Revenge5 AM palang ay nakapostura na ako. Maaga akong nagising para makapag-ayos ng mas maaga.
Ilang beses ko muna pinasadahan nang tingin ang sarili sa salamin bago nagpasyang lumabas na ng aking kwarto.
Isinukbit ko sa kaliwang braso ang shoulder bag saka bumaba ng walang ingay.
Hindi paman ako nakaabot sa sasakyan ay tinawag na ako ni daddy. Nasa may garden sya at inaabala ang sarili sa pagtatanim ng mga halaman.
Mukhang ito na ang pinagkakaabalahan nyang gawin simula nang palitan sya ni Ryoma sa pamamalakad sa kompanya.
Nakakunot ang noo na pinasadahan nya ako nang tingin.
"Saan ka pupunta, anak?" Napatingin sya sakanyang relo saka bumaling ulit saakin. "Maaga pa ah, hindi pa nga tayo nag-aalmusal"
"I have work to do dad," lumapit ako para mahalikan sya sa pisngi. "I'll see you later"
"Pero hindi ka pa nakakapagbreak--"
"I gotta go dad. Bye!" Hindi ko na sya hinintay na matapos. I went immediately to my parked car.
Hindi ko na sinabi kay daddy ang totoo, kasi alam ko naman na hindi nya ako papayagan.
I have to do this, kailangan kong lunukin ang pride para sa kompanya. I know, I can do it. Hindi naman matagal ang isang buwan para hindi ko makayang pakisamahan si Ryoma.
Ano naman kong ex ko sya? What's the big deal out of it? Matagal na kaming hiwalay, so being civil with him won't hurt me.
Pagkarating ko ay wala pang tao, tanging mga panggabing guards pa ang nandon.
Binati ko sila at ganon din sila saakin. Hindi na nila ako tinanong ng mga kung ano ano pagkatapos kong sabihin ang pangalan ko.
Pagkapasok sa lobby ay may nakita akong dalawang janitors na nagmamop sa sahig. Dahil mukhang busy mga ito kaya hindi ko na inabala pa.
Umupo ako sa may waiting area na nasa gilid. It's very spacious, kahit pa siguro ilang tao ang maghintay dito ay hindi mauubusan ng comfortable na upuan.
May isang istante na naglalaman ng mga magazines at newspapers. May malapit din na coffee vending machine, katabi nito ay mini cabinet na may iba't-ibang uri ng snacks na nakadisplay.
Kumuha ako ng isa sa mga magazines at iyon ang pinagkakaabalahan kong basahin habang hinihintay si Ryoma.
Buong gabi ko itong pinag-isipan. At ngayon, buo na talaga ang desisyon ko. Papayag na ako na maging secretary nya sa loob ng isang buwan kapalit ng pagkakataon na mabili ulit ang shares na nakuha nya niya sa kompanya.
Nilibang ko ang sarili sa pagbabasa habang naghihintay. Hindi ko na namalayan ang oras, as I was busy reading each articles.
I feel like someone is carrying me. Pero imbes na magreklamo, mas lalo ko lang idinikit ang katawan sa kung sino man ang bumubuhat saakin.
Whoever it is, ang kanyang natural na bango ay nakakahalina. Tila dinadala ako sa kung saan na hindi ko akalain na mararating ko. Napakasarap sa pakiramdam.
I was enjoying every seconds of it. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nanataling ganun, gumalaw ako. Sa simpleng galaw na iyon ay tila parang nahuhulog ako.
"O-ouch!" daing ko. Bumagsak ako sa carpeted na sahig, at ang aking mukha ay halos humalik na doon.
"Are you okay?" Boses iyon ni Ryoma dahilan kaya napatayo agad ako. Hindi nga ako nagkamali dahil sya nga ang nagsalita. Kakapasok nya lang at may bitbit syang paper bags.
BINABASA MO ANG
Solitude of the Purple Night (DON'T READ YET - UNDER REVISION)
General FictionHighest Ranking: #1 - VarsityPlayer / #3 - Chinito