Ryoma's POVPapasok na sana ako sa loob ng classroom nang mamataan ko sa unahan ang babae kong kaklase. Kagaya ko, papasok din siya sa loob.
Napalingon siya sa gawi ko at agad kong nakita ang pagkakataranta sa mukha niya nang makita ako. Kinakabahan siya sa hindi ko malaman na dahilan. Palagi nalang ganito ang reaksiyon niya sa tuwing nasa malapit ako.
Dahil sa pagbalisa at magmamadali kaya hindi sinasadyang napatalisod siya. Sumabog ang mga gamit niya sa sahig.
Napatingin ang iilan sa mga kaklase namin pero wala ni isang tumulong sakanya. They even laughed at her.
I don't wanna waste my time, but it will be impolite of me not to help her out. My mother will surely kill me if I will not gonna help her. Nakasunod kasi ako sakanya at hindi naman ako gano'n ka sama para lagpasan lang siya.
Yumuko ako at tinulungan siyang pulutin ang mga gamit niyang nahulog. Tumayo rin pagkatapos. Halos hindi siya makatingin saakin nang iabot ko 'yon sakanya. Namumula ang kanyang mukha. I don't know what's in her. She seems weird.
"S-salamat R-Ryo---- ayyyy!"
Napaatras ako nang bigla nalang may sumuntok saakin. Hindi ko 'yon napaghandaan kaya nasapol ako sa mukha.
Napahiyaw ang mga kaklase namin at nagsimula ng magkagulo. Pero agad din na natahimik nang maramdaman ang tensiyon.
Napatuwid ako ng tayo. Marahas na hinarap ang may gawa no'n. Ang mukha ni Acezir ang sumalubong saakin.
Hindi makapaniwalang napatingin ako sakanya. What the heck?Nagpupuyos sa galit na nakipagtitigan siya saakin.
Ayos! Siya pa ang galit sa'ming dalawa. Gago lang!
"Gago!" I hissed.
Mabilis akong kumilos, ibinalik ko ang suntok sakanyang mukha. Hindi din niya napaghandaan 'yon kaya nasapol ko rin siya sa mukha.
Susuntukin na sana niya ako ulit kung hindi lang kami inawat ng mga kateammates namin na nagkataon na kaklase rin namin.
Hindi ko alam kung anong problema niya, pero wala akong panahon intindihin ang pagiging abnormal niya. He can bully whoever he wants to, but definitely not me.
Dinala kami sa tennis court ni Void, ang captain namin.
"What is wrong with the two of you?!" Pabulyaw niyang tanong saamin.
Walang nagsalita saamin ni Acezir. Sa parte ko, walang makakapagpasalita saakin. Not even our captain and he knows that.
"Ayusin niyo 'tong dalawa kung gusto niyo pang makapaglaro sa susunod na game!" Void said. Saka kami iniwanan ni Acezir.
Medyo nairita ako do'n. Mababangko pa ako dahil lang sa pagiging isip bata niya.
"I won't say sorry, you fvking deserved it Montefalco!" mariing sabi niya.
Up until now, wala parin akong ideya kung bakit siya nagagalit saakin. Siguro, umabot na talaga sa sukdulan ang pagiging gago niya kaya pati ako pinupuntirya narin niya.
"Grow up Samaniego, I can't always deal with your tantrums. I'm not your nanny." Nakita ko kung paano nalukot ang mukha niya sa sinabi ko. I smirked.
"Fvck you!" bulyaw niya saakin saka siya nagpupuyos na umalis.
Nanatili ako doon. Pilit na kinakalma ang sarili. Napatingin ako sa'king kamao at nakitang nagkagalos iyon. Pati labi ko, nagkagalos din. Fvck that asshole!
I sighed, trying to ease my anger.
Lumapit saakin sina Ejie at Zigger. May naglalarong ngisi sa mukha nilang dalawa na tila ba may nakakatawa sa nangyari.
BINABASA MO ANG
Solitude of the Purple Night (DON'T READ YET - UNDER REVISION)
General FictionHighest Ranking: #1 - VarsityPlayer / #3 - Chinito