Chapter 25

522 30 4
                                    


Blocked

Tinatawag nya ako pero hindi ko na sya kayang lingunin pa. Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit ramdam ko ang pagtalsik ng mga putik sa suot ko na sapatos.

Masyado ng madilim tapos umuulan pa, kaya nahihirapan akong makalayo agad.

"Rynniel!" Tawag nya ulit saakin. Pumikit ako, hinayaan ang sarili na namnamin ang kanyang boses kasi alam ko sa sarili na ito na ang huling pagkakataon na tatawagin nya ako sa pangalan ko.

Halos wala na akong mailuha, pero ni hindi man lang naibsan ang sakit na patuloy na pumapatay saakin.

Napatigil ako nang may kung anong inilagay sya sa balikat ko. Nakalapit na pala sya saakin.

Nilagay nya sa balikat ko ang kanyang jersey jacket. Nakaplaster sa gwapo nyang mukha ang sobrang pag-alala.

Ayaw kong paasahin ang sarili kaya hindi ko na binigyan kahulugan iyon.

"Please wear this, so you won't get cold" he sounded so tired.

Masyado akong nasaktan kaya hindi na ako nakapag-isip. Inalis ko iyon mula saaking balikat at hinayaan na mahulog iyon sa lupa.

I did not uttered any words. Umalis ako na hindi na sya kinausap pa. Hindi ko na sya kayang tignan sa mga mata. Kasi ipinapaalala lang saakin ng mga mata nyang iyon kung ano ang nawala saakin. Na kung ano ang hindi na akin.

Nagulat man sa hitsura ko ay hindi na nagtanong ang driver namin sa kung ano ang nangyari. Lihim akong umiiyak habang bumabyahe kami pauwi.

Nang nasa malapit na ay saka ko palang inayos ang sarili. Pinusan ko ang mukha gamit ang wet wipes. Ganun din ang mga binti at ang sapatos na suot.

Medyo natuyo na ang suot ko na uniporme. I went directly to my room never minding our housemaids.

Pagod akong nahiga sa kama. Sumasakit na ang lalamunan ko sa kakaiyak. Ngayon na napag-isa na naman ulit ako, nagbabadya na naman para sa panibagong luha.

Nanatili lang ako sa ganon na ayos kahit ilang oras na ang lumipas. Kahit ipikit ko pa ang mga mata, hindi ko kayang kalimutan ang isinabi ni Ryoma. He did not really loved me. Akala lang pala nya iyon.

Mapait akong napangiti. Kung sana ganon din ang nararamdaman ko sakanya, wala sanang problema. Hindi sana ako naghihinagpis ng ganito.

It was almost 12 midnight nang mahismasan ako. Sa ilang oras na pagmuni-muni, I realized that I could not live without him. Na hindi ko pala kakayanin na hindi siya makita.

Yes, I'm desperate. Pero hindi ko talaga kayang tanggapin na nagtapos na ang relasyon namin kanina. Parang gusto ko nalang mamatay habang iniisip iyon. Mahal ko talaga sya eh. Mahal na mahal.

Mahirap ipaliwanag, basta ang alam ko, ikakawasak ko pagnawalay sya saakin.

I grabbed my laptop, and decided to check his facebook account. Balak ko rin syang ichat patungkol sa nararamdaman ko parin sakanya. Baka nabigla lang sya kanina kaya niya nasabi ang mga salitang iyon.

Dumaan agad ang takot sa puso ko nang hindi ko sya masearch. Did he changed his facebook's name? Ayaw kong isipin ang isa pang bagay. Hindi naman siguro nya magagawa yon saakin.

But there's also a very big possibility that he blocked me on his facebook account. Nangingilid na naman sa luha ang mga mata ko.

Huminga ako ng malalim para kahit papaano ay maibsan ang sakit. I tried searching his name again, pinagbaliktad ko ang pangalan nya pero wala parin.

There's only one way to find out. Dahil ayaw ko magtanong sa mga kaibigan so I decided to log-out and create a new one.

Halos hindi na ako makahinga sa sobrang kaba na baka nga totoo ang inisip ko. But somehow, deep inside, lihim ko na ipinagdadasal na sana hindi magkatotoo ang hinala.

Solitude of the Purple Night (DON'T READ YET - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon