakabawas sa angking kagandahan meron ito.

'Huwag kang makialam dito kung ayaw mong isumbong kita sa mahal mong lolo!' may pang-uuyam na banta ni Stephanie sa babae. Pero imbes na matakot, naglakad lang ito palapit sakanila at walang sabi-sabing tinabig nito ang kamay ni Stephanie dahilan kung kaya't nabitawan siya nito.

'Im not scared, leave her alone kung ayaw mong basagin ko yang pagmumukha mo,' kalmadong wika nito sa nakatigalgal na si Stephanie. Mukhang hindi nito inaasahan ang ginawa ng babae.

'I swear, makakarating ito kay lolo!' nagpupuyos na wika nito, 'Magsama kayong dalawa!' sigaw nito bago ito tumalikod at mabilis na umalis doon.

'S-salamat,' Anya sa babae. Kung hindi dahil dito baka kung ano pa ang ginawa ni Stephanie sakanya. First time iyong nangyari, never pa siyang inaway or nang-away kaya hindi siya sanay sa ganun.

Solitude of the Purple Night (DON'T READ YET - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon