Chapter 13

2.1K 76 4
                                    


A/N

"Sex is my business" chapter 8 is posted.  If you want to read it,  you can add it to your library.

Comments and votes for more updates.

My stories are not perfect, so I'm open for constructive cristism. Thankies :)

--------------------------------------------------

Imbes na bumalik sa dating kinauupuan nito ay lumabas kami ng cafeteria.

Sumalubong agad saamin ang sariwang hangin.

Hinawakan nito ang kaliwang kamay niya at iginiya siya sa kung saan.

Nandoon parin ang pagkailang pero unti-unti na siyang nasasanay sa kakaibang damdamin na pumapaloob sakanya satuwing hinahawakan nito ang kamay niya.

'S-saan mo ba ako dadalhin?' she asked him.

Nilingon siya nito at nginitian.

"Basta"

Tumango nalang siya sa binata. Iniiwas niya ang paningin dahil baka hindi na niya mapigilan ang sarili na panggigilan ito kung magtatagal pa ang mga titig niya sa nakangiting mukha nito.

Bawat estudyante na nadadaanan nila ay napapatigil sakanilang mga ginagawa.

May iilan rin siyang nakikita na masamang nakatingin sakanya. Siguro dahil kasama niya ang binata.

Dinala siya nito sa napakalaking tennis court ng kanilang paaralan kung saan una niya itong nakita.

'This is where I first saw you," anito.

Humarap ito sakanya. Hinawakan nito ang isa pang kamay niya.

'Hindi ko alam kung bakit mo ako napapangiti" seryoso nyang sabi.

She looked at him straight in the eyes. His eyes are so beautiful. She is intrigued by the smile upon his face.

His eyes are so intense that she want to look away, or to never look away. She can't decide.

"B-bakit mo nasasabi sa-saakin yan?" she wanted to asked him that, so she did.

Unti-unting namula ang mukha nito. He's blushing again!

'I j-just want you to know m-my f-feelings," mas lalong tumuwid ang kanyang pagkakatayo dahil sa narinig.

Parang hindi na yata siya nakahingi.  At para yatang nabingi siya pansamantala.

Dinala ng binata ang isang kamay niya at itinapat iyon sa dibdib nito.

Kung gaano kalakas ang pagtibok ng kanyang puso kay ganito rin ang sa binata.

'Gusto kong malaman mo na sobrang saya ko dahil nakilala kita" pagpatuloy nito.

Hindi niya alam kung nagtatapat na ba ito sakanya. Pero isa lang ang alam niya, masaya siya sa sinabi nito.

Sa sobrang kaligayahan ay parang naiiyak na siya. At bago pa niya napigilan ay napaiyak na siya.

They said that it takes someone really special to make you smile with tears in your eyes.

She like him. She like him, a lot.

Nakita nya ang pagkataranta sa gwapong mukha nito.  Parang gusto nalang tuloy niyang matawa dahil sa nakikitang pagkabalisa sa singkit nitong mga mata.

'Stop crying, please?' he pleaded. He wiped away my tears. He looked unease now.

She bite her lips to suppressed her laugh. Pero kumawala parin ang munting tawa sa bibig niya.

Naguguluhang napatigalgal nalang ito sakanyang harapan.

Mukhang iniisip nito na nababaliw na siya.

'You're so cute!" kinurot niya ang pisngi ni Ryoma. Nakangiti na siya ngayon.

Sumimangot ang gwapong mukha nito. 

"I'm not cute!"

"You are!" mas sinimangutan pa siya nito.

Iniangat niya ang isang kamay papunta sa mukha ng binata. Natigalan ito dahil sa ginawa niya.

Marahan niyang hinaplos ang kilay nito para maialis ang pagkakakuno't ng mga iyon.

"Masaya din ako at nakilala kita Ryoma" pakislot ito dahil sa sinabi niya.

Ngumiti siya ng napakatamis sa binata.

"Did you missed me?" tumango siya. Wala ng dahilan para itago pa niya iyon. 

Simula ngayon, gusto niyang mas maging open pa sa binata. Para kahit papaano maiparating niya dito kung gaano niya ito kagusto.

"Good"

Pagkatapos nilang mag-usap ay inihatid rin agad siya nito pabalik sa kanilang classroom. 

Inulan agad siya ng mga tanong nila Mary Grace. Maging ang iba nilang kaklase ay naiintriga narin sakanilang dalawa ng binata.

Mabuti nalang at tinigilan rin siya ng mga ito. Pumasok na kasi ang guro nila kaya nakahinga rin siya.

Huling subject na nila  para sa araw na iyon. Kanina, satuwing may pagkakataon ay iniintriga agad siya ng kanyang mga kaklase.

Mabuti nalang at palaging binabara ni Sue ang ito, kaya nakaiwas rin siya kahit papaano.

May iniabot na maliit na papel sakanya si Crystal. Tinanggap naman niya iyon.

'Basahin mo besh' anito. Nakangising aso ito sakanya. Naweweirduhan man ay binasa parin niya ang nakasulat sa maliit na papel na iyon.

"Akala ko hanggang sa labasan lang dapat ang mga sundo. Pero bakit yang sundo mo nasa labas ng classroom natin? Basta ba gwapo laging may exemption!" mahina niyang binasa ang nakasulat doon.

Hindi niya nagets kaya binasa ulit niya at ganoon nalang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng mapagtanto kung ano ang nakasulat doon.

Napalingon siya sa labas at agad naman niyang nakita ang binata doon.  Nakauniform na ito ngayon. Nakatagilid ito kaya hindi niya makita ang mukha ng binata.

Ibinaling niya ang paningin sa guro nila. Nakita niyang nakayuko ito habang may isinusulat doon sa lesson plan nito.

Tumayo siya. Naglakad siya palabas ng kanilang classroom.

Naririnig pa niya ang panunukso nila Mary Grace sakanya. Pero tinawanan lang niya ang ito.

Mabuti nalang at mukhang busy ang teacher nila sa ginagawa nito kaya hindi siya nito napansin.

'What are you doing here?" she asked him. Medyo mahina lang ang pagkakatanong niya.

Napalingon ito sakanya. Kaya nasa harapan na niya ngayon ang napakagwapong mukha nito.

"Hinihintay kita, I missed you already kasi." tipid nitong sagot.



--------------------

A/N

"Sex is my business" chapter 8 and 9 is posted :) Check it out. Thankies :)

Solitude of the Purple Night (DON'T READ YET - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon